4 Na Artistahin at Rich Kids nina Small at Philip Laude
Kilalanin Ang 4 Na Artistahin at Rich Kids nina Small at Philip Laude
Si Small Laude ay isang kilalang entrepreneur at vlogger sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagbabahagi niya ng kanyang araw-araw na buhay sa social media, siya rin ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan natin na nangangarap na umahon sa buhay at makaranas ng karangyaan.
Kilala rin si Small Laude bilang isang social media personality na mahilig sa mamahaling kagamitan at mga stylish na sapatos at bag. Sa kanyang mga vlog, makikita ang kanyang koleksyon ng mga mamahaling bag.
Bukod sa kanyang hilig sa pagsho-shopping, tumutulong din si Small Laude sa kanyang mga trabahador. Namimigay siya ng pera sa mga driver at kasambahay bilang gantimpala sa kanilang pagiging tapat at masipag. Dahil dito, hinahangaan siya ng kanyang mga empleyado at ng karamihan.
Isinasama rin niya ang mga ito sa kanyang mga content sa kanyang mga video kung saan sila ay nagtutulungan sa mga challenges na mayroong premyo na nagkakahalaga ng mahigit 200,000 pesos.
Dahil sa kanyang kabaitan at pagiging mabuting amo, hinahangaan si Small Laude ng kanyang mga fans at ng kanyang mga trabahador. Kaya naman, masisigurado natin na sisipagin sila sa kanilang trabaho dahil sa kanilang mahusay na lider.
Si Small ay ikinasal kay Philip Laude na isang negosyante at sila ay biniyayaan ng apat na anak. Noong sumikat si Small sa pagva-vlog, nakilala rin sa social media ang kaniyang tatlong anak na lalaki na sina Christopher, Michael, at Timothy, na karaniwang makikita sa kanyang mga vlog.
Silat ay dati ng na-feature sa isang magazine feature ng Metro Society na pinamagatang 'Siblings in Style'. Ang panganay at pangalawang anak na sina si Christopher at Michael ay pareho ng nakapagtapos na ng pag-aaral sa Ateneo de Manila University.
Si Allison naman ang bunso at nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid. Dahil siya lamang ang nag-iisang babae ay prinsesa ang turing ng tatlong kuya niya sa kanya. Mahilig din siyang tumugtog ng iba't ibang musical instruments.
Matatandaan na natanggap sa kanyang pinapangarap na paaralan sa Amerika si Allison na Claremont McKenna College. Pinost niya sa kanyang social media ang dalawang video kung saan kasama ang resulta ng application sa nasabing paaralan, kasama ang caption na: 'Congratulations Allison! So proud of you! Despite the fact that mom wanted you to stay. Time flies so fast I can’t believe you’re going to college. Chinadoll got into her first choice of school for college!'
Nagulat ang ilang netizens sa kamahalan ng tuition fee sa Claremont McKenna College. Ayon sa website ng CMC, magbabago ang halaga ng tuition fee depende sa room assignment at meal plan na pipiliin ng estudyante.
Ang bayad para sa tuition fee ay nasa $30,240 kada semestre o katumbas ng Php 1,689,629.76. Dahil mayroong dalawang semestre sa Claremont, magkakahalaga ng $3,379,259.52 ang kabuuang babayaran sa isang taon.
Ang Claremont McKenna College ay isa sa mga nangungunang liberal arts college sa bansa. Mula noong 1946, naglalayon ang CMC na ihanda ang mga mag-aaral para sa mapag-arugang at makabuluhang pamumuhay at sa responsableng pamumuno sa negosyo, pamahalaan, at iba pang propesyon.
No comments:
Post a Comment