Mga Celebrity Couples Na Hindi Pa Rin Nagkakaanak

Mga Celebrity Couples Na Hindi Pa Rin Nagkakaanak

Mga Celebrity Couples Na Hindi Pa Rin Nagkakaanak

Kapag ang dalawang tao ay ikinasal, karaniwang inaasahan ng publiko na magkaroon sila ng anak. 

Ngunit may mga mag-asawa, kahit na maraming taon nang kasal, ay nanatili pa ring walang anak. At pagiging mag-asawa, pero walang anak ay talagang malaking isyu lalo na sa Pilipinas.

Ilan naman sa mga mag-asawang hanggang ngayon ay wala pa ring anak ay mga celebrity couple. 

Ang maging isang artista ay mahirap na dahil bukas sa publiko ang kanilang buhay. Kaya naman ang hindi pagkakaroon ng anak ay nagbibigay ng dagdag na pressure sa kanila. 

Sa artikulong ito, kikilalanin natin ang ilan sa mga sikat na celebrity couple na hindi pa rin nagkakaanak. 

Maricar Reyes at Richard Poon

Ikinasal ang aktres na si Maricar Reyes at ang singer-songwriter na si Richard Poon noong 2013.  Ngunit makalipas ang mahigit siyam na taon, ay wala pa rin silang anak. 

Pero hindi tulad ng maraming mag asawa, hindi pinili nina Maricar at Richard na manatiling walang anak. Sa katunayan, inamin ni Maricar na plano lamang nilang hindi magkaanak sa unang dalawang taon ng kanilang pagsasama. Gayunpaman, makalipas ang dalawang taon ay sinubukan nilang magbuntis at ginawa ang lahat para magkaanak pero bigo pa rin sila. 

Ayon kay Maricar, nagpatingin na sila ni Richard sa doktor at lumabas na walang problema sa kanila. Kaya naniniwala sila na hindi pa talaga panahon para magkaroon sila ng anak.  Sinabi rin ni Maricar na wala siyang nararamdaman na inggit sa ibang mag-asawa na mayroong anak.   

Giit ni Maricar, hindi kabawasan ng kanyang pagkatao o pagkababae ang hindi pagkakaroon ng anak.

Sa kabila nito, nilinaw ni Maricar na hindi nila isinasara ni Richard ang kanilang pinto sa pagkakaroon ng anak.

Aniya, “Meron lang talaga akong peace. Kung merong [anak], okay. Kung wala, okay. It doesn’t make me feel like I’m less of a person or I’m less of a female. Kung wala, edi, wala. Kasi ginawa mo na yung part mo, eh. And I rest on that…[Pero] hindi ko isinasara yung pinto. Pero ngayon, hindi ko siya priority.”

Karylle at Yael Yuzon

Ang singer-host na si Karylle at ang bokalista ng Sponge Cola na si Yael Yuzon ay ikinasal noong Marso 21, 2014, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. 

Sa nakalipas na mga taon, madalas tinatanong si Karylle kung kailan sila magkakaroon ng baby ni Yael.

Ngunit kahit na kasal na sila ng siyam na taon, aminado si Karylle na hindi sila nagmamadali ni Yael na magkaanak. 

Para sa kanila, kung mangyari ay mangyayari. 

Sa isang panayam noong 2017, sinabi naman ni Yael na ang prayoridad nilang mag-asawa ay "life".

Aniya, “Well kasi we’re both very busy so parang if it happens, it happens. It’s kind of that kind of thing. It’s not like a full-on attacking that plan kind of thing. We’re just enjoying life right now. Ang priority namin is life so whatever that is, that’s part of it. But it’s like a lot of things. If the baby happens it will happen. So it’s more like a life plan."

Heart Evangelista at Chiz Escudero

Noong Pebrero 15, 2015, ikinasal ang aktres at fashion influencer na si Heart Evangelista at senador na si Chiz Escudero matapos ang dalawang taong pagiging magkasintahan. 

At bagamat may dalawang anak  na si Chiz sa dati niyang asawa, nanatili silang walang anak ni Heart. 

