Mga Celebrities Na May Malulubhang Sakit

Mga Celebrities Na May Malulubhang Sakit

Mga Celebrities Na May Malulubhang Sakit

Marami sa ating mga paboritong celebrities ay hindi immune sa iba't ibang uri ng sakit. Kahit na sila ay nasa matataas na antas ng industriya ng showbiz, hindi sila ligtas sa mga karamdaman na maaring makasira sa kanilang kalusugan at karera. 

Kilalanin ang mga Pinoy Celebrities na may malubhang sakit at kung paano nila hinarap ang kanilang mga kondisyon sa kabila ng kanilang katanyagan. 

1. Diana Menesez

Si Diana ay isang artista, mang-aawit, at dating co-host ng longest running noontime show na Eat Bulaga. Siya ay nakipaglaban sa kanyang sakit sa breast cancer mula pa noong 2018. Natuklasan ni Daiana ang kanyang kalagayan sa kalusugan matapos magpa-biopsy noong siya ay 30 taong gulang. Sa halip na malaman ang resulta sa pamamagitan ng telepono, pinakiusapan si Daiana ng kanyang doktor na pumunta ng klinik upang pag-usapan ang kanyang kalagayan. Noong panahong iyon, may kutob na si Daiana na seryoso itong bagay.

Nakapa daw niya ang maliit na bukol sa kanyang dibdib pero hindi niya ito pinansin dahil akala niya ay maaaring cyst lamang ito. Ngunit pagkalipas ng ilang buwan, may nagsabi sa kanya na kailangan na niyang magpacheck-up. Na-diagnose siya ng breast cancer stage 2B. 

Samantala, nalampasan na niya ang yugto sa kanyang buhay na iyon at bilang isang survivor ng cancer, nais niyang ibahagi ang kanyang natuklasan. Sinabi ng aktres at modelo na natutunan niya na ang sobrang kakulangan ng pagtulog, stress, at hindi tamang pagkain ay maaaring magdulot ng cancer. 

Binanggit din niya na marami siyang natutunan sa buhay habang nakikipaglaban sa sakit na ito tulad ng pagkakaroon ng healthy lifestyle at positibong pananaw sa buhay. 

2. LA Tenorio

Maraming mga netizens ang nalungkot lalo na ang community Philippine Basketball Association sa pahayag ng basketball star na si LA Tenorio na siya ay may colon cancer.

Sa isang pahayag na inilabas sa website ng PBA, ibinahagi ni Tenorio ang tunay na dahilan ng biglang pagkawala niya sa basketball.

"I would like to issue a statement about my health status by firstly apologizing to my teammates, some coaches, the PBA, the fans, the media and even some friends. As most of you are aware I have been nursing a minor injury since the Finals last January. I used that as the reason for my sudden absence. My sincerest apologies to all."

"I was recently diagnosed with Stage 3 colon cancer. The initial testing three weeks ago led me to instantly miss practices and games. I have completed my surgery last week and will soon undergo treatment for the next few months."

17 na taon nang naglalaro si Tenorio sa PBA at kahit nakikipaglaban siya sa sakit na ito ay siniguro niyang hindi pa siya magre-retiro sa basketball dahil ito daw ang kanyang passion.

3. Maritoni Fernandez

Noong 2013, ibinahagi ng aktres na si Maritoni ang kanyang karanasan sa pagkatuklas ng kanyang breast cancer at sa kanyang pakikipaglaban dito. Ayon sa aktres ay nakapa niya ang bukol noong siya ay 28 taong gulang pa lamang subalit hindi agad ito nadiagnose.

Taong 2020 naman nang inanunsiyo niya na cancer-free na siya sa loob ng mahigit na 20 taon pagkatapos ng kanyang mga treatment para sa cancer. Payo din niya na dapat maging maingat ang lahat sa kanilang kalusugan at siguraduhin na regular na nagpapa-check up.

