Maine Mendoza, Naging Usap-Usapan Ang Payo Sa Isang Contestant
Maine Mendoza, Naging Usap-Usapan Ang Payo Sa Isang Contestant ng Bawal Judgemental
Naging usap-usapan ang isang episode ng 'Bawal Judgemental' segment ng Eat Bulaga dahil sa naging paalala ni Maine Mendoza sa isang kalahok ng "Eat Bulaga" na huwag ipasa sa kanyang pitong-taong gulang na anak ang responsibilidad upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Umani ng papuri si Maine mula sa mga netizens dahil sa kanyang naging payo sa isang contestant.
Ang 25-taong gulang na si Incess ay isa sa mga kalahok at na-interview ng mga dabarkads host na sina Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Wally Bayola at Jose Manalo. Ang lahat ng mga naging kalahok ay 25 taong gulang o mas bata pa lamang at may limang anak na.
Sinabi ni Incess na 17 taong gulang siya nang ipanganak niya ang kanyang panganay na si Ace. Mayroon din siyang apat na ibang anak na may edad na anim, apat, tatlo, at dalawang taon.
Dagdag pa niya na ang kanyang unang pagbubuntis ay hindi planado. Napaiyak naman si Incess ng tanungin siya kung ano ang nararamdaman kapag naiisip niya ang kanyang mga naging kaklase noon ay may mga magagandang buhay ngayon.
Nang tanungin tungkol sa kanyang payo sa kanyang mga anak, sinabi niya na nais niyang makatapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.
Aniya,
"Sa'yo Ace, sana mag-aral ka nang mabuti dahil alam kong ikaw yung makakaahon sa amin sa kahirapan. Ikaw yung pursigido para gumada yung buhay natin. At saka bata ka pa. Kahit bata ka pa, may pangarap ka na talaga."
Ito naman ang naging advice ni Maine sa kanya na nakilala bilang si Yaya Dub.
"Ang bata mo pa, Incess. Kayong mag-asawa, may pagkakataon pa para palakihin o pagandahin ang inyong buhay. Tsaka bata pa si Ace, wag natin ipasa sa kanya ang responsibilidad. Marami pa kayong magagawa, kayo ni Mister."
Ang episode na ibinahagi ng Eat Bulaga sa kanilang page ay umani ng napakaraming kumento at mga advice para kay Princess.
"ACE, kung nababasa mo to. WAG NA WAG KANG SUSUNOD SA NANAY MONG SI PRINCESS. Hindi ka nila retirement plan! Buuin mo ang pangarap mo para sa sarili mo at magsumikap pa para matupad yun. Responsibilidad ng mga magulang mo ang alagaan at iahon ka upang magkaron ka ng magandang kinabukasan, not the other way around.
Sa mga magulang dyan, wag nyo namang gawing retirement plan ang mga anak nyo!
Kayo ang magsumikap! Pag-aralin nyo sila upang magkaroon sila ng magandang buhay at nang sa gayon ay magkaroon din sila ng kakayahang mamuhay at bumuhay ng sarili nilang pamilya pag sila’y tumanda na."
"Hindi anak ang sagot para maka ahon sa kahirapan. pag kakamali ng magulang dapat di mga anak ang mag sakripisyo para maiahon sa kahirapan."
"Nalulungkot ako sa mga parents na ang reason kaya nila pinag aaral ang mga anak nila is para tulungan sila balang araw o ihaon sa kahirapan mali pong mindset yun. Kaya po natin pinag aaralan mga anak natin para maging maunlad po sila by themselves po."
"Para po maging matagumpay sila balang araw di naman po mawawala sa mga anak natin ang pagtulong sating mga magulang nila pero sa paraang dapat po di natin halos ipagdukdukan sa mga isipin nila na need nila umayos sa pag aaral para sating mga magulang nila maling maling ang mindset po."
No comments:
Post a Comment