Lasenggo, Tambay sa kalsada Arestuhin! – Pangulong Duterte

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga lokal na pamahalaan at sa mga pulis na arestuhin ang mga lasenggo na nagiinuman sa gilid ng kalsada at mga nakatambay o sa mga pampublikong lugar.

Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Mandatory Continuing Legal Education-Accredited National Convention of Public Attorneys sa Manila Hotel, sinabi nitong peligro lamang at nagbibigay ito ng takot sa mga ordinaryong mamamayan na naglalakad sa kalye.

Sinabi rin ng Pangulo na ito ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan upang makamit ang peace and order sa bansa.

Ayon sakanya, ang mga tambay at lasenggo sa mga pampbulikong lugar ay kadalasang mayayabang at nagdudulot ito ng awayan na kinakatakot ng mga mamamayan.


“Sabi ko sa pulis, pick-up nyo ang mga tambay. I do not want anybody standing there, mag-tambay. Kasi ‘yung tambay sa Pilipinas, we talk of contemporary times, what’s happening to the environment now,” paliwanag pa ng Pangulo.

“Kapag mag-inuman in public place, arestuhin mo. You’re not supposed to be drinking using the streets and alleys as… “Hulihin mo at ikulong ninyo.” Tutal may PAO naman bukas magpa-release, eh ‘di sige,” dagdag pa ng chief executive.

“Eh may balance naman eh. Inaasahan ko naman that kapag walang kasalanan and it’s just a matter of loitering around, but ang mga tao kasi takot eh. Takot na magdaan, lalo na ‘yang… Ang mga biktima nito, hindi ito ‘yung mga elitistang, p***** i***** mga ‘to. Ito ‘yung mga biktima ‘yung nagtatrabaho, mga salesgirl,” giit pa ng Pangulo.


Source:  Philstar

No comments:

Post a Comment

Sponsor