Mga Sikat na Personalidad na may Banyagang Kasintahan

Kilalanin ang mga Sikat na Personalidad na may Banyagang Kasintahan

Mga Sikat na Personalidad na may Banyagang Kasintahan

Maraming mga sikat na personalidad ang hindi man itinadhana sa kapwa nila Pinoy ay nakahanap naman ng pagmamahal sa mga banyaga. Hindi naging hadlang sa kanila ang pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura upang magmahalan at magpakasal. Kilalanin natin ang ilan sa mga Filipino celebrities na may mga foreign partner.

1. Katrina Velarde

Ang Asia's Vocal Supreme na si Katrina ay isang mang-aawit at sumikat siya dahil sa pagkanta niya gamit ang suklay kaya tinawag din siyang 'Suklay Diva' noon. Naging miyembro siya ng grupo na 'New Born Divas' na sumali sa ikalawang season ng Talentadong Pinoy.

Noong 2012, sumali siya sa unang season ng The X Factor Philippines at naging bahagi ng girl group na A.K.A. J.A.M. Sa isang Facebook naman ng singer, ibinahagi niya ang larawan nila ng kanyang Slovanian boyfriend na isa daw piloto ayon sa kanyang post. 

Aniya, 

"Hi captain and my pilot in command. You took off so fast and nicely LANDED in my heart and i was NOT prepared for your ARRIVAL. But here you are with me right now."

"Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat..

"I THANK GOD THAT HE ALLOWS ME TO FALL INLOVE AGAIN. It's not afam is life, it's your love that is life."

2. Ana Capri

Si Ynfante Avanica o mas kilala bilang Ana Capri ay isa sa mga naging pantasya ng mga kalalakihan lalo na noong 90's dahil sa kanyang magandang pangangatawan, kayumangging kulay ng balat at malinis na kutis.

Matagal nang hindi napapanood sa telebisyon si Ana at sa ngayon ay masaya na ang kanyang buhay kasama ang kanyang mahal na asawa at anak. Ikinasal ang aktres sa isang Australyanong negosyante na si Dave noong 2019 sa isang seremonya sa Australia at nagkaroon sila ng isang lalaking anak na nagdala pa lalo ng kaligayahan sa kanilang pamilya.

Ngayon ay mas pinili muna niya na magpahinga sa mundo ng showbiz upang mas pagtuunan ang pansin ang kanyang pamilya, ngunit marami pa rin ang nakaka-miss sa kanya at nagtatanong kung balak pa ba niyang bumalik sa industriya ng showbiz.

3. Lie Reposposa

Maraming napa 'sana all' ng nagbahagi sa kanyang Instagram account si Lie Reposposa, isang dating housemate ng PBB, at ang kanyang British na boyfriend na si Paul na labing-siyam na taong gulang ng larawan ng kanilang engagement kaya naman maraming naging curious sa katauhan ng kanyang jowa at kung paano sila nagkakilala. 

Hindi nakakapagtaka kung bakit hindi magkamayaw ang mga netizens nang makita nila ang kasintahan ni Lie. Ito ay dahil talaga namang nakakapukaw ng atensyon ang kaguwapuhan nito.

Mayroong mga nagsasabing kamukha ng isang Hollywood actor ang kasintahan ni Lie na walang iba kundi si Edward Cullen, ang paboritong karakter ng marami sa Twilight. Sinasabing mukhang kamukha nito ang mukha ng kasintahan ni Lie dahil sa hugis nito at puti ng kanyang balat na tila isang bampira!

4. Liezel Garcia

Naalala n'yo pa ba si Liezel Garcia, isa sa mga nakasama sa Pinoy Dream Academy Season 2 bilang isang scholar at ex-boyfriend ni Bugoy Drilon.

Nagtagal ang kanilang relasyon ng dalawang taon at kahit hindi sila nagkatuluyan, maayos naman ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Sa kasalukuyan, masaya naman ang lovelife ni Liezel dahil  engaged na siya sa kanyang American boyfriend na si Justine Eagle. Mahigit limang taon na ang kanilang relasyon at si Bugoy ang naging tulay para magkatagpo sila noon. Ayon kay Liezel, hindi rin daw inakala na mag-aasawa siya at noon ay iniisip niyang tatanda siyang dalaga.

"Until now, suprised pa din ako. Hindi ko expected na mag-propose nga siya. Nagbakasyon siya dito from States. Sobrang happy ako na nag-spend kami ng time together and before siya nag-fly pabalik ng States, doon na siya nag-propose."

5. Alice Dixson

Sa loob ng matagal na panahon, itinatago na ng Kapuso actress na si Alice Dixson ang kanyang foreign partner pero sa unang pagkakataon, ipinasulyap niya ang mukha ng minamahal niya sa unang pagkakataon.

Noong 2018 ay naibalita na ang kasintahan ni Alice ay isang top executive ng isang resort sa Boracay at sila ay kasal na raw, ngunit hindi pa ito na-confirm ng aktres. Ayon sa mga nakakita sa kanila sa Boracay, ito ay isang Belgian businessman na may anak na 21 taong gulang ngayon. Noon si Ronnie Miranda ang asawa ni Alice at tumagal silang magkasama bilang mag-asawa ng 14 taon, ngunit hindi sila nagkaanak.

Sa isa pang interbyu kay Alice noong taong 2019, nabanggit niya na matagal na nilang nais na magkaanak ng kanyang dayuhan na kasintahan subalit hindi sila pinagpapala kaya nagpasya silang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.

6. Lumen

Isa sa mga sumikat noon na commercial model aysi  January Isaac o mas kilala bilang si Lumen. Nakilala siya sa sikat na Surf commercial kasama ang kambal na sina Charlotte at Charice Hermoso.

Ipinapalabas ang nasabing advertisement sa iba't ibang channel mula 1998 hanggang 2015 at ito ay isa sa mga nakabihag sa puso ng mga Pilipino, lalo na ang mga batang lumaki noong 90's.

Ngayon, nasa Amerika na si January kasama ang kanyang Amerikanong asawa na si Wade Bodlovic. Nagpakasal sila noong 2010 sa Shoreline, Washington. Matagal na silang kasal at may dalawang anak na sina Hunter at Harley. Sa kanyang mga social media post, makikita na masaya si Lumen kanyang pribadong buhay sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Napakarami pang celebrities na mayroong banyagang partner. Ang pagkakaiba man ng kanilang lahi at kultura ay hindi hadlang sa kanilang pagmamahalan at pagpapakasal. Ang mahalaga ay ang kanilang pagtitiwala, pagpapahalaga, at pagmamahal sa isa't isa.


No comments:

Post a Comment

Sponsor