7 Filipino Celebrities Na Aminadong Nagparetoke

Kilalanin Ang 7 Filipino Celebrities Na Aminadong Nagparetoke

Kilalanin Ang 7 Filipino Celebrities Na Aminadong Nagparetoke

Sa mundo ng showbiz, hindi na bago na mayroong mga artista na nagpapa-enhance ng kanilang pisikal na anyo upang lalo pang magpakagwapo o magpaganda. Hindi rin ito bago sa mga artista sa Pilipinas. 

Sa katunayan, ilan sa mga kilalang Filipino celebrities ay bukas na nagpahayag na sila ay nagpapa-enhance ng kanilang mga kagandahan sa pamamagitan ng kosmetiko. Sa artikulong ito, ating pag-uusapan ang ilan sa mga sikat na Filipino celebrities na umamin na sila ay nagpa-cosmetic enhancement.

1. Lani Misalucha

Si Lani Misalucha ay kilala bilang "Asia's Nightingale" dahil sa kanyang magandang boses at husay sa pag-awit. Maraming mga netizens ang napansin na parang mayroong mga pagbabago sa mukha ni Lani Misalucha lalo na ang kanyang ilong at labi. Ito ay pinagmulan ng mga tanong at mga haka-haka kung mayroon nga ba siyang ginawang cosmetic enhancement. 

Sa isang panayam, inamin ni Lani na siya ay pina-enhance niya ang kanyang ngipin, baba at ilong. Ayon sa kanya, ito ay upang mas maging kumportable at confident pa siya sa sa harap ng camera. Bagamat nagpahayag na si Lani tungkol sa kanyang cosmetic enhancement, nanatili pa rin siyang respetado at kinikilala sa kanyang talento sa pag-awit.

2. Pops Fernandez

Si Pops ay ang tinaguriang 'Concert Queen of the Philippines' dahil sa kanyang mga matagumpay na mga concert sa buong bansa at sa ibang mga bansa. Noong 2009, kinumpirma ni Pops ang mga haka-hakang siya ay nagpa-enhance ng kanyang mga labi upang mukhang katulad ng labi ng kanyang iniidolo na Hollywood actress na si Angelina Jolie.

3. Arci Munoz

Taong 2017, naging usap-usapan ang Kapamilya artist na si Arci Muñoz nang mag-post ang isang fan ng mga larawan kasama siya at napansin ng mga netizens ang mga pagbabago sa kanyang mukha lalo na sa mga labi at ilong. Hindi makaligtas si Arci sa mga tanong at mga komento tungkol sa mga napansin ng mga netizens na mga pagbabago sa kanyang mga labi at ilong.

Aniya, 

"I'm just really happy. I think more than the physical appearance, it's the inside. Nagpapakapal naman talaga ako ng lips kasi. Nilalagpasan ko yung lipstick ko eh. Napaka-open naman natin. So? Ano ba? It's open naman di ba? Personally I am not against it. It's my body and whatever's gonna make me feel more comfortable and more confident sa aking sarili, I'll do it."

4. Maui Taylor

Inamin ng seksi star at miyembro ng sikat na all-female group na 'Viva Hot Babes' na si Maui Taylor sa "Don't Lie To Me" segment ng 'Showbiz Central' noong 2009 na pina-enhanced niya ang kanyang dibdib, tiyan, ilong, at baba. Gayunman, noong unang bahagi ng 2021, ibinunyag niya na nais niyang alisin ang kanyang mga silicone breast implants dahil sa naranasang sakit sa likod dahil sa dagdag na bigat nito.

5. Christopher de Leon

Sa edad na 66, mukha pa rin bata ang mukha ni Boye sa tulong ng siyensiya at ni Doktora Vicki Belo. Sa isang panayam noong 2011, kinumpirma ni Christopher na sumailalim siya sa isang non-invasive na procedure na tinatawag na Ulthera upang mapanatiling manipis ang kanyang balat at mas bata ang kanyang mukha. Pinili niya ang proseso na magtatanggal ng kanyang mga puffy eye bags at magpapaganda pa ng kanyang balat at muscle.

6. Ynez Veneracion

Noong 2016, ibinahagi ni Ynez tungkol ang kanyang naging karanasan sa cosmetic enhancements. Inamin niya na pinaayos niya ang kanyang dibdib at balakang. Sinabi din niya na wala siyang pinaayos sa kanyang mukha.

7. Chie Filomeno

Si Chiena ay isinilang sa pamamagitan ng Cesarean. Noong ipinapanganak siya, nasagi ng doktor ang kanyang ilong gamit ang scalpel. Sabi nila, maghihilom at babalik daw sa normal ang kanyang ilong dahil siya ay sanggol pa lamang. Ngunit ayon sa aktres, tumigil na ang paglaki ng kanyang ilong nang siya ay 14 taong gulang pa lamang. 

Aniya,

"Since emergency, yung doktor paghiwa niya, natamaan ang ilong ko tapos sabi nila magre-regenerate daw kasi baby pa naman ako. So okay. Tapos 14 years old na ako, wala, hindi pa tumubo yung buto."

Dahil sa pangyayaring ito, naging insecure siya sa kanyang ilong at naramdaman niyang hindi ito kasing-ganda ng kanyang mga magulang na may matatangos na ilong. Makikita rin ang isang nakikitang peklat sa kanyang ilong dahil dito.

Mahalagang tandaan na hindi hadlang ang mga cosmetic enhancement sa kagandahan at talento ng isang tao. Sa halip, ito ay maaaring magbigay ng kumpiyansa sa sarili.


No comments:

Post a Comment

Sponsor