5 Celebrities na Maagang Nabiyudo-Nabiyuda

Mga Celebrities na Hindi Inaasahan ang Pagkawala ng Kanilang mga Asawa

5 Celebrities na Maagang Nabiyudo-Nabiyuda

Isa sa mga pinakamasakit at hindi inaasahan na pangyayari ay ang maagang pagpanaw nang mga asawa ng mga sikat na celebrities. Sa artikulong ito, ating alamin at kilalanin ang ilan sa mga Filipino celebrities na nagdanas ng ganitong pagsubok.

1. Camille Prats

Noong 2017, ikinasal si Camille sa isang businessman na si John Yambao sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas. Hindi niya akalaing magmamahal at magpapakasal siya muli matapos mawala ng kanyang dating asawa na si Anthony Lansangan noong 2011. 

Mahigit sampung taon na din ang nakalipas simula ng iwanan ni Anthony si Camille. Siya ay 31 na taong gulang at kakakasal lamang nila ng beteranang aktres ilang buwan lamang ang nakalipas.

Aniya, 

Hindi ako makapaniwala kasi napakabata niya. That time he's turning 30 parang hindi totoo. I thought it's not possible for someone his age to acquire a disease like that. I thought it could just be a viral infection. When we found out that it was cancer, hindi ako makapaniwala but of course, we had hope."

Dagdag pa ng aktres ay marahil daw ay may mga bagay na hindi natin gustong mangyari, ngunit baka mayroong mga plano ang Diyos para sa bawat isa na hindi natin alam. At iyon pala ang kanyang hangarin para sa atin.

"At iyon ang nararamdaman ko kay VJ. Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon. Sa totoo lang, nung kami ni Nathan pa lang, wala akong balak na magkaroon ng relasyon ulit, okey na ako sa aming dalawa lang."

"Ngunit marahil may magandang plano ang Diyos para sa akin at sa anak ko. Kaya siguro narito na ako sa ganitong posisyon ngayon," dagdag pa ni Camille sa isang press conference noon sa kanyang teleserye sa GMA-7.

2. Wowie de Guzman

 Maraming natuwa sa aktor, mananayaw, at kauna-unahang boyfriend ni Judy Ann Santos na si Wowie de Guzman dahil sa pagiging matapang nito bilang isang single dad. Ginagawa niya ang lahat nang mag-isa upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang nag-iisang anak na babae. 

Ikinasal si Wowie sa kanyang hindi artista na kasintahan na si Sheryl Ann Reyes na taga-Pampanga noong 2012, pero nakakalungkot na namatay siya noong 2014 sa edad na 26 taon isang buwan pagkatapos isilang ang kanilang anak na si Alexandra Rafaella o Raff.

Bagamat nalulungkot at nasasaktan sa pagkawala ng kanyang misis, mananatili pa rin siyang matatag para maging mabuting ama sa kanilang anak. Sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay, nagagawa pa rin ni Wowie na itaguyod mag-isa ang kanilang anak.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin siyang tumatanggap ng mga proyekto tulad ng pagiging guest sa telebisyon at madalas din siyang kinukuha bilang zumba dancer sa mga event dito sa Pilipinas at abroad. Kapag nasa trabaho naman siya, naroon naman ang kanyang mga biyenan upang alagaan ang kanilang anak.

3. Andrew Schimmer

Noong nakaraang Nobyembre, unang nabanggit ang tungkol sa delikadong kalagayan ni Jorhomy o 'Jho'. Si Andrew ay humiling ng panalangin at tulong pinansyal mula sa publiko upang mapagaling si Jorhomy at mabayaran ang kanilang mga utang sa ospital. 

Sinabi ni Andrew na dinala nila si Jorhomy sa St. Luke's Medical Center, Bonifacio Global City sa Taguig matapos niyang ma-experience ang matinding attack ng ashtma na nauwi sa cardiac arrest at brain hypoxia, isang kondisyon na kulang ang supply ng hangin sa utak ng isang tao. Namatay si Jhoromy Rovero, asawa ni Andrew Schimmer, noong Disyembre 2022 matapos isang taon ng pakikipaglaban sa sakit na hypoxemia.

Si Andrew mismo ang nag-anunsyo ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang video post sa Facebook. Nasa taping siya ng "Family Feud Philippines" nang tumawag ang mga doktor sa ospital at sinabi na bigla raw nawala ang blood pressure at oxygen saturation ni Jhoromy.

Humingi ng paumanhin si Andrew sa mga namumuno ng "Family Feud Philippines" dahil kinailangan niyang umalis para puntahan si Jorhomy sa ospital. Nagpasalamat siya sa mga taong nagdasal para sa kanyang asawa at tumulong sa kanila.

4. Amy Austria

Sa kabila ng tagumpay niya sa kanyang showbiz career noon, hindi naging madali ang buhay ni Amy. Nakaranas siya ng maraming pagsubok kasama na riyan ang pangpanaw ng kanyang unang asawang si Jay Ilagan noong 1992. 

"Nakasama mo nang almost 10 years tapos tumigil ka noon sa pag-aartista, siya na ang ginawa mong sentro at hari ng buhay mo then biglang mawawala dahil sa aksidente."

Dumating na daw sa punto noon na gusto na din mawala ni Amy dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal.

"Mahirap ang feeling ko noon, nabuhay ako para sa kanya, nabuhay kami para sa isa't-isa and then biglang nawala. Parang mamatay narin kaya ako, yung ganun. Parang ano pa ang silbi ko dito sa mundo kung wala na siya. Dumating sa point na ganun."

Matagal na panahon din bago siya nakamove-on sa pagkawala ng asawa pero may mga oras pa daw noon na akala niya ay okay na siya pero bigla na lamang siyang iiyak.

Ikinasal muli si Amy noong 1999 at nakahanap ng pagmamahal sa kanyang non-showbiz husband na si Duke Ventura. Mahigit dalawang dekada na rin silang kasal.

5. Lindsay Custodio

Si Lindsay Custodio-Cale na ipinanganak noong ika-22 ng Oktubre 1978 ay isang artista at singer. Siya ay napabilang sa youth-oriented variety show na "Ang TV" noong 1992. Noong 1995 naman, siya ay napasama sa romantic dance film na "Hataw Na". Lumabas si Custodio sa mga pelikulang "Kristo" at "Ang TV: The Adarna Adventure" noong 1996. Sa parehong taon, inilabas ang kanyang debut album na "My First".  

Ang kanyang pangalawang album na "New Horizons" ay inilabas naman noong 1998. Siya ay ikinasal kay Tanauan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon mula Disyembre 2000 hanggang sa kanyang pagpanaw noong Nobyembre 2018 dahil sa atake sa puso, at may dalawang anak na sina Sean Christopher at Charisse Marianne.

Muli naman umibig si Lindsay at ikinasal sa kanyang non-showbiz partner na si Frederick Cale noong May 2, 2022. Ginanap ang kanilang kasal sa Muntinlupa City.


No comments:

Post a Comment

Sponsor