Issa Pressman, inulan ng mga negatibong kumento sa holding hands picture nila ni James Reid

Issa Pressman, inulan ng mga negatibong kumento sa holding hands picture nila ni James Reid

Issa Pressman, inulan ng mga negatibong kumento sa holding hands picture nila ni James Reid

Maraming mga tagahanga ng JaDine ang nagpakita ng pagkadismaya at pagkabigla sa mga larawan na ibinahagi nina James Reid at Issa Pressman sa social media na nagpapakita na magkasama sila sa Love on Tour concert ni Harry Styles na ginanap sa Philippine Area noong March 14. 

Parehong nagpost ng mga larawan at bidyo ang dalawa sa kanilang Instagram account na magkasama sa concert at magka-holding hands pa. Matatandaan na naghiwalay sina Nadine Lustre at James noong 2020 at si Issa noon ang napabalitang third party ng hiwalayan nila. 

Ngunit sa kabila ng mga spekulasyon at akusasyon, pinabulaanan nina Reid at Pressman ang mga ito. Sa kanilang mga pahayag, inihayag nilang magkaibigan lamang sila at walang anumang romantic na ugnayan sa pagitan nila. 

Dati narin ipinagtanggol ni Nadine si Issa na hindi daw siya ang dahilan ng break-up nila ni James. Noong Nobyembre 2018 naman, naging laman ng balita si Issa nang ipakilala niya ang kanyang girlfriend na si Marga Bermudez at pag-amin na siya ay bisexual. Ayon sa ulat, ay hiwalay na sila ngayon.  

Dahil sa mga larawan na magka-holding hands sina James at Issa ay inulan ng mga negatibong kumento ang post nilang dalawa sa social media. May mga netizens din na nagtanggol sa kanila at dapat na daw silang magmove-on dahil magtatatlong taon na din simula nang maghiwalay ang JaDine. 

Sa ngayon ay masaya na rin ang puso ni Nadine dahil in a relationship na din siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Christopher Bariou na half Filipino half French.

"Di ba merong balita dati na si Issa Pressman daw ang dahilan ng break up ni Jadine? Parang totoo ah hehehe."

"Kaloka. mga inggitera! bakit ba di kayo maka move on at maging masaya for james like for nadine? jinowa lang ang friend cheater agad?! what an accusation! saka pano niyo naman nasabing siya dahilan ng hiwalayan? ugh. kaloka kayo!

"So happy for you Issa. You deserve to be loved pero sobrang dameng ampalaya. To be honest the fact na wala silang magawa kundi mang bash ng bash nang di nmn nila alam the whole story. Be happy always may mga fans mo like me na happy kung ano man yung nagpapasaya sayo, tsaka to be honest bagay kau ni James."

"Let's be happy na lang po for them. Tagal na rin naman walang gf ni James and nagpapakasubsob siya sa work ng matagal na panahon deserve na din naman niya eh si Nadine 2021 pa lang niya low-key boyfriend nga."

"Super deny pa before and here they are. Instead of feeling hurt for nadine I am feeling extra happy for her getting away from them. She deserves the peace and freedom."

"I thought mag jojowa si james ng hindi connected or kakilala ni Nadine. Like same what Nadine did now her boyfriend was accidentally and really not showbiz person. Why I'm kindaaa disappointed!!  Maybe I'm expecting that it should not be her because long time you had an issue before but both of you even her ate denied about it but look it's happening now."

"Sobrang strong and bait naman ni Nadine dahil pinagtanggol kapa niya nung na-issue kayo ano kaya kinondisyon niyo sakanya to make her do that para magsinungaling at pagtakpan pa kayong dalawa. Kung meron man sobrang salute talaga kay Nadine and I pity her para sa career nalang siguro niya para hindi din siya mawala, hays, dati naging fan ako dahil sayo James but now I'm a fan only of Nadine nalang kase siya totoo siyang tao, ikaw wala cheater ka pala talaga."


No comments:

Post a Comment

Sponsor