Mga Celebrities Na Nagkaroon Ng Iskandalo At Kumalat Ang Pribadong Bidyo

Mga Celebrities Na Nagkaroon Ng Iskandalo At Kumalat Ang Pribadong Bidyo

Sila ang mga celebrities na inamin na kumalat ang kanilang mga pribadong bidyo/ larawan sa social media na sumira sa kanilang reputasyon

Sila ang mga celebrities na inamin na kumalat ang kanilang mga pribadong bidyo/ larawan sa social media na sumira sa kanilang reputasyon pero naging matatag at unti-unting naiahon ang karera sa showbiz. Atin silang kilalanin.

1. Chito Miranda at Neri Naig

Ang vocalist ng sikat na banda na Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ang misis nitong si Neri Naig ay nasangkot din sa isang iskandalo noong 2013. Hindi naman ito itinanggi ng singer at humingi ito ng tawad sa post niya noon sa kanyang social media.

Aniya, "We are truly saddened by the fact na may nag-leak na private video of me and my girlfriend, Neri Naig."

"Humihingi po ako ng paumanhin sa mga pamilya namin for this unfortunate incident. Thank you for all your prayers and ecouraging messages."

Ayon kay Chito ay may nagnakaw daw ng kanilang hard drive sa kanilang kwarto pero hindi matitinag ang kanilang relasyon. 

Hanggang ngayon ay matatag parin ang pagsasama nina Chito at Neri. Sa katunayan ay hindi parin kumukupas ang kasikatan nilang dalawa.

2. Ethel Booba

Ang singer, aktres at komedyante na si Ethyl Gabison o mas kilala bilang Ethel Booba ay nasangkot din sa isang iskandalo noong 2005 kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Alex Crisano na former PBA player. Ang bidy kung saan tumambad ang maselang parte ng katawan ni Ethel ay kuha ni Alex.

Inamin naman ito ni Ethel ng makapanayam siya ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice noong 2014. 

Aniya, 'Ako yung mahilig magvideo-video tapos hanggang one time, paggising, nagga-ganun siya (Alex). Inaamin ko yung video pero ano, wala na yun, iyun ang pinaka-worst.

Sa ngayon ay masaya na ang buhay ni Ethel kasama ang kanyang partner na si Jessie Salazar at ang anak nilang si Michaela.

3. Joross Gamboa

Ang aktor na si Joross Gamboa ay nasangkot din sa isang iskandalo noong 2016. Kumalat ang bidyong ito online habang may ka-video call si Joross habang pinaglalaruan ang kanyang pagkalalaki. Ang bidyong iyon ay umabot ng mahigit pitong minuto na kita ang mukha ng aktor habang nasa loob ng kotse. 

Sa isang panayam sa kanya ni Boy Abunda, inamin ni Joross na siya nga ang nasa bidyo. Ayon sa aktor ay medyo 'worldly' siya nung panahon na iyon at matagal nang nangyari iyon. Hindi naman daw ito naka-apekto sa relasyon niya sa kanyang asawa na si Katz Saga pero inamin niya na naging emosyonal siya ng kumalat ito. Nasa Amerika si Joross kasama ang kanyang asawa at anak ng kumalat sa social media ang bidyo.

Dagdag pa niya, 'Hindi siya naano, kasi alam niyang matagal na 'yon. Idinasal na lang naming dalawa, siyempre nag-pray na lang kaming dalawa noon.'

'Lahat nangyayari for a reason kasi. Kumbaga, mas dagdag lesson yun sa akin. Tsaka minsan, it's either matuto ka sa wisdom, sa mga experiences ng ibang tao or sa sabi ng ibang tao, or sa sarili mong experience na tulad ng ganito,' pahayag ng aktor.

4. Maricar Reyes

Taong 2009 na masangkot si Maricar sa isang iskandalo na kung saan ay kasama niya sa pribadong bidyo ang doktor at modelo na si Hayden Kho. Noong taong din iyon ay kumalat din ang isa pang pribadong bidyo nina Katrina Halili at Hayden Kho na talagang gumimbal sa mundo ng showbiz. Maraming netizens ang pinagpyestahan ang bidyo na talagang sumira sa showbiz career ni Maricar. 

In a relationship din si Hayden kay Dra Vicki Belo ng panahon iyon. Sa isang panayam ni Toni Gonzaga sa mag-asawa, ibinahagi ng doktora kung paano niya pinatawad ang mister. Ayon kay Dra Belo ay hindi naging madaling patawin si Hayden pero nakikita niya ang kabutihan ng puso ni Hayden.

Aniya,

"Cause I can see, I was sure that Hayden was very kind. There was no problem with me. BUt I also know that he was molested by a gay guy when he was like eight years old. And that part of him which he would talk to me about, but I really molded everything that went after that. And then unline other people who would probably tell their parents, he didn't. So he had nowhere to process it. So ang nangyari, he's good na. He's parang in his mind, alam ko na felt so dirty."

"But I know this guy is capable of so much. He's such a good person, kaya lang he got the wrong breaks. He was young and he couldn't control it,' dagdag pa ng doktora.

5. Marjorie Barretto

Taong 2013 ng kumalat ang mga larawan ni Marjorie sa Facebook habang ipinapakita ang kanyang pagkababae at walang panty o pang ibaba. Nung malaman ng aktres na kumalat ang kanyang mga pribadong larawan at agad naman niya itong itinanggi at sinabing peke ang mga larawang iyon. Ayon pa sa kanya ay hindi daw niya kayang gawin ang mga bagay na iyon.

Aniya, 'No, that's not me. I would never do something like that. That's not my nature.'

Pero makalipas lamang ang ilang araw ay umamin din si Marjorie na siya nga ang nasa larawan ng mga kumakalat online. Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan, 

"We are representing Marjorie Barretto. We have sent demand letters to bloggers, Twitters, Facebook, Instagram etc. that uploading/downloading/displaying etc of the photos of Marjorie is a blatant violation of RA9995 Anti Photo And Video Voyeurism Act 2009 and her constitutional right to privacy."

Matatandaan din na nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Marjorie Barretto at ang kanyang mga kapatid na sina Claudine at Gretchen Barretto. 

Sa Instagram story noon ni Gretchen ay ibinahagi niya ang pribadong larawan ng kanyang kapatid na may caption na 'Well raised'.


No comments:

Post a Comment

Sponsor