Then And Now: Mga Sikat Na Child Stars Saan Na Sila Ngayon?

Then And Now: Mga Sikat Na Child Stars Saan Na Sila Ngayon?

Then And Now: Mga Sikat Na Child Stars Saan Na Sila Ngayon?

Maraming Filipino child stars ang sumikat at nagbigay ng aliw sa maraming manonood sa loob ng maraming taon. Ngunit hindi lahat ng kanilang mga pangarap at karera ay naging matagumpay sa industriya ng showbiz. 

May mga ilan sa kanila na nagdesisyon na iwanan ang kanilang karera bilang artista para ibaling ang kanilang pansin sa ibang bagay at para matutukan ang kanilang pag-aaral. Sa artikulong ito, ating alamin kung ano na ang mga nangyari sa ilan sa mga child stars na nagdesisyong umalis sa mundo ng showbiz.

1. Isabel Frial

Naalala ninyo pa ba si Isabel Frial, o mas kilala bilang Lenlen, na dating child star ng GMA-7? Siya ay isa sa mga paboritong artista noon dahil sa kanyang kakulitan at likas na kagandahan kaya naman napabilang siya sa informative children's show na Tropang Potchi noong 2009 kasama ang iba pang artista tulad nina Bianca Umali, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Ella Cruz, Miggs Cuaderno, Julian Trono, at marami pang iba. 

Ang programa ay umere sa telebisyon ng mahigit dalawang taon at isa itong talent show para sa mga kabataan na may kasamang mascot na si Potchi. Nakatanggap din si Lenlen ng parangal bilang Best Children's Show Host sa 27th PMPC Star Awards for Television. 

Napabilang rin siya sa mga proyekto tulad ng Alice Bungisngis and her wonder walis na pinagbidahan ni Bea Binene at sa pelikulang Ang Panday 2 na pinagbidahan nina Bong Revilla, Marian Rivera, at Philip Salvador. Ngayon, siya ay 17 taong gulang na siya at kung napanood ninyo ang seryeng 'First Yaya' na pinagbidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, si Lenlen ay ginampanan ang papel bilang school mate nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso.

2. Baeby Baste

Naalala niyo pa ba yung napaka-cute na bata na madalas mapanood sa Eat Bulaga noon? Kung tama ang inyong hula, baka isa kayo sa nakapansin na wala na siya sa programa. Iyan ay walang iba kundi si Baby Baste. Ngayong naalala ko na siya sa inyo, marahil ay nagtatanong kayo kung bakit wala na si Baby Baste sa Eat Bulaga.

Ang katotohanan ay dahil sa pandemya, maraming tao ang nawalan ng trabaho, kasama na dito si Baby Baste. Strikto rin ang mga protocol noon na hindi pinapayagan ang mga menor de edad na lumabas ng kanilang mga tahanan at magtrabaho, kaya napilitan si Baby Baste na tumigil muna sa pagtatrabaho sa Eat Bulaga.

Ngunit sa kabila nito, mas nakapaglaan siya ng oras kasama ang kanyang pamilya, mag-aral online, at nakapag-donate pa ng mga Personal Protective Equipment sa gitna ng pandemya. Sa isang panayam niya sa Stories of Hope ng GMA, kitang-kita ang lungkot niya dahil na-miss na daw niya ang Eat Bulaga at ang pagtatrabaho doon.

Sa ngayon ay busy sa pag-aaral si Baste at siya ay Grade 5 na ngayon.

3. Sabrina Man

Naalala ninyo ba si Sabrina Man na dati ay isang child star ng GMA-7? Siya ay ipinanganak noong March 12, 2000 at half Filipina-Chinese na ipinanganak sa Hong Kong. Nagkaroon siya ng mahalagang papel bilang isa sa mga main cast ng GMA prime time series na Panday Kids noong 2010, kung saan kasama niya sina Buboy Villar at Julian Trono. Bukod dito, isa rin siya sa mga host ng Tropang Potchi kasama sina Bianca Umali, Ella Cruz, Miggs Cuaderno, Julian Trono, Isabel Frial, Miggy Hernandez, at marami pang iba.

Matagal na siyang hindi napapanood sa telebisyon at ang huling proyekto niya ay ang seryeng Once Upon a Kiss noong 2015, kung saan siya ang naging kontrabida kasama nina Miguel TanFelix at Bianca Umali. Sa kasalukuyan, nakabase na si Sabrina sa Hong Kong kasama ang kanyang pamilya kung saan siya ipinanganak. Nagpatuloy siya ng kanyang pag-aaral doon at noong 2019 ay nakapagtapos siya ng high school.

