Ganito Pala Kayaman Ang Vlogger Na Si Small Laude
Ganito Pala Kayaman Ang Vlogger Na Si Small Laude
Small Laude ang pangalan ngunit BIG ang kanyang yaman! Well, sa artikulong ito siya ang ating ibibida!
Si Marissa Eduardo o kilala natin sa pangalang Small Laude ay ikinasal kay Philip Laude na nakilala rin bilang isang negosyante. Sila ay biniyayaan ng apat na anak. Una si Pj laude bilang panganay, sumunod naman si Timothy, Michael at ang kanilang nagiisang anak na babae na si Allison Laude. At syempre bukod sa anak ay nabiyayaan din sila ng nakakalulang yaman.
Vlogging career: Si Small Laude ay kilala bilang isa sa mga tanyag na entrepreneur at vlogger sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng pag- dodokumento sa kanyang araw araw na pamumuhay, siya ay nagsilbing inspirasyon sa ating mga kababayan na nangangarap rin na umahon sa hirap at makaranas ng karangyaan sa buhay balang araw.
Sikat din si Small Laude bilang isa sa mga social media personality na talagang bumibida pagdating sa pag sho-shopping ng mga mamahaling kagamitan at pagbili ng mga stylish bags and shoes. Katunayan nga makikita sa kanyang mga vlog ang bag collection niya na talagang nagkakalula ang mga presyo.
Bukod sa kanyang hilig na mamili, naging hilig rin ni Small Laude ang tumulong sa kanyang mga trabahador, siya ay namimigay ng pera sa mga driver at kasambahay nya bilang reward sa pagiging Honest at Hard-working kaya naman talagang hinahangan siya ng karamihan.
Hindi lang ‘yan, kundi sinasali niya rin ang mga ito sa kanyang mga content niya sa kanyang video na kung saan sila ay gagawa ng mga challenge kapalit ang pera at grocery na halos pumpalo na sa mahigit 200,000 pesos kada challenge.
Kaya naman samut-sari ang papuri na natatanggap ni Small hindi lang sa kanyang nasasakupan kundi maging ang kanyang mga fans na talagang humahanga sa kanyang kabaitan at pagiging mabuting amo. Sino ba naman ang aayaw kung ang amo mo ay ganito, sisipagin ka talagang magtrabaho araw-araw.
Business/net worth: Pagdating naman sa kanilang mga yaman, ang pamilya Laude ay talagang lumaki na sa pagnegosyo tulad ng garment export, rice milling, rice trading at marami pang iba.
Sa dami ng kanilang pinapatakbong negosyo hindi maipapagkaila ang yaman na meron sila dahil bukod sa mga nabanggit kilala rin ang pamilya Laude sa kanilang printing company na Timson Printing and Brokerage Firm Timson Securities. Dahil sa kanilang tanyag na apelyido, si Small Laude ay tinawag rin na isa sa Real-Life Crazy Rich mom, dahil mula sa kanyang pananamit at pagsasalita ay napaka-elegante umano talaga nito.
Siya rin ay may mala mansion na six-storey modern house. Ito ay may nakakaintrigang presyo na mga desinyo gaya ng mga art collection, luxury furnitures pieces na galing pang Milan na halos nagkakahalaga ng 300,000 hanggang 3 million kada isang piraso. At hindi pa dito, mayroon rin itong apat na Hardin kung saan doon nila dinaraos ang Family day nila.
Tunay ngang napaka yaman na ni Small Laude hindi lang sa bahay, bag collection at car collection kundi maging ang paglalakbay niya na lagi nyang itinatampok sa kanyang mga vlogs at Instagram post. Gaya na lamang ng pagpunta nya sa Netherlands at paglibot sa Asia to Europe countries.
Pagdating naman sa kanyang net worth ngayong 2022, ito ay umabot na sa 50 Million. Kaya naman hindi maipagkakaila ang yaman na meron sila. Dahil diyan, marami ang humahanga sa kanila bilang isang inspirasyon upang mas magsumikap pa sa buhay.
Samantala, dahil sa kanyang kakikayan ay marami na rin siyang naka-collab na mga sikat vloggers at artista tulad nina Alex Gonzaga, Beks Batallion, Karen Davilla, Raffy Tulfo, Vilma Santos, Ryan Bang, Karylle, Vicki Belo at marami pang sikat na personalities.
Marami din na artista ang naka-follow sa kanyang Instagram account tulad nina Jessy Mendiola, Anne Curtis, Krystal Reyes, Anna Cay, Derek Ramsay, Sofia Andres, Charee Pineda, Kyline Alcantara, Baeby Baste, Marian Rivera, Paolo Ballesteros, Kalad Karen, Carla Abellana, Camille Prats, Meg Imperial, Pia Wurtzbach at marami pang iba.
Hindi man tayo ipinanganak ng parehong estado sa buhay pero lahat tayo ay may sari-sariling paglalakbay, magtiwala lang hanggang makamit natin ang tagumpay.
No comments:
Post a Comment