Naubusan kami ng stock na pagkain, Ang bilis sumagot ni Lord! Salamat kay Tatang

Sa isang Facebook post ng isang babaeng si Pamzkie Luna, inilahad nito ang kanyang karanasan habang sinasalanta ng bagyo ang kanilang lugar.
Ayon kay Luna, stranded sila dahil sa bilis ng pagtaas ng tubig baha sa kanilang lugar at hindi nakapaghanda ng pagkain, ngunit hindi siya binigo ng Panginoon nang makita niya si tatang na naglalako ng kanyang panindang gulay habang tinatahak ang baha.

Para naman sa mga netizens na nakakita ng post ni Pam, lubos silang humanga kay tatang na handang suungin ang baha para may maiuwing pera sa pamilya.

Ang iba naman ay naawa dahil sa kalagitnaan ng buhos ng ulan at baha ay hindi na ito safe para sa edad ni tatang.


Basahin ang buong post sa ibaba:

“Naisip ko kanina wala kami stock ng pagkain ngayon, paano kmi lalabas eh baha. Ambilis ni Lord sumagot, pero naawa ako kay tatang kasi kahit bumabagyo na at baha na tuloy parin sha magtrabaho.”

“Bumili nga ako ng gulay at saging yung sukli sa kanya na, nakita ko yung ngiti nya napawi ng konti yung pagod nya para sa ngayon araw na to.”


“Lord pagingatan po ninyo si tatang, salamat po sa kanya at sa blessing ngayon araw.”

“Keep safe lang mga kapatid. God is in control of everything “

“Matthew 6:31-34”
31 So do not worry, saying, ‘What shall we eat?’ or ‘What shall we drink?’ or ‘What shall we wear?’ 32 For the pagans run after all these things, and your heavenly Father knows that you need them. 33 But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.”

“34 Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own.”


Source:  Pamzkie Luna FB
 

No comments:

Post a Comment

Sponsor