Mga Celebrities Na Muntik Ng Maging Mrs Ramsay

Mga Celebrities Na Muntik Ng Maging Mrs Ramsay

Bago pa man magpakasal ang mag-asawa na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna-Ramsay ay marami din mga sikat na celebrities ang nakarelasyon ng aktor. Kaya ating kilalanin kung sino-sino ang mga ito.

Bago pa man magpakasal ang mag-asawa na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna-Ramsay ay marami din mga sikat na celebrities ang nakarelasyon ng aktor. Kaya ating kilalanin kung sino-sino ang mga ito.

1. Mary Christine Jolly

Si Mary ay isang sikat na Indian-Filipina celebrity na pinakasalan noon ni Derek. Naganap ang kasal nila noong April 3, 2002 sa Balagtas Bulacan. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng isang anak na si Austin Gabriel Ramsay. Taong 2020 naman ng aminin ni Derek na annuled na ang kanilang kasal.

2. Solenn Huessaff

Ang Kapuso aktres naman na si Solenn at Derek ay nagkaroon din ng apat na taong relasyon at naghiwalay noong 2006. Ayon sa aktres ay si Derek daw umano ang first real boyfriend nito at first love kaya naging intense ang kanilang relasyon. Wala din daw silang pagsisisi sa naging relasyon nilang dalawa at hanggang ngayon ay magkaibigan parin sila.

"Everything happens for a reason. I don't regret anything. After all, Solenn is still very much part of my life, even after the split. The great thing about us is that we're still good friends. I can call her anytime, knowing that she'll be there for me,' pahayag ni Derek sa panayam sa kanya.

3. Anne Curtis

Ang It's Showtime host na si Anne Curtis ay na-link din kay Derek ng magsama sila sa mga pelikulang 'No Other Woman' na ipinalabas sa sinehan noong 2011 at 'A Secret Affair' noong 2012. Inamin naman ni Anne na hindi naging sila pero noong medyo bata pa si Anne ay nanligaw daw sa kanya si Derek. 

4. Angelica Panganiban

Ang Kapamilya aktres at child star naman na si Angelica Panganiban ay nagkaroon din ng long term relationship kay Derek. Umabot ng anim na taon ang kanilang relasyon at kinumpirma ni Angelica na natapos ito sa pamamagitan lamang ng telepono. 

Inamin din ng aktres na marami siyang hindi nagustuhan kay Derek tulad ng pagiging controlling nito at kawalang suporta sa paghahanap sa biological father niya. Samantala, masaya na ang lovelife ngayon ni Angelica kapilang ang kanyang non showbiz boyfriend na si Gregg Homan. Isinilang din niya ang una nilang anak na si Amila Sabine Homan noong Setyembre 20, 2022. 

Kasunod nito ay ibinahagi din ng aktres na engaged na silang dalawa ni Gregg. Labis din ang pasasalamat ni Angelica sa ate niyang si Juday dahil sa walang sawang suporta nito sa kanya. Sa Instagram post niya, ibinahagi ng aktres ang pasasalamat kay Juday.

Aniya,

"Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si ate juday sa pagpapadala ng care packages. Kulang na lang siya magpaanak sakin. Isang araw habang dinadama ko ang pag iyak sa loob ng 3hrs. (Postpartum na kaya yun?) nag suggest si gregg na baka gusto ko makita si ate, para na rin sa mental health ko. Agad agad ko inavail ang offer niya."

"At eto na nga ang itsura ng pagtitipon ng mga pamilya namin.. (Luh,, may pamilya na talaga me ) THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat. Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean. May mga pabaon pa si lunabun na very sanitized minnie mouse doll at may dessert pa from chef luna. We love you!!

5. Cristine Reyes

Nagkasama sina Cristine at Derek sa isang pelikula noon na No Other Woman na ipinalabas noong 2011. Isang buwan lamang nagtagal ang kanilang relasyon at sa isang interview ni Derek sa Cristy Ferminute, ibinahagi nito na malapit sila ni Cristine sa isa't-isa.

"Naging girlfriend ko din si Cristine Reyes. Well, kami kasi ni Cristine, super close. She was one of my closest friends nung kami pa ni Angelica (Panganiban). Tapos nung naghiwalay kami ni Angelica, we still maintained that friendship,"pahayag ng aktor.

6. Joanne Villablanca

Si Joanne ay ang naging non showbiz ni Derek noong 2015 at kinumpirma ng dalawa na nagsasama na sila sa iisang bubong noong 2017 pero taong 2019 naman ng kumpirmahin ng aktor na hiwalay na silang dalawa ni Joanne.

7. Andrea Torres

Ng lumipat si Derek sa GMA Network noong 2019 ay nakatambalan niya ang Kapuso aktres na si Andrea Torres sa serye na 'The Better Woman' kung saan nagka-developan ang dalawa at nauwi sa relasyon. Bali-balita din noon na may plano na silang magpakasal pero maraming nabigla ng inanunsyo ni Derek na hiwalay na silang dalawa. 

Wala daw umanong third party at walang problema kay Andrea. May mas deserving pa daw na lalaki para kay Andrea kesa sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita si Andrea tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Derek.

Sa isang panayam ni Toni Gonzaga kay Andrea sa Toni Talks, inamin ng Kapuso aktres na nakaranas siya ng depresyon nang naghiwalay sila ni Derek. Nakaranas din daw ito umano ng pagkawalang gana sa lahat ng bagay lalo na sa kanyang trabaho dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay nilang dalawa.

"Wala ka nang ganang gumawa ng kanit ano. Ayaw mo nang tumayo and every little thing, iniiyakan mo. Parang lahat nagti-trigger sa'yo."

Pero nakabangon ang aktres dahil sa relasyon niya sa Diyos.

Ang Mrs Ramsay

Ang isa sa mga pantasya ng mga kalalakihan na si Ellen Adarna ay ang pinakasalan at nakatuluyan ni Derek. Matapos ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen ay kinumpirma ni Derek na may namamagitan sa kanila ng aktres. Taong 2019 naman ng kumpirmahin nila ang kanilang relasyon. Ayon sa aktor ay may spark daw sila noong una silang nagkita. 

Ikinasal sila noong November 11, 2011 sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bagac, Bataan. Sa Africa pumunta para sa kanilang honeymoon kasama ang anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias.


No comments:

Post a Comment

Sponsor