Danica Sotto, tinulungan si Marc Pingris Na Makita Ang Tunay Niyang Ama

Danica Sotto, tinulungan si Marc Pingris Na Makita Ang Tunay Niyang Ama

Sa isang panayam ni Pia Arcangel sa professional PBA player na si Marc Pingris, ibinahagi nito kung paano niya nahanap ang kanyang ama sa France

Sa isang panayam ni Pia Arcangel sa professional PBA player na si Marc Pingris, ibinahagi nito kung paano niya nahanap ang kanyang ama sa France. 

Matagal na taon ng hindi nakita ni Marc ang kanyang ama na isang French kaya tinulungan siya ng kanyang asawang si Danica Pingris para mahanap ito. Noong bata pala lamang si Marc ay madalas tinatanong sa kanya kung nasaan ang kanyang ama pero wala daw itong maisagot at sinasabi lamang ng kanyang ina na wala patay na ito.

Aniya "Yun lang ang maisagot ko kasi yan lang din ang sagot sa akin ng mother ko. Ayaw siyang ikuwento ng mother ko eh. Basta ang sabihin mo kapag may nagtanong, patay na. Kaya ang hirap din ng mga pinagdaaanan ko sa probinsya sa Pangasinan."

May mga ilan pa daw na nagsasabing ampon lang siya kaya sinubukan ng kanyang ina noon na hanapin ang kanyang ama sa French Embassy pero hindi ito natuloy.

Ang kanyang misis na si Danica ang gumawa ng paraan para mahanap ang ama ng kanyang asawa kaya naman bago sila ikasal ay nagpatulong ang aktres sa kamag-anak niya sa Switzerland para dumulog sa French Embassy sa Pilipinas at magtanong tungkol sa ama ng kanyang asawa.

Halos lahat daw ng may apelyidong Pingris sa France ay tinanong nila at sinendan nila ng email isa-isa.

Nagpadalawa sina Danica at ang kamag-anak nito sa isang daan na sulat sa mga taong may apelyidong Pingris sa France at makalipas ang isang buwan ay may natanggap silang sulat mula sa kapatid ng kanyang tunay na ama.

Aniya, "Hi, alam ko kung nasaan ang dad mo, ganyan-ganyan. Si Danica umiiyak but ako wala eh, wala akong nararamdaman. So kinuha ko yung sulat na yun, pinabasa ko sa mother ko tapos bigla siyang umiyak and then kinuwento na niya sa akin lahat kung ano yung nangyari," kwento ni Marc.

Matapos ikuwento ng kanyang ina ang nangyari ay nakatanggap na siya ng sulat mula mismo sa kanyang tunay na ama. Noong oras daw na iyon ay wala parin nararamdaman si Marc at parang wala lang ito sa kanya. Ikaw ba naman ang hindi makapiling ang inyong tunay na ama simula pagkabata.

Pagkatapos ng kanilang kasal ay niyaya naman ni Danica si Marc na lumipad sa France para makita niya ang ama sa personal na nagngangalang Jean Marc Pingris Sr, pero ayaw daw talaga ni Marc na makita ang ama kaya pinilit siya ni Danica.

"Hanggang sabi ni Danica, pagkatapos ng kasal natin, pupunta tayo sa France para hanapin ang dad mo. Yun yung sinabi niya sa akin but ako, ayaw ko, ayaw ko. Pinilit lang ako ni Danica that time. So na-convince niya naman ako. Sige, regalo mo na para sa kasal natin, punta tayo," kwento ni Marc.

Noong nasa Amsterdam na daw sila ay biglang umayaw at gustong umatras muli ni Marc at gusto na niyang bumalik ng Pilipinas pero hindi ito pinayagan ni Danica.

Ng dumating na ang araw ng kanilang pagkikita sa France ay parehong hindi naiwasang maging emosyonal ng dalawa at wala daw nagawa si Marc kundi umiyak lamang.

"Pagdating namin sa Paris, ayun na. Nung nakita ko siya, alam mo yung sama ng loob ko parang, first time, first time ko sa buong buhay ko na makayakap ng isang ama. Wala akong nagawa kundi umiyak, at walang nagawa ang dad ko kundi umiyak din na tinatawag niya ako ng 'My son, my son, my son."

26 taong gulang daw siya ng makita at makapiling niya ang kanyang ama sa unang pagkakataon kaya sobrang sarap umano ng pakiramdam na mayakap ang kanyang tunay na ama.

Sinabihan din ni Marc na pumunta ng Pilipinas para makausap ang kanyang ina at makapagpaliwanag na rin.

Pumayag naman daw ang kanyang ama na pumunta ng Pilipinas para magpaliwanag sa kanyang ina. Kwento pa niya ay ikakasal na daw noon ang kanyang ama sa ibang babae pero nagpasya itong huwag munang ituloy hangga't hindi pa naaayos ang problema nito sa Pilipinas.

"So pumunta yung dad ko rito. Nag-usap ulit yung mother ko and dad ko. Nilabas ng mother ko yung sama ng loob niya. Para sa babae kasi masakit yan eh, ilang years na hindi ka pumunta, hindi ka nagpakita sa anak mo," dagdag pa ni Marc.

Makikita naman sa social media ni Marc na madalas na silang magkita at mag-bonding ng kanyang ama at maayos na rin ang relasyon nila kahit matagal silang hindi nagkita.

Mahigit isang dekada ng kasal sina Danica at Marc at isa sila sa mga hinahangahan na couple ngayon dahil sa tatag ng kanilang samahan. Nagdiwang sila ng kanilang ika-15th anniversary noong March 3. Nagpasalamat din siya sa coach na nagpakilala sa kanilang dalawa na si Coach Robert Gonzalez.

"Happy Anniversary to the woman who gives me more love every day than I even deserve. Let’s make our marriage more awesome! Mahal na mahal kita alam mo yan at sorry sa mga mali ko sa buhay.salamat sa pag mamahal mo sa family ko at sa mga anak natin. Salamat at natiis mo ako ng 15 years!!! love you my queen".

Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Jean Michael Pingris at Annielle Micaela Pingris.


No comments:

Post a Comment

Sponsor