Gabby Concepcion, naging emosyonal sa pagtatapos ng kanilang taping ng First Yaya

Malungkot at emosyonal na nagbigay ng mensahe ang 'First Yaya' star na si Gabby Concepcion sa pagtatapos ng lock-in taping ng pinagbibidahan niyang serye kasama ang kanyang leading lady na si Sanya Lopez. Sa kanyang socmed, ibinahagi niya ang masasayang moments nila kasama ang mga casts ng serye na may caption na,

"Projects will come and go but real friendship will last a lifetime."

"Lock in taping is not a bad thing after all. It's actually one of the BEST THINGS that happened in this New Normal. We MADE IT. CONGRATS TEAM!"


Madami naman nalungkot sa kanilang mga taga hanga at umasang mae-extend ang serye. Sana raw ay mabigyan pa sila ng proyekto na magkasama dahil madami silang pinakilig na tao. 

Sabi ni @jomariebaguion: "Sana naman po ma extend pa kagaya ng sa probinsyano ngayon ..nkakalungkot naman po matatapos na yung first yaya gabi gabi ko pa namn kau inaabangan. ang saya po kase sa pakiramdam na pinapanood kau nkakawala ng stress. ingat po kau palagi idol gabbyconcepcionsanyalopez."

Sabi naman ni @weng.chua: "Congrats to you all it's great lock in taping that make real friendship with team working together that makes things to cherished God bless you all."

At ni joey_camilao101: "Of all the RomCom i’ve watched. Ito ang pinaka the best! Hats-off Team! yahoo!"

Masaya at thankful ang mga bida ng GMA drama romantic comedy series na 'First Yaya' na sina Sanya Lopez at Gabbi Concepcion dahil sa mataas na rat𝔦ngs na nakuha nito. 

Ayon sa latest numbers ng AGB Nielsen, ang First Yaya ay nananatiling number 1 at most watched weekday program. Sa isang episode nito ay talagang pinag-usapan ito online dahil sa two p𝔦ece sw𝔦msuit scene ni Sanya. 

Makikita na natatakpan ang katawan ni Sanya ng isang twalya pero habang siya ay naglalakad ay nahulog ito at bumalandra ang nakapakanda niyang pangangatawan na nakasuot ng pulang sw𝔦msuit. Umabot ng mahigit l𝔦mang m𝔦lyon ang v𝔦ews ng video na ito sa YT.

Matatandaan na si Marian dapat ang magiging leading lady ni Gabby Concepcion sa First Yaya pero umatras ito dahil narin sa sa pandemya at para matutukan at maalagaan pa niya ang kanyang pamilya.


No comments:

Post a Comment

Sponsor