Matatandaang nabuntis si Heart noong 2018 ng kambal. Ngunit sa kasamaang palad, siya ay nakaranas ng miscarriage.

Sa isang panayam ng magazine na MEGA sa kanya noong nakaraang taon, inamin ni Heart na madalas ang pressure na natatanggap niya mula sa publiko ay ang pagkakaroon ng anak kay Chiz. 

Pag-amin ni Heart, “I think it was a lot about being pressured to have a baby. It was not necessarily from certain people. It was really like a shift in my life: the pressures of being a wife, being a certain mold, and I just wanted to get rid of that.”

Samantala, noong nakaraang taon isiniwalat ni Heart na sumailalim siya sa sa In Vitro Fertilization o IVF treatment at masaya niyang ibinahagi na mayroong naghihintay sa kanya na isang 'baby girl' at 'baby boy'.

Megan Young at Mikael Daez

Siyam na taon nang magkasintahan sina Miss World 2013 at Kapuso actress Megan Young at Kapuso actor Mikael Daez bago sila tuluyang nagdesisyong magpakasal noong Enero 25, 2020. 

Pero tatlong taon mula nang sila ay ikasal, hindi pa rin sila nagkakaanak.

Sa kanilang podcast, inamin ni Megan na marami siyang natatanggap na tanong kung kailan sila magkakaanak, at ang sagot niya sa tanong na ito ay palaging, “if we have kids, then we have kids.”

At ayos lang umano sa kanila na wala pa silang anak.

Giit pa ni Megan, “If we don’t, we don’t. If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life.”

Samantala, para kay Mikael, laging nakasalalay kay Megan ang desisyon na magkaroon ng anak dahil siya ang magbubuntis.

Ayon pa kay Mikael, nariyan lamang siya para suportahan at alalayan si Megan.

Ani Mikael, “I say we’re going with the flow and it’s really all up to Bonez. Because like you said, you are the baby carrier and I’m just here to tell them that I’m here to support.”

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Mahigit tatlong taon na din ang nakalipas noong ikinasal sina Sarah Geronimo at Matteo. Mula nang magpakasal sila sa isang "lihim" na seremonya noong February 2020, nais ng kanilang mga tagahanga na magkaroon na ng mga anak ang celebrity couple. 

Matatandaan na napabalitang buntis si Sarah noong nakaraang taon pero pinabulaanan naman ito ng isang taong malapit kay Sarah at Matteo. Kung sakaling mabuntis man daw ang singer-actress, walang dahilan para itago nila ni Matteo sa publiko dahil sila ay legal na kasal at hindi dapat itinatago ang mga biyaya mula sa Panginoong Diyos.

Yeng Constantino at Yan Asuncion

Noong ika-14 ng Pebrero, 2015, nagpakasal si Yeng Constantino at ang kanyang asawa na si Yan Asuncion sa pamamagitan ng isang garden wedding sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite. Mahigit 8 taon nang kasal sina Yeng Constantino at Yan Asuncion ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaanak. 

Ayon kay Yeng, malaking responsibilidad ang pagpapalaki ng bata at kailangan itong paghandaan ng mabuti. Kaya naman, nagpatayo sila ng negosyo at nag-iinvest sa mga ari-arian upang masiguro ang kinabukasan ng magiging anak nila.

Sa isang panayam naman kay Yeng sa Magandang Buhay, inamin niya na nape-pressure siya kapag tinatanong siya kung kelan sila magkaka-baby ng kanyang mister dahil 8 years na din silang kasal.

Aniya, "Magiging totoo lang po, minsan talagang kapag may sinasabi ang mga tao na ganun na parang 'Ang tagal niyo nang kasal bakit wala pa kayong baby. Nag-try kasi kami 2 years ago tapos hindi po nangyari. Tapos na broken hearted ako pero nung sumunod na taon parang nagbago yung perspective ko dun sa nangyari na parang, 'Lord, thank you, buti nalang hindi ako nagbuntis kasi ang dami naman na-accomplish ng asawa ko together. Until now dini-deal ko parin siya to not be pressured kung anong sinasabi ng mga tao but really focus on me and Yan."


No comments:

Post a Comment

Sponsor