7 Celebrity Moms na Patuloy na Bumabata at Mukha Paring Dalaga

7 Celebrity Moms na Patuloy na Bumabata at Mukha Paring Dalaga

7 Celebrity Moms na Patuloy na Bumabata at Mukha Paring Dalaga

Ang mga Filipina celebrity moms na ito ay kilala hindi lamang sa kanilang tagumpay sa showbiz, kundi pati na rin sa kanilang ganda at mukha na parang dalaga parin. Kahit na sila ay may mga anak na, mukha pa rin silang dalaga at ang iba naman ay parang kapatid lamang ang mga anak nila. Narito ang ilan sa mga kilalang Filipina celebrity moms na hindi tumatanda sa kanilang hitsura.

1. Inah Raymundo

Si Ina Raymundo ay kasal na ng halos dalawang dekada sa kanyang Canadian-Ukrainian husband na si Brian Poturnak. Sila ay biniyayaan ng artistahing mga anak na sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka. Kahit may limang anak na ang aktres ay pinapanatili parin niyang malusog ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng pag-e-ehersisyo at pagkain ng mga masustansyang mga pagkain.

2. Sunshine Cruz

Dating kasal si Sunshine sa aktor na si Cesar Montano, ngunit noong taong 2018 ay napawalang-bisa na ang kanilang kasal. Sila ay biniyayaan ng tatlong magagandang anak na babae na sina Angelina, Sam, at Angel Francheska. Sa ngayon ay single mom si Sunshine dahil kinumpirma nito na hiwalay na sila ni Macky Mathay na half brother ng aktres na si Ara Mina.

Sa isang panayam sa kanya ni Boy Abunda sa 'Fast Talk,' inamin nito ang hiwalayan nila ni Macky ilang buwan pagkatapos kumalat ang tsismis na naghiwalay na sila. Sinabi din ni Sunshine na naisip niyang manahimik na lamang noon dahil may mga bata na sangkot sa kanilang relasyon. Ang mga anak ni Macky na napamahal na daw kay Sunshine at ang mga anak niya na napamahal na din kay Macky."

Sa kasalukuyan, masayang-masaya ang lovelife ni Sunshine dahil nasa isang relasyon siya kay Macky Mathay na half-brother ng aktres na si Ara Mina. Nagkakilala sila apat na taon pagkatapos ng kanilang hiwalayan ni Cesar Montano.

3. Bangs Garcia

Si Bangs Garcia o Valerie Garcia sa totoong buhay, isang artista sa Kapamilya network, ay masaya sa kanyang buhay kasama ang kanyang asawa na si Lloyd Birchmore. Si Lloyd ay half-British at half-Filipino at nagtatrabaho bilang negosyante. Nakilala nila ang isa't isa noong 2015 sa Boracay habang nasa labas sila't nag-iinuman sa kilalang bar doon na 'Epic'. 

Biniyayaan sila ng dalawang anak na babae na sina Amelia at Isabella. Kahit dalawa na ang anak ni Bangs ay pinapanatili parin niyang seksi ang kanyang pangangatawan.

4. Cristine Reyes

Noong Enero 27, 2016, ikinasal siya kay Ali Khatibi, isang Mixed Martial Arts fighter, sa Balesin Island, Quezon. Ngunit kinumpirma niya na hiwalay na sila noong 2019. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Amarah. 

Bagaman hindi nagtagal ang kanilang pagsasama, nagawa naman daw nilang i-maintain ang maayos na relasyon bilang magkaibigan para rin sa kanilang anak. Bago pa ang pandemya, madalas silang mag-travel sa ibang bansa at paborito din ni Amarah ang magpunta sa beach. Maraming sakripisyo daw ang pagiging single mom at kailangan niyang kumayod para matugunan ang pangangailangan ng kanilang anak.

Ito raw ay ilan lamang sa mga natutunan ni Cristine bilang isang single parent at gagawin niya ang lahat para mapasaya at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang anak.

5. Sugar Mercado

Nakilala si Sugar noon dahil naging parte siya ng Eat Bulaga at naging miyembro ng Sexbomb Girls. Napansin din siya ni Willie Revillame at ginawa siyang co-host sa Wowowin dahil sa kanyang husay sa pagho-host. Naghiwalay sila ng kanyang dating asawa na si Kristofer Jay Go, ngunit may dalawang anak na babae sina Gabrielle at Olivia mula sa kanilang relasyon. 

Nagsampa si Sugar ng kaso laban sa dating asawa noong 2015 dahil sa umano'y paulit-ulit na pananakit, ngunit ngayon ay maayos na ang kanilang ugnayan para sa kanilang mga anak. Sa panahon ng kanyang pagkakaroon ng kahirapan, tinulungan siya ng Gabriela Women's Party at nagtrabaho rin siya sa Klownz at Zirkoh upang makaahon muli.

6. Angel Aquino

Kahit 50 taon na siya, marami pa rin ang humahanga sa kagandahan ng dating modelo at aktres na si Angel Aquino dahil kitang-kita pa rin ang kanyang mukhang baby face. Noong 1995 ay ikinasal siya kay Ian Bernandez at naghiwalay sila matapos ang siyam na taong pagsasama. 

Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2004 at nagkaroon sila ng dalawang anak na babae: si Iana na ngayon ay 29 taong gulang at si Thea Bernandez na magdiriwang ng ika-27 kaarawan ngayong taon.

7. Jean Garcia

Si Jean ay 53 taong gulang na ngayon ngunit hindi mo ito mapapansin sa kanyang hitsura dahil mukha pa rin siyang nasa late 30's o early 40's. Marami ang nagsasabi sa kanyang mga tagahanga sa kanyang social media na para siyang bagets dahil din sa kanyang pormahan. Ang kanyang panganay na anak na si Jennica ay mukhang kapatid lamang niya. 

Noong 2014, naghiwalay sila ng kanyang boyfriend na businessman at hanggang ngayon ay single pa rin siya. Hindi naman niya priority ang magkaroon ng boyfriend o makipagrelasyon. May mga nag-iimbita sa kanya na mag-date, ngunit ilan sa kanila ay mas bata sa kanya at hindi niya ito masyadong ina-entertain dahil madalas daw ay hindi sila seryoso sa buhay at hindi pa handa na mag-settle down. Kapag magda-date man siya, mas gusto niya na katulad lang ng kanyang edad.


No comments:

Post a Comment

Sponsor