Bakit Nga Ba Itinuturing na “Weak” ang Philippine Passport?
Bakit Nga Ba Itinuturing na “Weak” ang Philippine Passport?
Bakit nga ba itinuturing na “weak” ang Philippine Passport? Paano ito magiging malakas, at ano-ano ang mga bansang tinaguriang may strongest hanggang weakest passports sa mundo? Tara’t talakayin natin ’yan sa artikulong ito!
Ang Henley Passport Index ay isang reliable source at ang karaniwang reference tool para sa patakaran ng gobyerno sa mga latest changes sa kapangyarihan ng passport.
Ang bawat passport ay naka-score sa kabuuang bilang ng mga destinasyon na maaaring ma-access ng may hawak ng visa-free passports. Sa bawat destinasyong pupuntahan na hindi nangangailangan ng visa, binibigyan ng one (1) bilang score ang passport.
Ganoon din kung ang mga may hawak ng passport ay makakakuha ng visa on arrival, isang visitor’s permit, o isang Electronic Travel Authority o ETA sa pagpasok sa ibang bansa. Kung kailangan ng visa, o kung saan kailangang mag-apply ang may hawak ng passport para sa electronic visa o E-Visa na inaprubahan ng gobyerno bago umalis, zero (0) naman ang ibibigay na marka. Pareho rin kung kailangan nila ng pre-departure approval para sa isang visa on arrival.
Ang kawalang-katatagan ng ekonomiya, panlipunan, at pampulitika kasama ng mahinang relasyong panlabas ay nag-aambag sa kahinaan ng isang pasaporte. Sa kasamaang-palad, ganoon din ang dahilan kung bakit itinuturing na hindi sila gaanong mahalaga.
Walang gustong manirahan o mamuhunan sa isang bansang may terorismo, kahirapan, at kawalang-tatag sa pulitika. Ang mas masama pa, walang gustong lumipat sa isang lugar kung saan animo sadyang ilalagay mo sa panganib ang iyong sariling buhay.
Ayon sa reports, ang pagbagsak ng Philippine passport sa 82nd spot mula sa puwestong pang-74th, kasunod pa man din ng pagkakaroon nito ng ten years validity, ay nangangahulugan na ang mga biyahero mula sa Pilipinas ay maaari lamang pumunta sa animnapu’t anim na bansa na walang visa.
Kaya naman sinasabing magiging mas mahirap din ngayon na mag-apply para sa isang foreign visa. Ito ay mangangailangan ng isang nakakapagod na proseso na kinabibilangan ng mga buwan ng pagpaplano, pangangalap ng iba’t ibang mga kinakailangan at pagbabayad ng pera para lamang makapaglakbay sa ibang bansa. Sa makatuwid, kung ikukumpara sa passport ng ibang bansa ang pasaporte ng Pilipinas ay talagang napakaliit at napakahina nito, at maikokonsiderang hindi gaanong mahalaga.
Ang ‘strength’ ng isang pasaporte ay hindi na lamang nakabase sa ekonomiya ng bansa ngayon, kundi na rin pati ang kakayahan nitong sugpuin virus transmissions sa loob ng mga boarders nito.
Sabi nga ni Alex Ledsom—senior contributor ng Forbes’s Articles: “The biggest thing to become apparent from Covid-19 is that a passport’s richness isn’t related just to the economic clout of a nation; no one is immune.”
Samantala, narito naman ang mga bansang may pinakamalakas na pasaporte at ang bilang ng mga estadong mayroon silang visa-free access:
Nakuha ng mga bansang Japan at Singapore pinakaunang pwesto at maaari silang magpunta sa 192 countries na may visa-free access. Ito ang itinuturing na strongest passport sa ngayon, habang pumapangalawa naman ang bansang South Korea at Germany na mayroon namang 190 visa-free access destinations.
Pangatlo ang mga bansang Italy, Finland, Spain, Luxembourg na pawang may 189. Pang-apat ang mga bansang Denmark at Austria na mayroong 188, habang ang mga bansang Ireland at Portugal naman ay panlima sa puwesto at mayroong visa-free access sa 187 countries.
Ang index ay ginawa batay sa data na ibinigay ng International Air Transport Authority (IATA). Ang mga mananaliksik ng Henley and Partners ay nagpapanatili ng accuracy sa pamamagitan ng pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga patakaran ng visa sa mundo mula sa dali ng pagkuha at maaasahang mga online sources na bukas para sa publiko.
Bukod d’yan ay narito pa ang ibang mga bansa hanggang sa 10th spot ng mga bansang may strongest passports sa mundo.
Pang-anim ang mga bansang, Belgium, New Zealand, Norway, Switzerland, United Kingdom, at United States na mayroong visa-free access sa 186 na bansa.
185 countries naman sa pampitong puwesto kung saan kabilang ang mga bansang Australia, Canada, Czech Republic, Greece, at Malta.
Ikawalo ang mga bansang Poland at Hungary na may bilang na 183 countries ang visa-free access destinations.
Ikasiyam ang Lithuania, at Slovakia na kapwa umabot sa 182 ang mga bansang maaaring puntahan na hindi na nangangailangan ng visa, habang nasungkit naman ng mga bansang Estonia, Latvia, Slovenia ang ikasampung puwesto sa bilang na 181 visa-free access countries.
Sa kabilang banda ay narito naman ang mga bansang itinuturing na mayroong pinakamahihinang passports sa mundo:
Nasa 102nd spot ang mga bansang Lebanon, Sri Lanka, Sudan na mayroon lamang 41 visa-free access destinations. Ika-103rd naman ang mga bansang Bangladesh, Kosovo, Libya na mayroon lamang 40. Ang 104th spot ay mayroon lamang na 39 visa-free access destinations at ang bansang nasa puwestong ito ay ang North Korea. Ika-105th naman ang bansang Nepal at Palestinian Territories na 38 lamang ang visa-free access.
Ang bansang Somalia na may 34 visa-free access destinations ay napunta sa 106th. 34 naman ang sa Yemen na ngayon ay nasa ika-107th spot. Ang bansang Pakistan bilang 108th sa bilang na 33 visa-free access destinations, 109th sa Syria na mayroong 29. 110th ang sa Iraq sa bilang na 28, habang ang titulong weakest passport in the world naman ay napunta sa Afghanistan na ngayon ay mayroon lamang visa-free access destinations na may bilang na 26.
Ang mga isyung panlipunan, mga kaguluhan sa pulitika, at kaguluhang sibil ay nakaapekto sa spot na ito ng Afghanistan. Bukod sa patuloy na mga isyu sa terorismo na nangyayari sa loob ng maraming taon, ang bansa ay mayroon ding limitadong diplomatic relationship. Ang limitadong ugnayang ito sa ibang mga bansa ay nangangahulugan na ang Afghanistan ay maaari lamang mag-travel sa dalawampu’t anim na destinasyon nang walang anumang visa.
Ang visa-free travel ay primarily accessible sa mga African nations. Pinapayagan din ng ilang destinasyon sa ibang bahagi ng mundo ’tulad ng Macao, Maldives, Haiti, Palau, at Tuvalu ang visa-on-arrival para sa mga may hawak ng Afghanistan passports. Ang pagta-travel naman US ay pinapayagan lamang para sa taong may hawak ng diplomatic passports ng Afghanistan.
Ano ang opinyon mo sa isyung ito? Tara na’t pag-usapan natin ’yan sa comment section!
No comments:
Post a Comment