Mga Ka-Look-A-like Ng Mga Sikat Na Celebrities

Kilalanin Ang Mga Ka-Look-A-like Ng Mga Sikat Na Celebrities

Mga Ka-Look-A-like Ng Mga Sikat Na Celebrities

Sa mundo ng showbiz, hindi naman bago na makakita ng artista na may kamukhang kamukha na ibang tao. Minsan, aakalain mo talaga na parang magkapatid o magkamag-anak sila pero hindi sila magkadugo. Kilalanin ang mga ka-look-alike ng mga sikat na artista.

1. Lea Dumortier

Malaki ang pasasalamat ng isang French-Taiwanese na si Lea Dumortier dahil inihahalintulad ang kanyang mukha sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. 

Agaw pansin siya ngayon sa Tiktok at halos lahat ng kanyang bidyo ay may mga kumento na kamukhang-kamukha niya si Marian kaya gumawa din siya ng bidyo na kung saan pinagkumpara niya kung sino ang mas ka look-alike niya.

Kabilang sa mga celebrity na ito ay sina Carla Abellana, Marian Rivera at Kristine Hermosa pero ayon sa kanyang mga taga hanga ay mas pinakahawig niya si Marian. 

2. Junrey Baug

Naging usap-usapan ang mga larawan ng construction worker na ito dahil malaki daw ang pagkakahawig nito sa Kapamilya aktor na si Jericho Rosales. Ang kanyang mga mata, buhok at ilong ay malaki ang pagkakapareho sa sikat na aktor. 

Siya ay si Junrey Baug mula sa Monkayo, Davao de Oro. Simula daw ng i-upload ni Hyobz Perez ang kanyang mga litrato online ay marami ng mga netizens ang nagpapa-picture sa kanya. Ayon naman kay Junrey ay bata pa lamang siya ay marami ng nagsasabi na kamukha niya si Echo kaya naman minsan ay nahihiya siya kapag sinasabi ito sa kanya ng mga tao.

3. Yasmine Espiritu-Vargas

Si Yasmine ay ang misis ng aktor at politician na si Alfred Vargas. Siya ay half Filipina-Italian at ipinanganak sa Italy. Nagkakilala ang dalawa noong 2008 sa show ni Alfred sa Laguna. Mahigit isang dekada na ang kanilang pagsasama at biniyayaan sila ng tatlong anak. 

Base sa mga larawan ni Yasmine ay malaki ang pagkakahawig nito sa aktres na si Marian Rivera, Carla Abellana, Kristine Hermosa at marami pang iba. Tulad din ng mga artistang nabanggit ay maganda rin ang pangangatawan ni Yasmine dahil mahilig din itong magwork-out tulad ni Alfred.

4. Patricia Jhoy Egpit Letran

Agaw pansin sa social media si Patricia dahil sa sobrang pagkakahawig daw niya sa Kapamilya aktres na si Kathryn Bernardo. Unang tingin sa kanyang larawan at bidyo ay iisipin mo talagang siya si Kathryn Bernardo.

5. Ian Dela Pena

Si Ian ay nag-viral din sa social media dahil sa pagkakahawig daw nito sa Pambansang Bae na si Alden Richards. Siya ay kasalukuyan nakabase sa Dubai bilang florist. Noong una daw siyang makarating sa Dubai ay trinato daw siya na parang celebrity dahil sa kanyang looks at dahil kalook-alike niya si Alden. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor