Enchong Dee, uma-atitude sa isang event?
Enchong Dee, uma-atitude?
Si Enchong at ang aktres na si Ria Atayde ang nagsilbing host ng kauna-unahang summer ball ng Star Magic na ginanap nitong May 4 sa The Island sa The Palace sa Taguig City.
Maayos naman na nag-umpisa ang event ngunit nang awarding ay tila nagkaroon ng aberya o delay sa programa. Batay sa sinabi ni Ria, umabot na ng madaling Biyernes ng madaling araw, May 5, ang event. Kaya naman hindi na napigilan ni Enchong na ilabas ang kanyang inis sa staff at organizers ng event dahil sa delay.
Sa kanyang pahayag, ipinahiwatig ni Enchong na sa loob ng 16 taon niya sa showbiz ay noon lamang niya naranasan ang nangyaring aberya. "Oh, di ba Friday na, guys? Ang galing! 16 years in the business, people!" saad ni Enchong na kapansin-pansing pinipigilan ang kanyang sarili na magsalita nang masama.
Mukhang naramdaman naman ni Ria na malapit nang sumabog sa sobrang inis si Enchong kaya naman agad niya itong pinakalma. Sinigurado rin ni Ria sa mga artistang dumalo sa event na maayos ang lahat.
"Guys, Friday na. Thank you for celebrating your Friday morning with us…It’s okay. We are okay," natatawang saad ni Ria.
Samantala, umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang umano'y pagiging 'attitude' ni Enchong habang nagho-host sa nasabing event. Marami ang naiintindihan kung bakit uma-attitude si Enchong.
Bukod kasi sa sobrang init ng venue, halatang pagod na rin umano si Enchong lalo na't umabot ng madaling araw ang event. Ilang netizens din ang nagsabing talagang mainit umano sa venue ng event na maaaring makaapekto sa mood ni Enchong. Habang pinuri naman ng ilang netizens si Enchong dahil sa kanyang ipinakitang professionalism.
Komento nila: "@Carlyn Perez: baka madaming delays sa program, late na nagstart siguro inabot na sila the next day eh, kakapagod kaya maghost"
"@LightningShinning: Enchong still showed professionalism since he still decided to continue despite all the delays. It is the people who causes the delays that didn't."
"@katana hail: you can see that hes really exhausted. malay nyo may ibang commitment pa yan" @: Everyone of us had this kind of moment. When tiredness plus ung init pa ng panahon, can really change our mood."
"@Dahlia121: Ang masasabi ko lang. ang init dyan tapos naka ganyan sila. I remember, tumapat ako sa electric fan nung xmas party namin dyan."
Samantala, matapos ang event ay usap-usapan naman ang isang tweet ng isang showbiz news site. Sa nasabing scoop, ibinunyag nilang hindi raw masaya ang bosses dahil sa ipinakitang 'attitude' ng isang celebrity sa isang katatapos lang na event.
Ayon pa sa kanila, lagi raw nakasimangot ang celebrity dahil sa kakulangan ng professionalism ng staff sa event. Hindi naman daw inaasahan ng mga bisita ang naging attitude ng celebrity. Nakasaad sa nasabing tweet:
"Shocking attitude! SCOOP: Bosses weren’t happy w/ the attitude shown by celebrities at a recently concluded event. The celebrity was seen frowning. Scowling numerous times due to alleged lack of professionalism of the staff at the event. Guests were not expecting the attitude."
Sa ngayon, wala pa namang pahayag si Enchong sa umano'y pagiging attitude niya sa Star Magic event.
No comments:
Post a Comment