LUCIO TAN NATAMAAN SA MABIGAT NA MENSAHE NI PANGULONG DUTERTE PATUNGKOL SA P7B!

Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 145th Founding Anniversary and 2nd Kanlahi na ginanap sa Bulwagang Kanlahi sa Tarlac City, sinabi nito sa kanyang mga kritiko na siya lamang ang nakasingil ng bilyon-bilyong pisong utang na buwis ng negosyanteng si Lucio Tan.

Ipinagmalaki ng Pangulo na ilang Pangulo na ang dumaan ngunit wala ni isa sakanila ang naglakas loob upang singilin ang tax liability ng business tycoon.

Wala aniyang na­ging presidente ng bansa na mapasunod si Tan para bayaran ang kanyang atraso sa buwis sa gobyerno dahil may utang na loob ang mga ito sa negosyante.

“Kung hindi ako nag-Presidente, makuha kaya ninyo ‘yung 7 billion na utang. Ilang Presidente dumaan? Was there somebody able to collect the taxes?” ang tanong ng Pangulo.

Noong nakaraang eleksyon ay tinanggihan ng Pangulo ang alok na tulong ni Tan dahil ayaw nitong magkaroon ng utang na loob.

Advertisement
Matatandaang nagbanta ang Pangulo kay Tan na hindi nito palalapain ang mga eroplano ng Philippine Airlines kung hindi nito babayaran ang ilang taong pagkakautang sa gobyerno.

Binigyan pa ng taning ng Presidente ang negos­yante para bayaran ang utang sa buwis na kalaunan ay tumugon at nagbayad ng bilyon-bilyong piso.

Dahil dito nangako naman ang Pangulo na wala ng maririnig na mura at patutsada galing sa kanya si Tan, at gusto na rin nitong maging kaibigan.

Nagpasalamat din ang Pangulo kay Tan pagkatapos sa libreng pagsundo ng PAL sa mga umuwing distressed overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- abante.com


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Loading…


No comments:

Post a Comment

Sponsor