Mga Pakinabang ng Dahon ng Bayabas Bilang Halamang Gamot
Mga Pakinabang ng Dahon ng Bayabas Bilang Halamang Gamot
Ang isa sa mga kilalang prutas na hitik sa mga berdeng bunga ay ang puno ng bayabas o guava sa Ingles. Madalas na matatagpuan ang puno ng bayabas sa mga tropikal na bansa kagaya ng PIlipinas. Ito ay punong namumulaklak, at may taglay na kakaiba ngunit mabangong amoy sa dahon nito.
Kilala ang bayabas lalo na ang dahon nito bilang isang mahusay na halamang gamot. Maraming sakit ang kaya nitong pagalingin dahil mayaman ito sa nutrisyon at bitamina na tiyak makatutulong sa pagpapaganda ng kondisyon ng katawan.
Upang mapatunayan ng dahon ng bayabas ang husay nito bilang isang herbal medicine, narito ang limang benepisyo ng paglalaga o pag-inom ng dahon ng bayabas.
1. Isinasaayos ang daloy ng dugo sa katawan
Kung nakakaranas ng problema sa daloy ng dugo sa katawan, mabisang gamot ang nilagang dahon ng bayabas upang mabawasan ang bilang ng cholesterol sa dugo ng isang tao. Isa pang magandang benepisyo nito ay ang pagpapanatili nito na maging matubig ang dugo at siya ring nagpapababa ng blood pressure.
Taglay din ng bayabas ang mataas na bilang ng fiber na tumutulong upang mabalik sa normal ang blood pressure kaya kung mahilig ang isang tao sa mga pagkain na mababa ang fiber content, marapat na simulan ng uminom ng pinakuluang dahon ng bayabas.
2. Magaling na lunas sa mga namamagang sugat
Madalas na takbuhan ng mga taong may namamagang sugat ang pinakuluang dahon ng bayabas upang ipang-langgas o hugas sa kanilang mga sugat. Mainam na gamitin ito dahil sa antibacterial property na mayroon ang dahon ng bayabas upang makaiwas sa impeksyon o paglala ng sugat.
Maari ding gamitin ang dahon ng bayabas kahit hindi pinakuluan bilang pangtapal sa mga sugat. Hugasan lamang itong mabuti at pagkatapos ay dikdikin o pinuhin ng mabuti para maitapal sa bahagi na may sugat o pamamaga. Kasama rin sa napapagaling nito ay ang namamagang bibig at galagid.
3. Herbal medicine na sagot sa pagdumi o pagtatae
Napatunayan sa isang pag-aaral na epektibong nagagamot ng dahon ng bayabas ang problema sa pagdumi o pagtatae ng isang tao. Sa tulong ng katas ng dahon ng bayabas na hinalo sa tubig, pinipigilan nito ang pagkalat ng mga mikrobyo na siyang sanhi ng dalasang pagdumi o pagtatae.
4. Mabisang panglaban sa mga sakit
Mayaman ang bayabas sa bitamina kagaya ng Vitamin C na mahalaga sa kalusugan ng isang tao, mapa-matanda man o bata. Sa tulong ng Vitamin C na mula sa bayabas, pinapatibay nito ang immune system ng katawan upang epektibong labanan ang mga sakit katulad ng ubo, sipon, at lagnat. Tumutulong din ito upang ibalik ang lakas ng katawan na galing sa pisikal at mental na istres.
Ang pinagsamang potassium at Vitamin C ay daan upang patatagin ang cardiovascular system sa katawan, mapanatili na normal ang ritmo ng puso, maayos ang nutrisyon ng myocardial, at ayusin ang daluyan ng dugo sa katawan.
5. Epektibong pinipigilan ang pagkalat ng kanser
Isa sa pinakamalahagang sakit na kayang gamutin ng dahon ng bayabas ay ang pagkalat ng cancer cells. Gamit ang langis o katas na mula sa dahon ng bayabas, mabisa nitong pinipigilan ang pagkalat at pagdami ng mga cancer cells. Matagumpay nitong nilalabanan ang mga uri ng cancer katulad ng prostate at breast cancer.
No comments:
Post a Comment