Mga Celebrities Na Hindi Nagkatuluyan

Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Hindi Nagkatuluyan

Mga Celebrities Na Hindi Nagkatuluyan

Ang paghihiwalay sa isang relasyon ay hindi madaling experience, lalo na kung mayroong anak. Ang paghihiwalay ng dalawa ay maaaring magdulot ng emotional impact sa lahat ng involved, ngunit importante na bigyang-importansya ang kaligayahan at kapakanan ng bawat isa lalo na ang kinabukasan ng mga anak. Kilalanin ang mga celebrities na hindi nagkatuluyan.

1. Cristine Reyes at Ali Khatibi

Si Cristine Reyes at Ali Khatibi ay isa sa mga popular na celebrity couple sa Pilipinas. Si Cristine ay isang aktres at commercial model na kilala sa kanyang mga nagbabagaang acting performances sa telebisyon at pelikula. Si Ali naman ay isang former professional mixed martial artist at businessman.

Noong 2016, nagpakasal ang dalawa at sila ay mayroong isang anak na babae na si Amarah Khatibi. Ang pag-break up nilang dalawa ay isa sa mga hot topic sa entertainment industry ng Pilipinas noon. Ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina ay nadulas noon tungkol sa estado ng relasyon ng kanyang kapatid. Sa ngayon ay in good terms na ang dalawa dahil importante ito para sa kinabukasan ng kanilang anak. 

2. Lj Reyes at Paolo Contis

Anim na taon ang inabot ng relasyon ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis. Nagkaroon sila ng isang anak na si Summer Alyana. Ang kanilang hiwalayan ay isa sa mga pinag-usapan noong 2021. 

Kumalat ng mga larawan nina Paolo at ng aktres na si Yen Santos habang sila ay nasa Baguio kaya naman naging trending ang 'Baguio as a friend' sa social media. Dahil dito ay pansamantalang nilisan ni LJ ang Pilipinas at tumira sa Amerika kasama ang kanyang dalawang anak. Dineny naman ni Paolo na hindi si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ.

"Somehow, medyo matagal na kaming hindi okay ni LJ pero we were together officially. Napapadalas yung away. I think it was a combination of stress sa pandemic and everything," pahayag ni Paolo sa interview sa kanya ni Tito Boy sa Fast Talk ng GMA Network.

3. Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Ang hiwalayan nina Aljur at Kylie ay isa rin sa mga sinubaybayan ng mga netizens. 

Sa isang social media post noon ni Aljur, hinamon niya si Kylie na isapubliko ang rason ng kanilang hiwalayan. Ibinato rin niya kay Kylie kung sino ang unang nag-taksil sa kanilang relasyon. Dito din nagsimula ang mga haka-haka na ang naging dahilan daw umano ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa pagiging unfaithful ng aktres sa kanyang asawa. 

Ayon naman sa ama ni Kylie na si Senator Robin Padilla ay mayroon daw naging kabit si Aljur ngunit hindi niya ito pinangalanan. Lumabas naman ang mga larawan nina Aljur at ang aktres na si AJ Raval na magkasama sa mall na magka-holding hands sa publiko. Kumalat din ang balita na nanganak na umano si AJ Raval at si Aljur ang pero itinanggi naman niya ito.

4. Bea Alonzo at Gerald Anderson

Nabuhay ang entertainment industry nang sumiklab ang dating rumors nina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil sa kanilang mga cryptic posts sa kanilang Instagram. At nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko, hindi maiwasan ng mga netizens na ungkatin ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea at Gerald. 

Ayon ay Bea ay hindi pa siya handang makipagkaibigan kay Gerald dahil hindi niya ito mapagkakatiwalaan.

Sa mga iba’t ibang interview kay Bea, sinabi niya na hindi lang naging taksil si Gerald sa kanya habang sila ay nasa relasyon kundi naging ghoster at gaslighter din daw ang aktor. Matagal nang spekulasyon sa publiko na si Julia Barretto ang naging third-party sa hiwalayan nina Bea at Gerald. Bagay naman na itinanggi ng mag-jowa.

5. Julie Anne San Jose at Benjamin Alves

Umabot ng dalawang taon ang relasyon nina Julie Anne at Benjamin Alves. Hindi nila ibinahagi ang rason ng kanilang break-up at mukhang hindi naging maayos ang paghihiwalay nilang dalawa. Sa ngayon ay masaya na sila pareho dahil in a relationship si Julie Ann sa co-host niya sa The Clash na si Rayver Cruz. Samantalang engaged na si Benjamin sa vlogger at digital inluencer na si Chelsea Robato.

6. Diether Ocampo at Kristine Hermosa

Ikinasal sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa-Sotto noong 2004 pero naghiwalay din. Hindi sila biniyayaan ng anak at naaprubahan ang kanilang annulment limang taon matapos silang ikasal.

7. Dingdong Dantes at Karylle

Nabuo ang pagmamahalan nina Dingdong at Karylle ng magsama sila sa Telefantasya ng GMA Network na Encantadia. Ngayon ay pareho na silang kasal sa kanilang mga partners. May dalawang anak na din sina Marian at Dingdong na si Zia at Ziggy.

Talaga namang walang forever din kahit sa showbiz. Ang importante ay ang aral na matutunan at ang pag-move on sa mga bagay na hindi na puwedeng baguhin.


No comments:

Post a Comment

Sponsor