Ngayon ay 21 taong gulang na si Sabrina at base sa kanyang Instagram, masaya na ang kanyang buhay ngayon sa Hong Kong kasama ang kanyang pamilya. Gayunpaman, marami pa rin ang nagtatanong kung may balak pa ba siyang bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

4. Ella Guevara

Naalala ninyo pa ba si Janella Denise Yuson Guevara o mas kilala bilang Ella Guevarra, isa sa mga child stars ng GMA Network noon?

Noong 2004, sumali siya sa talent search ng Kapuso Network na Starstruck Kids, kung saan siya ay nakapasok sa Top 4. Kasama niya sa batch na ito sina Kurt Perez, Sam Bumatay, Miguel Tanfelix, Bea Binene, Gabriel Roxas, Sandy Talag, Paul Salas, JM Reyes, Shamel Leask, at marami pang iba.

Ngayon, 24 taong gulang na si Ella at nagpasya na iwan ang kanyang career sa showbiz noon upang magpatuloy ng pag-aaral ng kursong Bachelor of Arts in Multimedia Studies sa University of the Philippines.

5. Alonzo Muhlach

Sino ba naman ang makakalimot sa child actor na si Alonzo Muhlach na talagang kinagiliwan ng lahat. Ang kanyang ama ay si Nino Muhlach, isang kilalang aktor at child actor noong kapanahunan niya. Napabilang siya sa pelikulang My Big Bossing bilang Prinsipe Vladimir noong 2014, kung saan mas lalo pa siyang nakilala. Dahil sa kanyang natural na galing sa pag-arte, nabigyan siya ng sunod-sunod na mga proyekto.

Ngunit, maraming nagtatanong kung bakit nawala siya sa telebisyon? Siya ay huling napanood sa mga programa na Your Face Sounds Familiar Kids (Season 1), D'Origiinals, at ASAP noong 2017. Sa ngayon ay nag-focus muna daw si Alonzo sa kanyang personal na buhay at pag-aaral.

6. Xyriel Manabat

Anim na taong gulang lamang noon si Xyriel nang siya makuha niya ang role bilang Young Agua / Young Bendita sa remake ng Agua Bendita ni Rod Santiago noong 2010.

Dahil sa kanyang nakakabilib na galing sa pag-arte, binigyan si Xyriel ng iba pang proyekto sa Kapamilya network, kabilang na ang pinakasikat na serye na 100 Days To Heaven, kung saan ginampanan niya ang role ni Anna Manalastas na ginampanan noon ni Coney Reyes.

Dahil sa nasabing serye, naging isang multi-award winning child star si Xyriel, kung saan kinilala siya ng iba't ibang organisasyon tulad ng 43rd GMMSF Box-Office Entertainment Awards Most Popular Female Child Performer, 26th PMPC Star Awards For Television Best Child Performer, at 10th Gawad Tanglaw for Television Best Performance by an Actress, at iba pa. 

Nagpahinga muna si Xyriel sa showbiz at naging laman ng balita noong Setyembre 2020 dahil sa isang video na pinost niya sa kanyang Instagram account na naging viral online.

Balik telebisyon naman siya ngayon at kabilang siya sa Kapamilya serye na "Dirty Linen" na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Francine Diaz at Seth Fedelin.

7. Mutya Orquia

Naalala niyo paba ang kyut na kyut na si Abby mula sa sikat na seryeng Be Careful With My Heart na ginampanan ni Mutya Orquia?

Gumanap din siya bilang sirena sa serye na 'Mutya' na ipinalabas sa ABS-CBN noong 2011. Ito ay batay sa komiks ni Pablo S. Gomez na may parehong pamagat. 

Napanood si Mutya sa iba't ibang Kapamilya teleserye sa mga taong nagdaan at nagpahinga ito sa pag-arte. Ngayon ay 16 na taong gulang na ang aktres at aktibo pa rin sa social media. Mayroon siyang sariling YouTube channel at Instagram page, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang estetikong teenage life sa mahigit 780k followers.

8. Serena Dalrymple

Nakilala si Serena noong dekada 90 dahil sa kanyang TV commercial para sa 'Jollibee, Isa Pang Chicken Joy' at sa pelikulang 'Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?' na ipinalabas noong 1998. Ilang taon nang hindi napapanood sa TV si Serena at kahit hindi na aktibo sa showbiz, marami pa rin siyang tagahanga na umaasang makita siya muli sa telebisyon. 

Oktubre 2022 nang ikasal siya sa kanyang foreign partner na si Thomas Bredillet. Masaya niyang ibinahagi ang kanilang pag-iisang dibdib sa kanyang social media bilang si Mrs. Bredillet na ngayon. Ngayon ay 32 taong gulang na si Serena at naninirahan na sa Amerika kasama ang kanyang mister. Nagtatrabaho na rin siya doon at mayroon na silang sariling tahanan.


No comments:

Post a Comment

Sponsor