Ed Caluag, ibinihagi ang kanyang isa pang talento.
Isang ordinaryong tao lamang noon si Ed Calaguag pero biglang sumikat dahil narin sa pagiging paranormal investigator niya at spiritistic field expert at researcher sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho. Tinampok din ang kwento ng kanyang buhay sa Magpakailanman.
Siya ay ipinanganak sa Malolos, Bulacan at 7 years old pa lamang siya noong tinamaan siya ng sakit na Polio.
Ang polio ay isang nakakapinsala at nakakamamatay na sakit na sanhi ng poliovirus. Naipapasa ang sakit na ito sa mga tao at maaaring maapektuhan ang utak at spinal cord. Maari din itong magdulot ng pagkalumpo o pagkaparalisa. Nadiagnosed din siya ng rheumatic heart disease.
Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Elementary Education degree at naging elementary school teacher din. Meron din nagpapatibok ng puso ni Ed at ito ay si Marilyn Laluan.
Boyet ang tawag sa kanya ng kanyang mga kapit bahay at dati ay kapag naglalakad siya sa palengke ay walang pumapansin sa kanya pero ngayon daw ay kahit sasakay siya ng taxi ay bubuksan nila yung pinto at para na rin magpapicture sa kanya.
Isa sa mga paborito daw kanta si Ed ay ang mga kanta ni Kenny Rogers dahil yun daw madalas ang kinakanta nilang mag-ama kaya naman noong nag-guest siya sa Barangay LS ay nag-sampol ito ng kanyang talento sa pagkanta. Kinanta niya ang isa sa mga paboritong kanta niya na Lady by Kenny Rogers.
No comments:
Post a Comment