Hontiveros, kinasuhan na ng child abuse at kidnapping
Dahil sa pakekealam at pagkuha ni Senador Risa Hondtiveros sa kanyang kustodiya ang mga testigo sa pagpatay kay Kian delos Santos, patung-patong umano ang kakaharapin nitong kaso.
Nag-ugat ang kaso matapos kunin sa kaniyang pangangalaga ang tatlong testigo, kabilang ang dalawang menor de edad, sa kaso ni delos Santos na pinatay ng mga pulis-Caloocan.
Kamakailan naman ay isiniwalat ni Hontiveros ang text message ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa miyembro ng VACC na naglalaman ng pagmamadali ni Aguirre na kasuhan na itong si Hontiveros.
“Sa unang tingin, walang kakaiba sa larawang ito, lahat naman tayo ay napapasilip-silip sa cellphone sa gitna ng Senate hearing. Ngunit, nabahala ang kumuha nung inenlarge niya ang larawan ni Ginoong Aguirre,” wika ni Hontiveros.
“Babasahin ko po ang nakalagay. “Text ng Kausap niya: ‘Naturuan na ni Hontiveros ang testigo. Her questions are leading questions.’ Reply ni Sec. Agurre: ‘Yon nga sinasabi ko dito. Very obvious. Kaya nga expedite natin ang cases niyo vs her,’” dagdag niya.
Ganun pa man, muling haharapan si Hontiveros sa kasong wiretapping dahil ayon kay Aguirre ay nalabag ang kanyang right of privacy.
No comments:
Post a Comment