Ang bawat araw sa buhay ng beteranang aktres ay napakalaking biyaya sa kanya. Patuloy pa rin ang kanyang pasasalamat sa Panginoong Diyos dahil nabigyan siya ng pangalawang buhay at nananatiling malusog at fit. Para sa kanya, isang himala ang nangyaring ito sa kanya kaya naman ginagawa niya ang lahat ng pag-iingat bilang pagpapahalaga sa second life na ibinigay sa kanya ng Panginoon.

4. Angelu de Leon

Ang aktres at singer naman na si Angelu ay nakaranas ng dalawang pag-atake ng Bell's Palsy. Ang Bells Palsy ay isang kondisyon na nagdudulot ng pansamantalang pagkawala ng kakayahang makipag-ugnay ang mga muscles ng mukha. Karaniwan itong nangyayari sa isang bahagi ng mukha lamang, ngunit maaari rin itong makaapekto sa kabuuan ng mukha. Ang pinakamalaking dahilan ng Bells Palsy ay hindi pa rin alam ng mga eksperto. 

Ang unang atake ay nangyari noong 2009 habang kumakain siya ng almusal. Naramdaman niya na mabigat ang kanang bahagi ng kanyang mukha. Ang pangalawang atake naman ay nangyari noong 2016 matapos ang bakasyon nila ng pamilya sa Europa. Bigla na lamang siyang nawalan ng kakayahang buksan ang kanyang kaliwang mata.

Sa isang panayam sa programa ng GMA na Pinoy MD, sinabi ni Angelu na posibleng dahilan ng kanyang kundisyon ay ang pagod, pagka-exposed sa malamig na panahon, at ang kanyang mahinang immune system.

Sa tulong ng tamang gamot, nakabawi si Angelu mula sa kanyang kundisyon. Ipinapayo ng mga doktor na agad magpatingin sa kanila kapag mayroong mga sintomas ng Bell's Palsy upang maagapan ang mga komplikasyon.

5. John Regala

Nag-viral kamakailan ang kalagayan ng dating action star na si John Regala. Maraming netizens ang naantig sa sitwasyon niya dahil isa siya sa mga dating sikat na aktor na ngayon ay naghihirap na. Humihingi si John ng tulong sa mga TV network para bigyan siya ng trabaho at pagkakataon na makabalik sa pag-arte.

Nakilala si John noong dekada 80 matapos mapasama sa sikat na programa na "That's Entertainment" na pinangunahan noon ni German Moreno. Mas lalo naman siyang sumikat noong dekada 90 dahil sa kanyang magaling na pag-arte bilang 'bad boy' at 'kontrabida' sa iba't ibang pelikula at teleserye.

Subalit sa huling bahagi ng 2000, nagsimulang bumagsak ang kanyang karera dahil sa mga isyu ng pagkalulong sa bisyo at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Nadagdagan pa ito ng pagkakaroon niya ng Liver Cirrhosis, isang sakit sa atay na nagpahirap sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

Sa kasalukuyan, si John ay naninirahan sa kalsada dahil wala siyang maayos na tahanan at hanapbuhay. Gayunpaman, kanyang tiniyak sa publiko na kahit na maayos pa rin ang kanyang kalagayan at patuloy na nagpapalakas. Umaasa siya na magkakaroon siya ng pagkakataon na makabalik sa pag-arte at magampanan ang kanyang passion sa showbiz industry.

6. Kris Aquino

Noong nakalipas na taon, ibinahagi ni Kris Aquino, ang Queen of All Media, na hindi maayos ang kalagayan ng kanyang kalusugan dahil sa kanyang auto immune condition na mahirap gamutin. Dahil sa kalagayan niya, nagdesisyon siya na makipaghiwalay sa kanyang fiancé na si Mel Soriano dahil nag-aalala siya sa kanyang kalagayan. Umabot ng limang buwan ang kanilang relasyon at nagulat ang marami sa biglaang paghihiwalay ng dalawa dahil engaged na rin sila. 

Dahil sa kalagayan niya sa kalusugan, hindi na gaanong aktibo si Kris sa kanyang social media at madalang na rin siya madalas magbahagi ng mga update tungkol sa kanyang buhay.


No comments:

Post a Comment

Sponsor