5 Benepisyo ng Bawang at Mga Sakit na Kayang Pagalingin Nito

5 Benepisyo ng Bawang at Mga Sakit na Kayang Pagalingin Nito

5 Benepisyo ng Bawang at Mga Sakit na Kayang Pagalingin Nito

Noong unang panahon pa lamang ay kilala na ang bawang o garlic bilang isang halamang gulay na punong puno ng benepisyo. Ang scientific name nito ay Allium sativumo na kabilang sa pamilya ng mga sibuyas. Hindi lamang ito gamit bilang pangunahing sangkap sa mga lutuin, gayundin ang taglay nitong katangian pagdating sa usapang pang kalusugan.

Ngayon, ating lubos na alamin ang mga benepisyo ng bawang sa kalusugan ng isang tao at ang mga sakit na kayang pagalingin nito.

5 Benepisyo ng Bawang

1. Masustansya at may mababang bilang ng calories

Mahalaga na malaman ng mga tao na ang pagkonsumo ng bawang ay masustansya, pero nararapat na ito ay naayon at hindi labis. Taglay nito ang iba’t ibang nutrisyon katulad ng bitamina at mineral na kailangan ng isang tao. Kabilang dito ang Vitamin B6, Vitamin C, Calcium, Fiber, at Manganese.

2. Nakatutulong sa pagpapabagal ng pagtanda

Isa sa mga benepisyo ng bawang ay ang pagpapabagal ng pagtanda ng isang tao. Ito ay dahil sa mayroon ang bawang na antioxidants na tumutulong sa proseso ng pagpapabagal ng pagtanda. Maaring kumain ng tamang dami ng bawang o ilagay ito sa mukha.

3. Nagpapatibay ng immune system

Mabisang panglaban sa sakit ang malakas na immune system, at maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkain ng bawang. Mayaman ang bawang sa bitamina na tumutulong upang palakasin ang immune system ng isang tao, gayundin ang panglaban sa ubo at sipon.

4. Iwas high blood pressure

Nakatutulong ang bawang upang mapaganda ang daloy ng dugo ng isang tao. Ibig sabihin, napapababa nito ang level ng cholesterol sa katawan pati ang blood pressure ng mga taong nakararanas ng hypertension.

5. Nakapagpapaganda ng balat at buhok

Angking yaman ng bawang ang mga katangian katulad ng antibacterial at antioxidants, na ayon sa mga pag-aaral ay mabisang panglaban sa mga acne-causing bacteria. Pagdating sa pagpapaganda ng buhok, nakatutulong dito ang selenium at manganese sa pagpapalusong ng anit at pagpapaganda ng tubo ng buhok.

Sakit na kayang pagalingin ng Bawang

1. Kanser o cancer

Kinakailangan ang regular na paggamit ng bawang, ngunit nararapat na hindi ito hihigit sa dalawang piraso sa isang araw. Tumutulong ito sa pagpapabagal ng pagkalat ng nakahahawang kanser cells.

2. Gout

Ang gout ay isang uri ng arthritis, at lubos na makatutulong ang bawang sa pagbawas ng sakit na dulot nito. Kinakailangan ang araw-araw na pagkonsumo ng isa-dalawang piraso sa isang araw, at tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo.

3. Kasukasuan

Maaring maibsan ng bawang ang sakit sa kasukasuan. Binabawasan nito ang pananakit na nararamdaman ng isang tao lalo kapag naglalakad o nakaupo. Dapat na makakonsumo ng dalawa hanggang tatlong piraso sa loob ng isang araw, at tatlong beses naman sa loob ng isang linggo.

4. Diabetes

Mabisang gamot din laban sa mapaminsalang sakit na diabetes ang bawang. Tumutulong ito upang balansehin ang antas ng asukal sa dugo at upang madagdagan ang insulin sa katawan ng isang tao.

5. Dementia at Alzheimer’s disease

Ang benepisyo ng bawang na antioxidants at antioxidant enzymes ang tumutulong upang bawasan ang oxidative stress ng mga taong may high blood pressure. Ito din ay mabisang panangga sa sakit sa utak katulad ng dementia at Alzheimer’s disease.



No comments:

Post a Comment

Sponsor