Bakit Pinili Ni Gwen Zamora at Andi Eigenmann Manirahan Sa Probinsya

Bakit Pinili Ni Gwen Zamora at Andi Eigenmann Manirahan Sa Probinsya

Bakit Pinili Ni Gwen Zamora at Andi Eigenmann Manirahan Sa Probinsya

Masaya at sobrang enjoy ang dating kapuso aktres na si Gwen Zamora sa buhay niya ngayon sa probinsya kasama ang kanyang asawa na si David Semerad at ang kanilang anak na si Cooper.

Maraming na-inspire sa mag-asawa dahil sa desisyon nilang manirahan sa simpleng pamumuhay sa probinsya. 

Noong kasagsagan pa ng pandemya ay naisip nilang lumayo muna sa city life at manirahan muna sa modernong bahay kubo na tinawag nilang "Semerad Cabin" para makalanghap ng mas fresh na hangin at para narin sa kaligtasan nila.

Kahit na malayong-malayo ang buhay nila doon kumpara sa buhay nila sa Manila ay makikitang nag-eenjoy sila at marami silang pinakakabalahan tulad ng pagtatanim ng mga halaman.

Sa social media naman ni Gwen, ibinahagi nito na pwede na rin arkilahin ang kanilang farm sa pamamagitan ng AIRBNB. 

"Going thru the memory of Semerad Farm got me all emotional. I can't believe how far we've come (David). This is it! Our gates open November 1, book your stay now!"

Ang mag-asawa ay parehong half-Filipino at aminadong lumaki sa city life. Pareho daw nilang ginustong ma-experience ang buhay na hindi nila nakasanayan kaya pinili nilang manirahan sa isang bahay kubo.

Si David ay may kakambal na isa rin basketball player na si Anthony Semerad na asawa ng dating Bubble Gang babe na si Sam Pinto. 

Samantala, tulad din ni Gwen ay naging usap-usapan din ang naging desisyon ng kapamilya aktres na si Andi Eigenmann na manirahan din sa probinsya kapilang ng kanyang partner na si Philmar at mga anak nila.

Sa gitna ng tinatamasang kasikatan ng aktres ay nagdesisyon itong talikuran ang showbiz para makasama ang kanyang minamahal. Kahit marami ang nagulat sa naging desisyon niya ay marami naman sumuporta sa naging desisyon nito basta masaya daw ito. 

Ang kanyang ina na si Jaclyn Jose ay suportado rin ang anak sa naging desisyon nito at kung saan daw ito masaya ay masaya din ito para sa kanya. Malaya rin nakakagalaw si Andi sa buhay nila sa Siargao dahil hindi siya masyadong pinagkakaguluhan doon.

Hindi masyadong nagkikita ang mag-ina at hindi masyadong nakakapiling ni Jaclyn ang kanyang mga apo dahil kailangan niyang manirahan sa Manila para sa mga tapings ng kaniyang mga palabas. 

Sa social media ni Jaclyn, ibinahagi nito ang larawan na may caption na,

"Anak, hinahangaan kita sa kung anong meron ka sa buhay mo ngayon. Napakatapang mo, sana ako din. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Anak, mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo. Mag ingat palagi!"

Isa pang ikinatuwa ng mga netizens ay ang pagtanggap ni Jaclyn sa partner ni Andi na si Philmar. Makikita sa Instagram niya na itinuturing na niyang anak si Philmar.

Ikaw saan mo mas gustong manirahan, buhay probinsya o city life?


No comments:

Post a Comment

Sponsor