Ang bagong blessing nina Jerald Napoles at Kim Molina

Ang bagong blessing nina Jerald Napoles at Kim Molina

Ang bagong blessing nina Jerald Napoles at Kim Molina

Ang mundo ng showbiz ay hindi lamang puno ng mga magagaling na artista kundi pati na rin ng mga power couple na kinahuhumalingan ng mga fans. Isa na sa mga ito ay sina Kim Molina at Jerald Napoles, ang bagong tambalan sa larangan ng musika at pag-arte.

Maraming nag-akalang buntis ang singer na si Kim Molina dahil sa cryptic post nila ng kanyang partner na si Jerald Napoles noong Pebrero 27.

Ang ibang netizens naman ay inakalang magpapakasal na ang dalawa dahil matagal na rin silang mag boyfriend/girlfriend.

Napatunayang hindi totoo na buntis si Kim batay sa pag-amin ni Jerald noong Miyerkules ng gabi, ika-1 ng Marso. Kanilang kinumpirma na may kinalaman ang kanilang misteryosong post sa Team A, ang bagong sitcom kung saan sila ang mga bida at mapapanood ito sa TV5.

Ibinahagi nila ang isang bidyo sa kanilang social media kung saan nireveal nila ang kanilang bagong blessing.

"Ito na nga ang ating blessing reveal. Sobrang natuwa kami ni Je kasi, excited din kayo? Lahat naman isine-share namin sa inyo kaya sasabihin na namin ang bagong chapter ng aming buhay. Matagal namin itong hinintay."

Ipinakita ng celebrity couple na nasa set sila ng bago nilang sitcom na Team A na mapapanood sa TV5 tuwing sabado simula March 18 ng gabi.

Kabilang sa mga cast ay sina Yayo Aguila, Gene Padilla at Anjo Yllana.


No comments:

Post a Comment

Sponsor