5 Bagay Na Pwedeng Mangyari Sa Inyong Katawan Kapag Wala Kang Sapat Na Tulog
5 Bagay Na Pwedeng Mangyari Sa Inyong Katawan Kapag Wala Kang Sapat Na Tulog
Ano ang mangyayari kung hindi ka makatulog?
Ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog ay maaaring magpahina ng inyong immune system, magdulot ng mga isyu sa pag-iisip, at humantong sa pagtaas ng timbang.
Kapag wala kang sapat na tulog, maaaring madagdagan ang panganib na magkaroon ng ilang partikular na kanser, diabetes at sakit sa puso.
Mas malaki din ang tyansa mong masangkot sa isang aksidente kung meron ka lamang lima o mas kaunting oras ng pagtulog bawat gabi, ayon sa National Sleep Foundation.
Narito ang limang pwedeng mangyari sa inyong katawan kapag hindi ka nakakatulog o wala kang sapat na tulog.
1. Pwede kang magkaroon ng problema sa puso o heart disease.
Ang pagkakaroon ng hindi sapat na tulog (mas mababa sa 5 oras bawat gabi) at sobra-sobrang (siyam o higit pang oras bawat gabi) ay may negatibong epekto sa kalusugan ng puso, ayon sa isang pagsusuri na inilathala ng European Heart Journal.
Mas malaki ang tyansa mong magkaroon ng coronary heart disease, pagkakaroon ng stroke at iba pang sakit sa puso kapag ikaw ay may kaunting tulog.
Sa sakit na ito, naaapektuhan ang mga ugat ng puso, partikular na ang coronary artery. Ang coronary artery ay ang pinakamalaking ugat na daanan ng dugo na tumutulong maghatid ng oxygen at nutrisyon sa puso.
2. Nagiging makakalimutin ka o pagpurol ng memorya.
Ang kawalan ng tulog at pagod ay may malaking pangamba at epekto sa mental health ng bawat indibidwal. Maikling pasensya at mahinang pangangatawan ay ilan lamang sa mga naidudulot ng hindi pagkakaroon ng sapat na tulog.
3. Ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog ay maaaring humantong sa pagtaas ng timbang at diabetes
Mas mababa sa limang oras na tulog sa gabi ay tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng sakit na diabetes. Kapag wala kang tulog, nagbabago ang chemistry ng iyong katawan. Ang mga hormone na kumokontrol sa gutom ay nagiging imbalanced, na humahantong sa iyo na makaramdam ng gutom nang mas madalas.
4. Pagiging malungkutin at balisa
Tulad ng stress at anxiety, ang depresyon ay isa pang kondisyon na nauugnay din sa hindi sapat na pagtulog. At tulad ng stress, ang depresyon ay maaaring maging sanhi ng kakulangan sa tulog. Ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga taong may chronic insomnia ay may limang beses na panganib na magkaroon ng depresyon.
Sa isa pang pag-aaral, tatlo sa apat na pasyente na may depresyon ay may sintomas ng insomnia nagpapakita na kasing dami ng tatlo sa apat na depressed na pasyente ang may mga sintomas ng insomnia, at ang porsyentong iyon ay maaari pang tumaas.
5. Pagkakaroon ng acne o tigyawat
Kung hindi ka nakakakuha ng sapat na pahinga at tulog, maaaring tumaas ang tsansa mo na magbreak-out. Sa katunayan, ang kawalan ng tulog ay isa sa itinuturing na dahilan kung bakit nati-trigger ang acne, kasama ang stress at labis na pagpapawis.
Ang biglaang pagkakaroon ng tigyawat ay madalas na resulta rin ng bilaang pagbabago ng hormones sa iyong katawan. Dahil ang mababang level ng hormone na androgen at nagreresulta sa acne.
Laging tatandaan na ang kahalagahan ng pagtulog sa ating kalusugan ay mas malusog ang iyong puso, nakakalaban ito ng stress at depresyon at nakakatulong ito para mapalakas pa ang ating resistensya.
No comments:
Post a Comment