5 Nakakagulat Na Benepisyo Ng Kamote (Sweet Potato) Sa Ating Kalusugan

5 Nakakagulat Na Benepisyo Ng Kamote (Sweet Potato) Sa Ating Kalusugan

5 Nakakagulat Na Benepisyo Ng Kamote (Sweet Potato) Sa Ating Kalusugan


Ang sweet potato o kamote ay isa sa mga mura at madaling bilhing gulay sa mga palengke. Bukod sa mura ang mga ito, marami din benepisyo ang pwede mong makuha sa madalas na pagkain ng kamote.

Ang mga pagkain na pangkaraniwan na sa ating paningin tulad ng kamote ay madalas na hindi natin binibigyan ng pansin pero hindi natin alam na nagtataglay pala ito ng mga sustansyang wala sa ibang mga gulay. 

Kadalasan ay ibinababad ito sa kumukulong tubig para lumambot at ginagawang almusal. Ang iba ay isinasawsaw ito sa asukal para mas lalo pang sumarap. Ang kamote ay maalmirol na pananim at pwede rin ipampalit sa kanin.

May iba’t iba silang sukat at kulay – kabilang ang kahel (orange), puti, at kulay ube na mayaman sa bitamina, mineral, antioxidant, at fiber.

Hindi pa kabilang dito ang ibinibigay nilang mga benepisyong pangkalusugan at madaling idagdag sa diyeta mo.

Narito ang 5 na nakagugulat na benepisyong pangkalusugan ng mga kamote.

1. Puno ng sustansya

Mainam na mapagkukunan ng fiber, bitamina, at mineral ang kamote. Dagdag pa dito, ang mga kamote – lalo na ang uri ng kulay kahel at kulay ube – ay mayaman sa mga antioxidant na iniingatan ang katawan mo mula sa mga free radical.

Mayaman din ang kamote sa vitamin C at vitamin A na pangunahing kailangan ng katawan para sa matibay na resistenya.

2. Nagtataguyod ng Kalusugan ng Bituka

Mapakikinabangan ang mga fiber at antioxidant sa mga kamote para sa kalusugan ng bituka.

May dalawang uri ng fiber ang kamote: soluble at insoluble. Parehong hindi matutunaw ng katawan mo ang dalawang uri. Kaya, nananatili ang fiber sa digestive tract mo at nagbibigay ng iba’t ibang benepisyong pangkalusugang nauugnay sa bituka.

Ang ilang tiyak na uri ng soluble fiber – kilala bilang mga viscous fiber – ay sumisipsip ng tubig at pinalalambot ang dumi. 

Ang ilang soluble and insoluble na fiber ay pinaaasim ng bacteria sa colon mo, lumilikha ng mga compound na tinatawag na mga short-chain fatty acid na nagpapagana sa mga selula sa intestinal lining mo at pinananatili silang malusog at malakas.

3. Mainam Para Maiwasan Ang Kanser

May handog na iba’t ibang antioxidant ang kamote, na maaaring makatulong labanan ang ilang uri ng kanser.

Anthocyanins – isang grupo ng mga antioxidant na makikita sa mga kulay ubeng kamote – ay napag-alamang pinababagal ang paglago ng ilang uri ng selula ng kanser sa mga pagsusuring test-tube, kabilang ang yaong nasa pantog, colon,  at tiyan.

4. Sumusuporta sa Malusog na Paningin

Lubhang mayaman ang mga kamote sa beta-carotene, ang antioxidant na responsable sa matingkad na kulay kahel nito.

Sa katunayan, sa isang baso ng 200 grams na baked orange sweet potato na may balat ay nagbibigay ng higit sa pitong beses na dami ng beta-carotene na kailangan ng isang taong nasa hustong gulang kada araw.

Ang beta-carotene ay naisasalin upang maging bitamina A sa katawan mo at ginagamit para makabuo ng mga light-detecting receptor sa loob ng mga mata mo.

5. Maaaring Makapagpabuti sa Pangsyon ng Utak

Maaaring makapagpabuti sa pangsyon ng utak ang pagkain ng kulay ubeng kamote.

Ayon sa isang pag-aaral, ang anthocyanin na makukuha sa kulay ubeng kamote ay pumuprotekta sa utak sa pamamagitan ng pagbawas sa pamamaga at pag-iwas sa pinsala ng free radical.


No comments:

Post a Comment

Sponsor