Bubble Gang star Gwen Zamora, mas pinili ang buhay probinsya

Bubble Gang star Gwen Zamora, mas pinili ang buhay probinsya

Bubble Gang star Gwen Zamora, mas pinili ang buhay probinsya

Naging inspirasyon ang mag-asawang Gwen Zamora at ang basketball player/DJ na si David Semerad dahil sa simple pero masayang pamumuhay nila sa probinsya. 

Nagdesisyon sila na magtayo ng isang modern bahay kubo sa kanilang farm sa Batangas na tinawag nilang Semerad Farm. Ayon sa mag-asawa, pinili muna nilang manirahan sa Batangas dahil less crowded doon kesa sa condo nila sa Manila.

Mahirap na daw kasi kung mamamalagi pa sila doon lalo na noong kasagsagan pa ng pandemya at para narin sa kaligtasan ng kanilang anak na si Cooper.

'The first thing that came to mind was we needed to kind of escape to a safe haven especially because back in Manila, we were staying in a condo unit which was more risky especially with the vir𝔲s. That was the main reason why we chose to go to the farm,' kwento ni Gwen sa kanyang vlog.

Pareho nilang desisyon na manirahan nalang sa probinsya at hindi daw sila nahirapan mag-adjust.

"It was super easy to adjust because we would always go there every weekend. So we always kind of missed it and always wanted to go back."

"Kasi when we lived in a city and we would go back every weekend, parang bitin palagi but once we got to fully immerse ourselves for five months over there, super sarap talaga ng feeling."

Inamin ni Gwen na naging city girl siya sa buong buhay niya pero tuwing summer ay binibista niya ang kanyang mga kamag-anak sa probinsya.

"Both being half-Filipinos, we wanted something different from what we've grown up with. A true taste of the Philippines. A kubos was a deal for giving us cabin feel and a true blend with a nature of our surrounding."

Si Gwenaelle Tasha Mae Agnese Zamora o mas kilala bilang Gwen Zamora ay may lahi din Italian, French at Vietnamese habang si David John Semerad naman ay half Filipino-Czech. 

Meron kakambal si David na isang rin basketball na si Anthony na asawa naman ng aktres at modelo na si Sam Pinto. 

Si Gwen at Sam ay dating parte ng Bubble Gang kasama si Ellen Adarna. Pareho na silang hindi aktibo sa showbiz at mas focus sila ngayon sa pag-aalaga ng kani-kanilang mga anak.

Samantala, masayang ibinalita ni Gwen at David na magkakaroon na sila ng baby number 2. Ibinahagi ni Zamora ang magandang balita sa pamamagitan ng isang post sa social media kung saan nag-upload siya ng isang video ng kanyang ultrasound upang malaman kung babae o lalaki ang kanilang magiging sanggol.

SECOND WEDDING

Matapos ang mga matagal na panahon ay natupad na rin ang pangarap na kasal dito sa Pilipinas nina Gwen at David. Upang maging mas memorable ang kanilang kasal dito sa bansa, nag-organisa rin sila ng prenup shoot sa isla ng Boracay.

Nagdesisyon ang magkasintahan na ilipat ang kanilang kasal matapos makaranas ng problema dulot ng COVID-19 noong 2020.

Ito na ang pangalawang kasal para kay Mr. at Mrs. Semerad, dahil nagkaroon na sila ng civil union sa France noong nakaraang 2021.


No comments:

Post a Comment

Sponsor