Dina Bonnevie, Awkward Makipag-Kaibigan Kay Pauleen Luna?

Dina Bonnevie, Awkward Makipag-Kaibigan Kay Pauleen Luna

Dina Bonnevie, Awkward Makipag-Kaibigan Kay Pauleen Luna?

Magkasama ang dalawang batikang aktres na sina Alma Moreno at Dina Bonnevie sa bagong comedy series ng TV5 na Kalye Kweens na mapapanood sa TV5 tuwing sabado ng gabi. 

Kilala si Dina bilang isa sa mga artista na prangka at sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Sa isang interview kay Dina sa isang presscon, tinanong siya kung gaano siya kalapit sa mga naging karelasyon ni kanyang ex-husband Vic Sotto. 

Ayon kay Dina ay pinakamalapit siya kay Connie Reyes dahil magkaibigan talaga sila pero hindi pa sila masyadong nagkaka-usap ni Pauleen. Nagkita sila sa binyag ng bunsong anak nina Oyo Sotto at Kristine na si Isaac at nagpakilala sila sa isa't-isa. 

Nagkita na rin daw sila ng maging guest si Dina sa talkshow ni Ryzza Mae Dizon noong hindi pa sila kasal. Pinakilala daw ni Pauleen ang kanyang anak na si Tali pero hindi pa sila nagkaroon ng chance na magkausap ng matagal. 

Sinabi din daw ng anak ni Dina na si Danica Sotto-Pingris na gusto ni Pauleen na maging okay silang dalawa pero parang awkward daw ito kay Dina.

Aniya,

"Nung binyag ni Isaac, yun lang parang 'Hi, I'm Pauleen', although kilala ko na siya, nakilala ko siya sa studio nung nag-guest ako sa show ni Ryzza Mae pero hindi pa sila kasal noon (Vic Sotto). Then yun sabi niya, 'Hi, ito yung anak ko si Tali, pinakilala niya. Pero we never had a change to sit down and chat."

"Sabi nga ni Danica, gusto sana ni Pauleen na maging okay kayo, to talk. Sabi ko parang ang awkward kasi, ano sana ang topic namin si Vic?," dagdag pa ng aktres.

Ito naman ang naging kumento ng mga netizens sa interview kay Dina tungkol kay Pauleen Luna.

Kumento ng isang netizen, "Even in person, akala mo mataray pero mabait. Can't forget the time when I made a request for a picture with her and without hesitation she said ok. That's the time when she guested in Sharon's show, wearing black micro mini and printed black and white blouse. I said thank you and she smiled back at me, turned away and said "where's Cherie?" Still beautiful as ever Ms. D."

"Real talk always pag si Dina kaya lagi ako napapakinig every interview sa kanya mula pa noon gang ngayon. Maging mga nag interview sa kanya siguro happy she is very diretso kausap hindi pabebe," kumento ng isa pang netizen.

"Awkward talaga maging friends ang ex-wife at ang present wife. It's enough that you acknowledge each other's presence and not talk behind each other's back. Past is past. What matters is the present. You don't dwell on the past. Both parties have moved on. Both parties are happy with their own lives. That's all that matters," kumento pa ng isang netizen.

Kumento naman ng isa pang netizen, "We know from a fact the reason why Pauleen fall from Vic’s bait! Mulah! Whether some people like it or not . That’s the deal! Of course her career was sinking down the water. That’s why Danica and Oyo had a hard time to accept her and be part of their lives initially. Pauleen tried very hard to win their hearts as she knows that it’s her lifetime commitment with Vic and that includes all Vic’s kids and the entire Sotto clan whom we all know came from a decent family! Time heal all wounds! Danica is 40 yo and older than Pauleen. If you put yourself into her position, it’s too difficult to think about her father fall once more to Eat Bulaga’s co-host and once were a contestant of Little Miss Philippines."

Kinasal si Dina Bonnievie at Vic Sotto noong 1982 pero naghiwalay din noong 1986. Napawalang bisa ang kanilang kasal noong 1992.

Kinasal muli si Dina noong 2012 kay Deogracias Victor Savellano na Ilocos Sur Representative. Nagkakilala sila sa isang business project at noong binalik daw manligaw ni DV sa kanya ay ni-reject daw niya ito dahil ayaw niyang makarelasyon at isang poliko. Dahil sa pagiging pursigido ni DV ay napasagot niya si Dina. 

Naganap ang kanilang engagement sa Subic. Sa isang interview ni Boy Abunda kay Dina noon, ibinahagi nito kung paano nag-propose sa kanya si Deogracias.

Aniya, "It's so funny kung paano siya nag-propose, it was Valentine's day 2012 tapos we came from Subic, last day ng P.S. I love you tapos he followed, actually hinatid niya ako tapos sabi ko wag kana pumunta kasi ang layo nun, no it's okay, anyway I'll be in a separate room, so separate room talaga siya."

"As in dun siya mag-isa sa sarili niyang cottage, dun naman kami ng grupo ko sa sarili naman cottage din. And then on the way back, sabi niya I'll just pass by my house and I'm just gonna get something."

"Sabi ko what? I am going to get the gift for your dad, sabi ko what, yung wine I'll give him the tapuy. And then he came to the car tapos biglang sabi niya, oh, sabi ko what, ano yan, akala ko tansan."

"Wala lang sabi niya tinatanong mo ako, sabi mo sa akin you don't want to get hurt anymore, ayaw mo ng lokohin ka ng guy, so kung tinatanong mo kung anong gagawin ko, yan ang sagot ko, I am going to love you forever until eternity," kwento pa ng aktres.


No comments:

Post a Comment

Sponsor