Ganito Pala Kayaman Si Senator Robin Padilla

Gaano Kayaman Ang Tinaguriang 'Bad Boy of The Philippine Movie' Na Si Senator Robin Padilla?

Gaano Kayaman Ang Tinaguriang 'Bad Boy of The Philippine Movie' Na Si Senator Robin Padilla?

Hindi maipag-kakaila na ang mga Padilla ay tunay na bida sa idustriya ng Showbiz. At syempre kung si Robin ang ating pag-uusapan hindi rin magpapa-huli ang kanyang taglay na yaman. Artista na Senador pa! Kaya’t naman ay ating aalamin gaano nga ba kayaman ang isang Robin Padilla?

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla, ay kilala bilang si Robin Padilla siya ay Filipino politician, television personality, martial artist, actor at director. Bagama’t hindi na ito gumaganap sa mga pelikula, aktibo naman ito pagdating sa politika. Dahil siya ay kasalukuyang senador ng Pilipinas mula noong June 30, 2022. Siya ay nanguna sa botohan bilang Senador na may total votes na 26.4 million. 

Personal na buhay: 

Pagdating naman sa kanyang personal na buhay si Robin Padilla ay ay anak nina Casimero Ruiz Padilla na kilalang politiko sa lalawigan at Lolita Eva Cariño na dating aktres. Siya ay may dalawang kapatid na pare-pareho ring naging aktibo sa paggawa at bumida sa mga pelikula, ito ay sina Rommel Padilla at Rustom Padilla na ngayon ay tinawag ng si Bb. Gandanghari, 

Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig si Robin ay dalawang beses ikinasal, una kay Liezel Sicangco. At pangalawa ay ikinasal siya sa kanyang kasalukuyang asawa na si Mariel Rodriguez. Biniyayaan sila ng dalawang anak na babae na sina Maria Isabella Padilla at Gabriella Padilla. 

Showbiz career: Dahil sa kanyang pagpapamalas ng kanyang galing sa action. Siya ay binansagan bilang " Bad Boy of the Philippine Movie". Siya ay gumanap sa pelikula na Anak ni Baby Ama taong 1990 na talagang isa sa humatak ng kanyang career sa showbiz. Sunod ay ang kanya ring binidahan sa kaparehong taon ang Bad Boy 1990, at Bad Boy II 1992 at Grease Gun Gang sa taong 1992 rin. 

Sa kanyang galing umarte ay talaga nakagawa rin siya ng VIVA Films, Star Cinema Productions Inc., FLT Films International, at GMA Films, binidahan nya ang Maging sino ka man noong 1991 kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta na talaga namang pinakilig ang boung sambayanan. 

Net worth:  Kung usapang ari-arian naman. Si Robin Padilla ay may magandang bahay na naipatayo sa exclusibong subdivision. Ito ay may magandang playground at swimming pool sa loob. 

Ito ay kanyang pinagawa para sa kanyang maliliit na mga anak upang maenjoy nito lalo ang kanilang family day. Bukod dun may mga nasabe ring business at mga sasakyan si Robin Padilla na hindi na niya isinasa-publiko. 

Makikita rin sa Instagram post ng actor noon, na binebenta na niya umano ang kanyang RV Bus na nagkakahalaga ng 5 million at  Assembled Humvee na mayroon ding halaga na 8 million hanggang 12 million. 

Ang layunin umano ng actor sa pagbenta ng kanyang mga sasakyan o ari-arian ay dahil nais umano nitong itulong ang kanyang pera sa mga biktima ng giyera sa Marawi, dahil karamihan sa mga biktima roon ay ang kapwa niya Muslim. 

Ito umano ay para matulungan sila na unti-unting makakabangon muli lalo na sa kanilang mga nasirang tahanan at hanap buhay. At ngayon naman na ating nalaman ang tungkol kay Robin Padilla alamin naman natin ang nakakalulang Net worth nito as of 2022.

Si Robin Padilla ay mayroon lang namang 25 million na halaga ng kanyang net worth. Hindi paman umano ito pumasok sa politika ay mayroon na itong mga naipundar at naipon sa kanyang mga business noon at ipon sa kanyang pag-aartista.

Oh diba nakakamangha siya? Saan kaya aabot ang pagiging Bad Boy at maangas mo? Malay mo ikaw rin ay maging milyonaryo gaya ng iyong idolo. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor