Martial law extension ipinatitigil na ng mga senador sa minorya

Noong July 22 natapos ang huling araw ng martial law sa Mindanao kaugnay sa naging pananakop sa Marawi City ng Maute group.
Humingi ng dagdag na panahon ang militar kaya nagkaroon ng extension na tatagal hanggang sa December 31.

Hinarangan ng ilang senador ang planong pagpapaigting muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law o batas militar sa Mindanao.

Ayon sa mga senador sa minorya,  kinakailangang bawiin na ang martial law sa rehiyon sa lalong madaling panahon dahil wala ng dahilan upang ipagpatuloy pa ito.

Ipinahayag ng Senate Minority bloc na wala nang rason para patagalin pa ang batas-militar sa Mindanao ngayong malaya na sa Maute group ang Marawi City.

Anila, sa halip, kinakailangang mapabilis ang rehabilitasyon ng lungsod para matulungan ang mga Maranao na ibalik sa normal ang kanilang buhay.

Dagdag ng mga senador, handa silang suportahan ang mga plano at programa ng gobyerno para sa pagbangon ng Marawi.

Ang Senate Minority bloc ay binubuo nina senators Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Bam Aquino IV, Risa Hontiveros, at Antonio Trillanes IV.


Ayon naman sa spokesperson ni Pangulong Duterte na si Harry Roque, sa susunod na linggo rin magsusumite ng kanilang assessment at recommendation sa isyu ang Armed Forces of the Philippines.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na pabor sila sa pagpapalawig ng batas militar para mas mabigyan ng proteksyon ang pagsisimula ng Marawi rehabilitation.

***
 

No comments:

Post a Comment

Sponsor