EBest Scholar na si Jaydee, nag Top 1 sa Board Exam at Magna Cum Laude pa

EBest Scholar na si Jaydee, nag Top 1 sa Board Exam at Magna Cum Laude pa

Ang longest noontime show ay nagbibigay ng scholarship sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa pamamagitan ng EB Excellent Student Awardee o EBEST program. 

Si Jaydee N. Lucero, isang scholar, ay isa sa mga nakatanggap ng scholarship at nagtapos sa University of the Philippines - Diliman.

Siya ay nagtapos bilang magna cum laude noong 2018 at nanguna sa Civil Engineer board exam sa parehong taon.

Nito lamang March 11, naimbitahan si Jaydee sa Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga. Ibinahagi niya ang kanyang tagumpay at pasasalamat sa Eat Bulaga lalong lalo na sa scholarship na ibinigay sa kanya. 

Nakapagtapos ng salutatorian si Jaydee noong high school at consistent honor student siya sa kanyang paaralan sa Camarin D. Elementary Schhol sa Caloocan.

Malaki daw ang pasasalamat niya sa program dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral. 

"Talagang malaking-malaki ang pasasalamat ko sa Eat Bulaga kasi kung hindi dahil sa kanila, malaki ang chance na hindi ako nakapag-kolehiyo, much more high school."

"Malaki ang naitulong talaga nila at dahil doon ginawa ko yung best ko nung high school saka college para maipakita sa kanila na talagang sulit yung binibigay nila, yung Eat Bulaga. Lahaat sineseryoso ko. Ang lahat ng mga requirements sa schools, pati mismo sa pag-take ng board exam, sineryoso ko para pagdating ko sa work, yung opportunity ko," dagdag pa ni Jaydee.

TOPNOTCHER SA BOARD EXAM

Inanunsyo ng PRC na 6,262 sa 13,887 ang pumasa sa mga pagsusulit. Si Jaydee ay nakakuha ng 97.20 porsiyento sa CE board exams na nagpapakita na siya ang may pinakamataas na score sa mga kumuha ng exam. Hindi daw ito makapaniwala na siya ang mangunguna sa exam na iyon. 

"Actually po, nung umpisa, medyo hindi naman po ako kinakabahan, pero nung malapit na pong i-release yung results, parang bigla akong kinabahan malala. Kaya nung lumabas na po yung results, sobrang saya ko po noon kasi hindi ko po talaga ine-expect na mag-top po talaga ako sa board exam."

Upang ipagdiwang ang kanyang tagumpay, ibinahagi ni Lucero sa Facebook ang isang nakakatouch na mensahe upang magpasalamat sa mga taong sumuporta sa kanyang buong journey, kasama na ang "Eat Bulaga" at ang kanilang EBest scholarship program.

"Sa Eat Bulaga, sa pagpapaaral ninyo sa akin at sa aming mga EBest scholars for the past 9 years. Hindi ko marahil mararating ang tagumpay na ito kung hindi dahil sa inyo, thank you po!"

Sa ngayon ay may trabaho na si Jaydee na isang sctructural design firm at may hawak sa isa sa pinakasikat na structural engineers sa bansa.


No comments:

Post a Comment

Sponsor