Pinapangarap Na Bahay Ni Jak Roberto, Sisimulan Ng Itayo

Pinapangarap Na Bahay Ni Jak Roberto, Sisimulan Ng Itayo

Masayang ibinahagi ng Kapuso aktor na si Jak Roberto na sisimulan ng itayo ang dream house niya matapos niyang makabili ng lupa/lote

Masayang ibinahagi ng Kapuso aktor na si Jak Roberto na sisimulan ng itayo ang dream house niya matapos niyang makabili ng lupa/lote. 

Ayon kay Jak, sa pagpasok nitong taon ay madalas na nilang bisitahin kasama ng kanyang mga architect ang lugar kung saan itatayo ang kanyang bahay. Tatlong palapag daw ito at magkakaroon ng magandang view sa pangatlong palapag nito. 

Ang kanyang kapatid na si Sanya Lopez ay nauna ng magpatayo ng bahay. Matagal na daw na fan si Jak ng mga disenyo ng mga bahay at wala siyang ibang pinangarap kundi makapagpatayo ng sarili niyang bahay. 

Deserve naman niya talaga ito lalo na ay masipag itong mag-trabaho at pinaghirapan din niya ito dahil sa kanyang pag-aartista at sahod sa pagiging vlogger niya. Dagdag pa ng aktor ay tuwing nagte-taping daw sila sa isang bahay ay palagi niyang pinagmamasdan kung paano ito itinayo ay dinisenyo. 

Aniya, "Kahit yung mga locations namin na mga bahay sa taping, minamasdan kong mabuti kung paano dinesenyo. Kasi sabi ko sarili ko, kapag magpapagawa na ako ng bahay, kahit papaano may idea na ako sa ipapagawa ko sa architect ko."

Ngayong nagkaroon na siya ng ideya sa pagpapatayo ng bahay ay nagdesisyon na siyang buuin ang kanyang dream house.

"At eto na nga, ngayon ko lang nalaman na di pala sya ganun ka simple at napakalaking challenge neto sa kin ngayon bilang first time kong bubuuin ang dream house ko," dagdag pa ng aktor.

Ipinakita niya ang disenyo ng bahay na ginawa ng kanyang architect at hindi daw ito makapaniwala na malapit na niya itong makamtan.

"Hindi ako makapaniwalang nakikita ko na virtually ang dream house ko. I’m so happy to finally see and “walk-thru” my soon-to-be home. This makes me more motivated to keep doing what I’m doing and to work hard. I can’t wait to build my dream home."

Plano din ng aktor na i-vlog kung paano itatayo ang kanyang dream house para mapanood din ng kanyang mga taga-hanga. Nagbiro pa ito na kung sino ang gustong makipag-collaborate at tumulong sa kanyang bahay ay pwede siyang padalhan ng mensahe sa kanyang social media.

"I plan to vlog my house construction to help me appreciate the process. For those who would like to collaborate and help me build my dream home, pm is the key. Hahahaha! Just message me on my socials!"

Maraming artista ang nagpa-abot ng kanilang pagbati at masaya sa aktor tulad nina David Licauco, Tina Paner, Gab Valenciano, Ashley Ortega, Betong Sumaya, Mauwi Taylor at marami pang iba.

Kumento naman ng mga netizens ay sana daw ay sila parin ni Barbie Forteza kapag natapos na ang bahay para maging reyna/ilaw ng tahan ng kanyang palasyo.

Marami din natuwa dahil sa isang bidyo na ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram, makikita na kasama dito ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.


No comments:

Post a Comment

Sponsor