Mga Nabigyan na ng iPhone 14 ni Mommy Oni

Mga Nabigyan na ng iPhone 14 ni Mommy Oni

Mga Nabigyan na ng iPhone 14 ni Mommy Oni

Trending ngayon sa social media ang content creator na si Toni Fowler dahil sa pamimigay niya ng iPhone 14 sa mga netizen.

Namimili si Toni ng mga followers at subscribers na bibigyan niya ng iPhone 14.

Kaya tila naging challenge na sa maraming netizens na mapili ni Toni.

Kasunod nito, sari-sari ang entries at pakulo ng mga netizen mapansin lang sila ni Toni at mabigyan ng iPhone 14.

Mula sa mga nakakatawang video, drawing, painting, kanta, parody, at iba pang nakakaaliw na mga banat.

Ang TikTok influencer na si Jomar Yee, nag-ala Toni sa kanyang video at ipinaglaban ang kanyang payong para kay Toni.

“Ilalaban ko tong payong ko para sa iphone 14 ni mami Toni Fowler hindi ako papayag na hindi ako maambunan nyan,” pahayag ni Jomar sa kanyang post.

May iilan din na ine-edit ang mukha ni Toni sa ilang mga litrato tulad na lamang ng pagpalit sa mukha ni Julie Anne San Jose sa poster ng Maria Clara at Ibarra.

“Toni Me Tangere” na ang pangalan ng teleserye ngayong si Toni na umano ang bida.

Marami ang umaasang maaambunan ng biyaya ni Toni ngunit iilan lang ang maswerteng nabigyan nito.

Isa na rito si Diane Talambayan o Dayang na gumawa ng Tiktok filter para sa vlogger na agad naging viral.

 “Nahanap ko na gumawa ng Tiktok filter ko, matic may iPhone 14 ka,” ani Toni sa kanyang Facebook post kasama ang litrato niya kasama si Diane.

Syempre, may iPhone 14 din ang ka-look-a-like ni Toni o Mommy Oni kung tawagin ng mga netizen na si Mc Narvaez.

Ani Toni sa kanyang Facebook post, “Dahil kamuka daw kita may iPhone14 ka.”

Hindi naman magpapakabog ang entry ng netizen na si Rodolf Jamilla kung saan gumawa siya ng research tungkol kay Toni, nag-defense sa Tiktok, at iginiit na binoto niya bilang presidente si Toni noong nagdaang eleksyon kaya nakatanggap din siya ng iPhone 14.

Bukod kay Rodolf, binigyan din ng iPhone 14 ni Toni ang isang customer ng Adrenaline Bar and Club sa Quezon City dahil lamang naka-shades ito sa gabi.

Ani Toni sa kanyang post, “Dahil naka-shades ka sa gabi may iphone14 ka.”

Nakatanggap din ng iPhone 14 ang netizen na si Micaela Marcelo na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong pumunta sa nasabing bar si Toni.

Ani Toni, “Dahil birthday mo may iphone14 ka”

Noong April 29, nag-post naman si Toni na nauto raw siya ng mag-inang nasa litratong in-upload niya.

Ang tinutukoy ni Toni ay ang TikToker na si Argie Roquero at nanay nito na sinayaw ang kanyang hit song na “MPL”.

Ani Toni sa caption, “Nauto ako ng mag-ina. Ayan, may iPhone 14 tuloy sila.”

Samantala, maliban sa pamamahagi ng iPhone 14, namimigay rin Toni ng tig-isang libo sa mga mapipili niyang nagkokomento sa kanyang mga post.

Kamakailan lamang din ay ibinahagi ni Toni na binigyan niya ng 10,000 ang isang babaeng artist na iginuhit ang kanyang mukha sa kalsada.

Biro pa ng isang entertainment page sa isang meme, mukhang si Toni na ang pumalit kay Willie Revillame ngunit imbes na jacket ay cellphone at cash ang pinamimigay niya.

“Si Mommy Oni ang makabagong kuya wil,” saad ng PGAG na kinaaliwan naman ng mga netizens.

Si Toni, 29, ay isang social media influencer, single mom, at umaarte ngayon sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang Chicky.


No comments:

Post a Comment

Sponsor