Ganito Pala Kayaman Si Bossing Vic Sotto

Ganito Pala Kayaman Si Bossing Vic Sotto

Isa rin ba kayo na gustong malaman kung gaano kayaman ang isa sa mga sikat na komedyante at Eat Bulaga main host na si Vic Sotto?

Isa rin ba kayo na gustong malaman kung gaano kayaman ang isa sa mga sikat na komedyante at Eat Bulaga main host na si Vic Sotto? Ating alamin kung gaano kayaman ang Pambansang Bossing ng Pilipinas.

Si Marvic 'Vic' Castelo Sotto o mas kilala bilang Vic Sotto ay ipinanganak noong April 28, 1954 sa Manila. Meron siyang tatlong kapatid na lalaki na sina Maru Sotto, Vicente 'Tito' Sotto, at Val Sotto. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at nag-umpisa ang kanyang career bilang folk singer at guitarist. 

Nabigyan siya ng pagkakataon na magtanghal sa telebisyon kasama ang kanyang mga kapatid na sina Tito at Val Sotto para sa isang gag show na 'OK Lang' sa IBC TV Network. Siya rin ang naging vocalist ng bandang VST & Company na nagpasikat ng mga kantang 'Awitin Mo at Isasayaw Ko, Rock Baby Rock at Kung Sakali. Siya rin ang bida sa mga sikat na pelikulang Enteng Kabisote. 

Meron siyang limang anak na sina Mayor Vico Sotto, Paulina Sotto, Danica Sotto, Oyo Boy Sotto at Tali Sotto.

Si Bossing Vic Sotto ay kabilang sa Top 10 Ng Richest Pinoy Celebrity. Ayon sa report ng Quecie, ang net worth niya ay 150 million pesos. Pagdating naman sa mga sasakyan, meron itong iba't-ibang Ferrari cars, Audi Q3, Mustang GT at mga Mitsubishi Cars.

Pagdating naman sa properties. Noong 2016 na kumpirmahin ng mag-asawang Pauleen Luna At Vic Sotto na lumipat na sila sa bagong bahay nila sa Santa Rosa, Laguna. Ayon sa dalawa ay umabot ng halos dalawang taon bago natapos ang kanilang bahay at naganap ang house blessing noong January 1, 2016. 

Kabilang sa mga dumalo ay ang Pambansang Bae na si Alden Richards, mga kaibigan nila at magulang ni Pauleen. Isinilang naman ang unang panganay na anak nila na si Talitha Sotto noong Nobyembre 2017. 

Ayon kay Pauleen ay naging hassle at ma-proseso daw ang pagpili ng materials sa konstuksyon ng kanilang bahay. Sila mismo ang pumunta sa mga shops para pumili ng mga gamit na pang disensyo sa bahay nila.

Aniya, "Hindi siya biro and dami mong choices. I am sure sila (other homeownders, nilalatagan nalang nang choices. Ako, hindi, pumupunta talaga ako dun sa Wilcon Depot at ako ang naghahanap nu'n. Ang dami tsaka hindi mo alam kung anong babagay sa ganyan. Hindi talaga siya biro, kaya nga siguro trabaho o isang propesyon talaga ang pagiging home builder," pahayag ni Pauleen.

Samantala, usap-usapan ngayon ang Instagram post ni Pauleen tungkol sa naging concert ni Aiza Seguerra kung saan naging emosyonal ito. Nagdiwang ng ika 35th year sa entertainment industry si Aiza at special guest niya si Vic Sotto. Ibinahagi ni Pauleen ang special moment ng kanyang mister at si Aiza habang kinakanta ang 'Somewhere Out There' ni Linda Ronstadt na may caption na,

"This made me cry.

"Growing up, i watched you and Vic be a tandem on screen but what people don’t know is the relationship you have when no one is watching. Sabi mo nga last night, father and son. As you know, Vic isn’t the most ma PR person in the world  and that makes you more special cos i see how he values you and treats you like his own. He loves you so much and i am so blessed to witness it."

Dagdag pa niya, "Yesterday, he asked me “Paano ba kayo naging close ni Ice?” To be honest, di ko alam kung papano sasagutin. All i could say was “I honestly do not remember, basta ang alam ko, suplado yan but i felt that he liked me and na appreciate ko yun kaya vinalue ko yung relationship” Aba, alam mo ba naman ang sabi ng tatay mo? “Baka type ka!” LOKO.

"Kidding aside, watching you pour out you heart and soul last night, made me realize what a bigger star you are. On stage and off stage. Kung magmahal ka, kahit tao man yan o craft o ano man, you give your all. Kaya we are so blessed to have you in our lives iceseguerra ! Congratulations! Iba ka!!!!"

Nag-reply naman si Aiza sa post ni Pauleen na 'I love you both so much! Sobrang hindi ako kumpleto kung wala siya dito kagabi. Pareho kami nagpipigil kahapon," sabay tawa.

Kinumpirma ni Vic at Pauleen ang kanilang relasyon noong 2013. Inamin ni Pauleen na dahil sa pagiging pursigido ni Vic sa panliligaw siya noon ay napalapit at napamahal ito sa kanya. 

Kahit malayo man ang agwat ng kanilang edad ay hindi naman ito naging problem sa kanilang relasyon. 68 taong gulang na si Vic samantalang 33 naman ang edad ni Pauleen. Ang Panginoon daw ang sentro ng kanilang relasyon para mas lalo pa itong mapatibay.


No comments:

Post a Comment

Sponsor