Mga 10 Sakit Na Kayang Pagalingin Ng Malunggay

Mga 10 Sakit Na Kayang Pagalingin Ng Malunggay

Mga 10 Sakit Na Kayang Pagalingin Ng Malunggay


Ang super gulay na malunggay o Moringa oleifera  na kadalasang matatagpuan sa bakuran ng mga tahanan o bakanteng lote ay hindi lamang nagbibigay sustansya sa mga lutuin, gayundin, ito ay nagtataglay ng kapasidad na magpagaling ng mga sakit na maaring makaapekto sa kalusugan ng isang tao.

Alamin ang ilan sa mga sakit na kayang mapagaling ng super gulay na malunggay. Narito ang mga sakit at kung paano ito natutulungang mapagaling o mapigilan ng malunggay.

1. Diabetes

Ayon sa mga pag-aaral, taglay ng gulay na malunggay ang kakayahan na magpababa ng blood sugar ng isang tao. Sa pamamagitan ng araw-araw na pagkonsumo nito ay maisasaayos ang kondisyon ng blood sugar sa katawan, dahilan upang makaiwas sa komplikasyon katulad ng diabetes.

2. Impeksyon

Isa din sa mga sakit na kayang pagalingin ng malunggay ay ang mga impeksyon sa katawan na sanhi ng mga sugat o sakit. Mabisang gamot dito ang gulay na malunggay lalo na sa pulbos o powder form nito dahil sa anti-inflammatory property na taglay nito. Kasama sa napapagaling nito ay ang pamamaga ng mga tendons at joints.

3. Iba’t ibang uri ng sugat

Parte ng paglaki ng mga bata ang sugat, at ang mabisang takbuhan bilang paunang lunas ay ang malunggay dahil mayaman ito sa Vitamin A, C, at E. Maari itong pulbusin upang mas mabilis na makita ang epekto nito. Ang iba naman ay pinakukuluan ang dahon ng malunggay at itinatapal sa mga apektadong bahagi, ito man ay sugat, rashes, o pasa.

4. Rayuma o rheumatism

Karamihan sa mga taong may edad na ay nakararanas ng rayuma o rheumatism, ang ganitong sakit ay maiibsan sa pamamagitan ng pag inom ng pinakuluang buto o dahon ng malunggay. Mas magiging maayos ang epekto nito kung madalas itong gagawin.

5. Altapresyon o high blood pressure

Ginagamit din upang kontrolin at mapababa ang presyon ng dugo sa katawan sa pamamagitan ng pagkain sa buto ng malunggay.

6. Pananakit ng lalamunan o sore throat

Ang problema dahil sa pananakit ng lalamunan ay kayang-kayang pagalingin ng malunggay. Pakuluan lamang ang ugat nito at gamitin ito sa pagmumumog upang mabawasan ang pananakit.

7. Hika

Ang sakit na hika o hirap sa paghinga ay mabisang ding masosolusyonan ng gulay na malunggay. Uminom lamang ng gatas na may kasamang katas ng ugat ng malunggay sa panahon na inaatake ng hika.

8. Mga bulate sa tiyan

Bago man sa pandinig ng iba, pero napatunayan ng malunggay na kaya nitong pagalingin ang iba’t ibang uri ng sakit, at kabilang na dito ang pagkakaroon ng mga bulate sa tiyan. Mabisang pampurga laban sa mga bulate sa tiyan at bituka ng tao ang mga buto na makukuha sa bunga ng malunggay.

9. Kanser o cancer

Taglay ng gulay na malunggay ang phytochemical na nagdudulot ng antioxidant effect na nagsisilbing dipensa ng mga cell mula sa mapanganib na free radical, at naiibsan ang posibleng pagkabuo ng iba’t ibang klase ng kanser sa katawan.

10. Problema sa pagdumi

Ilan sa mga tao ay nakakaranas ng problema sa pagdumi o pagtitibi na nagdudulot sa pahirapan na paglalabas ng dumi sa ating katawan. Maayos ang problemang ito sa pamamagitan ng pagkain sa bunga at dahon ng gulay na malunggay.

 


No comments:

Post a Comment

Sponsor