Liza Soberano, may tampo sa dating manager na si Ogie Diaz

Liza Soberano, inamin na may tampo sa dating manager na si Ogie Diaz

Liza Soberano, may tampo sa dating manager na si Ogie Diaz

Hindi pa daw handang tawagan o kausapin ng sikat na Kapamilya aktres na si Liza Soberano ang kanyang dating manager na si Ogie Diaz dahil may tampo pa ito sa kanya. 

Sa ikalawang bahagi ng kanyang panayam kay Boy Abunda sa "Fast Talk with Boy Abunda" na ipinalabas kahaponsa GMA Network, nagdalawang-isip ang aktres na pag-usapan ang mga isyu sa komisyon dahil sa tingin niya ay pribadong usapin ito tungkol sa pera.

Sinabi ni Boy na kailangan niyang itanong dahil nakita niya ang isang post tungkol sa mga komisyon na nakukuha ng kanyang dating mga manager mula sa kanya.

Nagsimula si Liza sa pangangalaga ni Ogie noong siya ay 12 taong gulang pa lamang. Sinabi ng 25-anyos na aktres na ang komisyon ni Ogie ay 30% hanggang siya ay mag 17 taong gulang. Ang kanyang Tita Joni ay 20% ang komisyon, habang ang Star Magic naman ay 10%.

Ang natitirang 40% ay nahati pa sa 30% dahil kinakailangan niyang magbayad ng 10% tax sa Amerika at Pilipinas dahil siya ay mamamayan ng parehong mga bansa.

Ayon kay Liza ay hindi siya nagreklamo dahil alam niyang nakasaad ito sa kanyang kontrata.

Kinumpirmang nagtatampo kay Ogie

Sinabi ni Liza na malaki ang pasasalamat niya kay Ogie dahil sa pag-aalaga at guidance nito sa kanya. Ito ang pinadalang mensahe ni Liza kay Ogie:

"I felt that out of respect that I needed him to know what my plants are and I told him ng maayos and nilinaw ko sa kanya, 'Tito Ogie, I'm grateful for you. I'm thankful for everything that I achieved and experienced because of you and your guidance and I will forever hold in my heart the lessons that you taught me. It will be forever part of me."

Labing isang taon din silang nagkasama at bago nagtapos ang kontrata ni Liza, nagpaliwanag at nagpaalam daw siya ng maayos kay Ogie. Isa daw sa dahilan ng hindi na niya pagpirma ay dahil gusto niya ng career growth at naintindihan naman daw ni Ogie ang kanyang naging desisyon. Nabigla na lamang daw ang aktres sa mga hindi magandang sinabi ni Ogie sa kanyang vlog.

Aniya,

"So ngayon, nagtatampo po ako ngayon sa kanya kasi, even a few weeks ago before ko ni-release po yung vlog ko. Actually 'nung binlock-out ko yung social media ko, nag-message pa po siya sa akin. Parang sabi niya 'Nak may tumutulong naba sa'yo to get your social media account?' kasi akala niya na-hack ako, so we were okay."

"I don't understand why he is choosing to fight me. It feels like he is trying to fight me or trying to ruin me when I never said a single bad thing about him."

Because he is saying so many things that are untrue like for the past 2 years hindi po siya kumukuha ng commission. It makes me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung anong nangyayari sa loob.

Tinawag daw ni Ogie na ungrateful si Liza kahit alam naman niyang malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN sa oportunidad sa kanya. 

Sinabi pa ni Liza na kahit wala na daw siyang kontrata sa Kapamilya network ay marami pa rin siyang ginagawang trabaho para sa network at noong nag shutdown ito ay isa siya sa mga nag-rally para sumuporta sa kanila. 

"Nung nag-shutdown yung ABS-CBN. I was one of the artists that rally alongside with them because I didn't think na fair na mangyari 'yun sa lahat ng employees nila na nakakasama ko sa taping everyday. I don't think it was fair for them to lose their jobs."

"He knew how I was grateful and thankful to everyone and siya po mismong nagsabi, masunurin ako, mabait ako na bata? So, why he is telling things that make people turned against me?"

Matapos iyon ay hindi na daw nag-reach out sa kanya si Ogie kaya naman hindi na rin nagreach-out si Liza sa kanya. 

Sana daw ay kinausap muna siya ni Ogie dahil dati ay kung may problema man sila ay nakukuha naman nilang pag-usapan ay ayusin iyon.


No comments:

Post a Comment

Sponsor