5 Natural at Epektibong Gamot Sa Singaw

Upang maiwasan ang sakit at pagkawalang gana sa pagkain dahil sa singaw, narito ang limang natural na gamot sa singaw.

5 Natural at Epektibong Gamot Sa Singaw

Ang singaw o mouth ulcer ay isang maliliit at mababaw na sugat na maaring makaapekto sa ating pagkain. Karaniwang tumutubo ang singaw sa labi, dila, o galagid ng ating mga bibig. 

Ang sanhi ng singaw ay maaring matinding stress, nakagat na labi o balat sa paligid ng bibig, madiin na paglilinis ng ngipin, at minsan ay genetics o nasa lahi na. Karaniwan ito ay kulay puti o dilaw at tumatagal ng tatlo hanggang pitong araw.

Upang maiwasan ang sakit at pagkawalang gana sa pagkain dahil sa singaw, narito ang limang natural na gamot sa singaw.

1. Aloe Vera

Ang halaman na aloe vera ay hindi lamang ginagamit upang mapaganda ang kutis o buhok ng isang tao. Nagsisilbi din itong natural na gamot upang mabilis na bigyang lunas ang singaw na sumisira sa maganang pagkain. Kung minsan ay sumasama din ang pakiramdam ng may mga singaw.

Gamit ang katas na mula sa dahon ng aloe vera, ihalo ito sa tamang dami ng tubig at ipahid sa bahagi na may singaw. Gawin ito ng tatlong beses sa isang araw para sa mas mabilis na resulta.

2. Peppermint at Eucalyptus Oil

Taglay ng peppermint at eucalyptus oil ang anti-inflammatory properties na tumutulong upang mabawasan ang pamamaga ng bahagi na may singaw. Dahil mabisa itong nakakapagpagaling ng pamamaga, isa ito sa mga nangungunang natural na gamot para sa singaw.

Mabisa ito kung sasabayan ng mga astringent na dahilan upang magsara ang mga tissue sa apektadong bahagi ng singaw. Ang cooling effect din nito ay nakatutulong upang magbigay ginhawa sa pakiramdam.

3. Tubig na Hinaluan ng Asin

Isa sa mga natural na gamot sa singaw ay ang pagmumumog ng tubig na may kasamang asin upang mawala ang singaw. Subok na itong epektibo dahil sa antibiotic property na taglay ng asin. Tinatanggal nito ang sakit na nararamdaman at ang pagbabadya ng impeksyon dahil nililinis nito ang sugat na dulot ng singaw.

May kakayahan ang asin na palabasin ang fluid sa laman ng isang tao sa pamamagitan ng pagmumumog nito. Marapat lamang na paghaluin ang isang kutsara ng asin sa kalahating baso ng tubig at gawin itong pangmumog ng tatlong beses sa loob ng isang araw.

4. Honey

Tanyag ang pulut o honey bilang sangkap sa mga panghimagas, ngunit hindi maikakaila na ang taglay nitong anti-inflammatory at anti-bacterial property ay mabisang makababawas sa sakit na dala ng singaw. Maiiwasan din ang banta ng impeksyon na maaring magdulot ng paglala ng singaw.

Siguraduhin na ang honey na gagamitin panglagay sa sugat na sanhi ng singaw ay pure at unpasteurized, mas mabisa kung natural na uri ng honey ang gagamitin. Pagkatapos magmumog ay ilagay o ipahid ang honey sa bahagi na may singaw, apat na beses sa loob ng isang araw.

5. Coconut Oil

Kabilang din sa mga mabisang natural na gamot sa singaw ang langis ng niyog. Napatunayan sa pag-aaral na may anti-microbial na kakayahan ang langis ng niyog na makapagpapagaling sa mga singaw na dahil sa mga bakterya. Mayroon din itong anti-inflammatory na taglay, maari itong makatulong upang mabawasan ang sakit at pamamaga na nararamadaman.

Ugaliin lamang na maglagay ng langis ng niyog sa bahagi na may singaw. Gawin ito sa loob ng dalawa hanggang apat na beses sa isang araw hanggang hindi pa nawawala ang singaw.


No comments:

Post a Comment

Sponsor