Bianca Umali at Ruru Madrid, Naghiwalay Na Pala Noon Dahil Sa Babae

Bianca Umali at Ruru Madrid, Naghiwalay Na Pala Noon Dahil Sa Babae

Bianca Umali at Ruru Madrid, Naghiwalay Na Pala Noon Dahil Sa Babae

Isa sa mga naging usap-usapan noon ay ang relasyon ng dalawang Kapuso actors na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Maraming naging balita noon tungkol sa kanilang hiwalayan at hindi alam ng nakararami na naghiwalay na silang dalawa ng halos isang taon dahil sa ibang babae. Sa isang panayam kay Ruru sa Fast Talk with Tito Boy Abunda noong Huwebes, March 9, inamin niya na nakipag-usap siya sa ibang babae noong umpisa ng kanilang relasyon ni Bianca noon. 

Aniya, 

"Siguro noong time na yun Tito Boy, medyo bago pa lang din po kami. First time ko sigurong maging seryoso sa relationship. I mean before Bianca, may times na sa sarili ko na parang I know it's hard aminin to pero parang naging ganun po talaga ako. Gusto ko rin pong maging honest sa inyo na para akong nakikipag-date sa like for example beauty queens, sa artista, so that maipagmalaki ko."

Hindi niya ito naisipang sabihin kay Bianca dahil sa takot niyang mawala ang pagkakataong makatrabaho ito. Ngunit sa bandang huli, nalaman ni Bianca ang katotohanan at nagdulot ito ng malaking kaguluhan sa kanilang relasyon.

"May ganun akong klaseng trait before, na parang feeling ko ego booster siya for me, na parang kapag nakipag-date ako sa certain girl na sikat o ganyan, nakakaboost siya ng ego ko. Then I realized nung nakilala ko si Bianca, hindi dapat yun yung mga bagay na dapat ipagmalaki ko. I mean, dapat ipagmalaki ko ay yung mga bagay na totoo," dagdag pa ng aktor.

Inihayag din ni Ruru na noong una pa lamang sila ni Bianca ay nangangapa pa siya sa pagpapalalim ng kanilang relasyon at ito rin ang unang pagkakataon niya na magkaroon ng seryosong relasyon. Dahil dito, natukso siya na makipag-usap sa ibang babae.

"Noong time na yun siguro nangangapa pa ako kasi first time ko rin maging seryoso sa relationship. Parang somehow sa sarili ko, sinubukan ko na kaya ko parin ba? Kaya ko parin bang kumausap ng ibang babae, kaya ko parin bang manligaw? Somehow yun yung dati kong sarili na tina-try kung kaya ko parin bang gawin ang mga ganung bagay."

Dahil doon ay hindi naging maganda ang takbo ng relasyon nila ni Bianca kaya naman naghiwalay sila ng halos isang taon.

Ayon kay Ruru ay nakita din niya ang worth ni Bianca at noong naghiwalay sila at talagang hinahanap-hanap parin niya si Bianca. 

"Kapag andiyan siya sa tabi mo, parang tine-take for granted mo siya, pero noong nararamdaman ko na wala siya sa akin, doon ko naramdaman na hindi ko kayang wala siya," kwento pa ng aktor.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagpursige si Ruru na ligawan muli si Bianca nang halos isang taon upang muling maibalik ang kanilang nasirang relasyon.

Aniya,

"I did everything para maging okay yung relationship naming dalawa kasi alam ko sa sarili ko na kapag kasama ko siya, I'm at my best. Kapag hindi ko siya kasama, parang pakiramdam ko,  I'm lost. Siya yung nagbibigay ng liwanag ng daan para sa akin pero nasaktan ko yung babaeng yun."

Sa ngayon ay maayos na ang relasyon nilang dalawa at pareho silang sobrang inlove sa isa't-isa.


No comments:

Post a Comment

Sponsor