Mystica, Sinisi ang Naniningil sa Pumanaw na Anak na si Stanley

Mystica, Sinisi ang Naniningil sa Pumanaw na Anak na si Stanley

Mystica, Sinisi ang Naniningil sa Pumanaw na Anak na si Stanley

Hindi maitago ng dating aktres at singer na Mystica, na kilala bilang 'split queen' ang kanyang pagkadismaya sa isang tao na umano'y pumilit na magbayad sa kanyang nag-iisang anak na si Stanley Villanueva ng mga utang. Maalalang pumanaw si Stanley noong Marso 20 dahil sa ilang mga problema sa kalusugan na may kaugnayan sa kanyang puso at atay.

Sa kanyang social media post, binanggit ni Mystica si Maria Paolo Hines na umano'y pilit na nagpabayad kay Stanley ng 16,000 matapos na masira nito ang kanyang kotse. Naniniwala si Mystica na ang ginawa ni Hines ay nakaaapekto ng malala sa kalusugan ng kanyang nag-iisang anak.

Sa kanyang Facebook post,

"My only son, Stanley, is gone!

"Kahit anuman ang nangyari sa’yo anak Stanley, at least ipinakita mong kaya mong labanan ang mga elemento ni satanas (hudas) na ganid sa pera tulad ni Maria Paola Joson Hines na nang-extort ng 16,000 pesos at nang-harrass sa’yo sa kabila ng pagbabayad mo sa kanya at hindi ka nagreklamo kahit magkano na ang hiniling sa’yo kahit worth 2,000 pesos lang sana yung alam mong damage ng sasakyan niya na nabangga ng motor mo, pero sinikap mong ipaglaban ang karapatan mo dahil sinampahan ka ng kaso kahit buhay mo ang iyong itinayang kapalit!"

"I will always be proud of you anak, na sa halip na sila ay natuwa dahil isa kang naging instrumento ng diyos sa pamamagitan ng konting blessings at charity works ko, para tulungan ang mga tao (facebook friends and fans), nanaig ang ganid sa puso ni Maria Paola Joson Hines na siyang tuluyang ikinabagsak ng kalusugan mo at siya ring ikinamaty mo!"

"Alam kong madali lang sabihin during your last days na “kaya mo ‘yan” pero tanging ang Diyos lamang ang nakaalam at nagdesisyon kung kelan na niya kinuha at pinagpahinga ang isa sa mga anak niyang nagsilbi sa kanya at tanging ang diyos din ang bahalang magpaparusa sa mga taong ganid sa pera na tulad ni maria paola joson hines na siyang dahilan kung bakit napunta sa mas kritikal na kalagayan ang anak ko sa hospital sa sakit na cardiomyopathy (enlargement of heart), liver cirrhosis and pneumonia!"

"Alalahanin mo Maria Paola Joson Hines, hindi nagwagi si hudas sa pagkaganid niya sa pera at bahala na rin ang ating lord jesus christ na magpaparusa kung ano ang nararapat para sa’yo! I’m sure masaya ka na na ikaw ang naging dahilan ng lahat kung bakit napunta sa hospital at mas naging kritikal ang kanyang kundisyon inspite of you knowing from the start na may sakit ang anak ko! At ngayong natuluyan na siya, sana makakatulog ka pa ng mahimbing at sana hindi mapupunta ang kaluluwa mong walang-awa at ganid sa pera sa impiyerno!"

"The bible does talk about revenge. The bible tells us we are not to take revenge on others as revenge is the lord’s. Paul tells us in romans 12:19, “my dear friends, don’t try to get even. Leave room for god to show his anger."

"It is written, ‘I am the god who judges people. I will pay them back,’ says the lord” (deuteronomy 32:35)."

Kasalukuyan ngayon nasa Las Vegas si Mystica at sa kanyang latest post sa Facebook, inalala niya ang masasayang sandali nila ng kanyang anak noong buhay pa ito.

"Ang hirap. Hindi ko alam ang gagawin ko. I wish na nandiyan ako ngayon sa tabi mo anak para masilayan man lang kita for the last time. Kaso hanggang sa bulaklak na lang na simbolo ng presence ko. Ang sakit. Hindi man lang kita nakasama kahit sa huling sandali man lang bago ka tuluyang mawala. Ang sakit.

"As much as I hate to say goodbye to you, Anak, but I have to let you go. Mas gusto ko pa yung i-post yung mga sandaling nandito ka pa sa amin, nagbibigay ng saya kaysa yung pagpanaw mo."


No comments:

Post a Comment

Sponsor