Ang Bagong Bahay na Gawa sa Shipping Container ni Dennis at Jennylyn

Ang Bagong Bahay na Gawa sa Shipping Container ni Dennis at Jennylyn sa Tanay, Rizal

Natapos na din ang pinapagawang bahay ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Sa kanilang latest vlog, nag-biyahe pa ang dalawa para lamang maibahagi sa kanilang mga taga-hanga ang kanilang bagong bahay. Naging pangarap ni Jen at Dennis na magtayo ng bahay na gawa sa mga container dahil mahilig silang manood ng mga konstruksyon ng mga maliliit na bahay online. 

Natupad na din ang matagal ng pinapangarap ng dalawa lalo na ngayon na lumalaki na ang kanilang pamilya. Nagtayo ang mag-asawa ng isang bahay sa bundok ng Tanay, Rizal na kanilang tinatawag na "Mountain Hideaway".

Tulad ng ibang nagtatayo ng bahay, nakaranas rin sila ng mga pagsubok sa pagpapakabit ng container home, lalo na sa pagtransporta ng mga materyales sa mga mataas na lugar.

Gayunpaman, nagawa nilang magtayo ng isang maganda at pinapangarap nilang bahay. Ito ang kanilang magiging bahay bakasyunan kapag gusto nilang magpahinga mula sa magulong siyudad na hindi gaanong kalayo sa Maynila.

Kahit gawa ito sa mga container, sinugurado nina Dennis at Jennylyn na may sapat na insulasyon ito upang maging komportable sa sinumang titira at gagamit ng bahay.

Ang "Mountain Hideaway" ay nahahati sa tatlong bahay at may malawak na tanawin ng sariwang halaman, Laguna lake, at mga kalapit na bayan ng Tanay. Ang lugar ay ginagamitan ng solar panels, kaya't cost-effective at maganda ito para sa kalikasan. 

Screen grab: Jennylyn Mercado's vlog

Nagpasya din sina Dennis at Jennylyn na magtayo ng hiwalay na bahay kung saan pwede nilang i-entertain ang kanilang mga bisita.  Ginawa nila ito na maging komportable ang kanilang mga bisita. Ang guest house ay may sarili ding kusina na mayroong mga essential kitchen appliances at banyo.

 Mayroon itong bunk bed na pwedeng magkasya ng apat na tao at loveseat. Dahil ang guest house ay napapalibutan ng mga salaming bintana at pinto, nagdesisyon si Dennis na maglagay ng projector screen sa halip na TV para daw mas maganda ang movie experience ng kanilang mga bisita. Meron din itong deck na kung saan may access ang mga bisita para makita ang 360 view ng Tanay, Rizal at Laguna de Bay

Gumawa din ng green house ang ama ni Dennis na may tanim ng iba't-ibang klase ng lettuce, kale at arugula. Ang klima daw doon ay mas malamig at mahangin kaya mataba ang tubo ng kanilang mga halaman. Kapag naman daw gusto ni Jen gumawa ng salad ay pumipitas na lamang siya sa kanilang green house.

Ang kanila naman main house ay meron din guest room na kung saan pwedeng matulog ang walong katao dahil meron itong dalawang bunk beds at double bed na may pull out pa.

Ang kanilang mga anak naman na sina Alex Jazz, Dylan at Calix ay may kanya-kanya din na kwarto.

May sariling lugar at privacy din ang kanilang mga staff sa pamamagitan ng paghiwalay ng staff house mula sa main house. Mayroon itong outdoor kitchen at dining area.


No comments:

Post a Comment

Sponsor