Kilalanin ang girlfriend ni Klea Pineda na si Katrice Kierulf

Kilalanin ang girlfriend ni Klea Pineda na si Katrice Kierulf

Kilalanin ang girlfriend ni Klea Pineda na si Katrice Kierulf

Sa kanyang ika-24 na kaarawan, ibinalita ng Kapuso actress na si Klea Pineda na siya ay parte ng LGBTQIA+ community.

"My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self. Masasabi ko na ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA+ community. "

"I know not everyone will understand and appreciate this decision. But throughout the years, I’ve learned to prioritize the things that give joy and meaning to my life, and revealing my sexuality to the world is a huge part of it."

"By doing this, I hope to inspire and empower others who are still struggling to come into terms with their sexuality. Alam ko mahirap at nakakatakot, but please know na walang mali sa atin at walang kulang sa atin kahit pa magpakatotoo tayo. Marami man ang manghusga, mas marami pa rin ang tatanggap at magmamahal sa’yo nang buong-buo. Just be the person that your younger self would be proud of!"

"My sexuality is just one aspect of my life and it won’t stop me from chasing after my dreams. I am still the same Klea that you loved and supported throughout the years. The only difference now is I can proudly say that I’m gay!"

"From now on, I want to live my life fearlessly. Sana samahan nyo ako sa paggawa ng sarili kong kwento na alam kong tunay na magpapasaya sa akin."

"Let’s spread love and empowerment, everyone! And always remember, #LoveIsLove!

Si Katrice Kierulf ang kasintahan ngayon ng aktres na 28 taong gulang. Katulad ni Klea, mahilig din si Katrice sa mga malalaking motorsiklo at maglibot gamit ito. Siya ay kilala ngayon bilang isang motovlogger at bata pa lamang daw ito ay talagang mahilig na siya sa mga motorsiklo.

Samantala, sa kabila ng malaking pagbabago na ito sa kanilang buhay, nilinaw ni Klea sa kanyang mga tagahanga na hindi magbabago ang kanyang pagkatao at siya pa rin ang taong suportado at minahal ng kanyang mga tagahanga sa mga taong lumipas sa show business.

Idinagdag din ng Starstruck Season 6 winner na nais niyang maging inspirasyon sa mga tao, lalo na sa mga taong natatakot pa ring tanggapin at aminin ang kanilang kasarian.

Nagpakita rin ng pagmamahal at suporta ang ilang local celebrities tulad nina Sunshine Dizon, Chan, Sanya Lopez, Mikee Quintos, Angel Guardian, Althea Ablan, Ashley Ortega, Gelli de Belen, Camille Prats, Shaira Diaz, Ken Chan, Wynwyn Marquez, Lovely Abella, Dennis Padilla, Gabby Eigenmann, Nelson Canlas, Angela Alarcon, Jay Arcilla, Tim Yap, Diva Montelaba, at marami pang iba sa comment section ng naturang post.

Matapos ang kanyang pag-out, ipinahayag ng kanyang kasintahan na si Katrice ang kanyang excitement sa pagpapahayag ng kanilang kwento ng pag-ibig na matagal na nilang itinatago.

Kahit pa mayroong mga negatibong kumento at mga opinyon mula sa ibang tao tungkol sa kanilang relasyon, masaya pa rin ang mga ang magkasintahan na ipakita ang kanilang pagmamahalan para sa isa't isa.


No comments:

Post a Comment

Sponsor