Jose Mari Chan, Naluha Na Kumanta sa Unang Hirit

Jose Mari Chan, Naluha Na Kumanta sa Unang Hirit

Jose Mari Chan, Naluha Na Kumanta sa Unang Hirit

Hindi mapigilan maluha ng tinaguriang 'King of Pinoy Chrismas Carols' na si Jose Mari Chan ng muli siyang kumanta sa telebisyon. 

Sa guest appearance niya sa Unang Hirit, naging emosyonal ito habang kinakanta ang isa sa mga kantang tumatak na sa mga Pilipino na 'Christmas In Our Hearts.'

Biro pa ni Chan ay naghihintay daw ito na maibitahan ng Unang Hirit dahil pumasok na ang BER months. 

Alam naman natin na sa unang araw pa lamang ng Setyembre ay maraming Pilipino na ang nagpapatugtog na ng mga Christmas songs at umpisa narin ng Christmas Season. 

Siyempre hindi mawawala ang mga kanta ni Jose Mari Chan na, Christmas In Our Hearts, Beautiful Girl, A Perfect Christmas, A Wish On Christmas Night, Mary's Boy Child at marami pang iba.

Inihayag ng Unang Hirit host na si Arnold Clavio na napaiyak daw si Jose Mari Chan habang nagre-rehearse para sa kanyang performance.

Aniya, 'When I was singing the song, parang biglang na-feel ko yung original feeling ko when I composed the song and after 32 years, that song continues to be relevant to the young and old people alike. So nakaka-touching.'

Malaki din ang pasasalamat ni Chan sa pag-imbita sa kanya ng Unang Hirit barkada para kantahin ang pinakasikat niyang kanta.

'It's been three years na I haven't sung so thank you for inviting me. This is my first time to be on television, dagdag pa niya.

Si Jose Mari Chan ay isang Filipino-Chinese singer, TV host, song writer at businessman.

Siya ay ipinanganak sa Ilo-Ilo at siya ay 77 taong gulang na. Siya rin ay kasal kay Mary Ann Ansaldo at biniyayaan sila ng limang anak na magagaling din kumanta. 

Dahil sa pagkaka-ugnay ni Chan sa musika ng Pilipinas ay madalas siyang gawing internet memes bago pumasok ang buwan ng Setyembre. Dahil dito tinagurian siyang King of Filipino Christmas Carols. 

Anong masasabi mo dito at anong paborito mong kanta ni Jose Mari Chan?


No comments:

Post a Comment

Sponsor