Ganito Pala Kayaman Si Liza Araneta Marcos
Ganito Pala Kayaman Ang First Lady Na Angkan Ng Araneta Na Si Liza Araneta Marcos
Isa kaba sa naiintriga kung gaano kayaman ang bagong first lady na si Liza Araneta Marcos? Totoo nga ba na maimpluwensya na talaga ang pamilya nito noon pa man? Well, iyan ay aming papatunayan.
Alam niyo ba na ang apelyidong Araneta ay isa sa mga big-time na angkan? Mula pa kasi sa kanilang kasaysayan, tuna’y nang dakila sa yaman ang mga Araneta. Si Louise Cacho Araneta Marcos o kilala bilang si Liza. Ang kanyang mga magulang ay si Manuel “Manolet” Ledesma Araneta Jr. at Milagros Azaola Cacho. Tunay talagang nagmula si Liza sa maimpluwensyang pamilya ng araneta na may background rin sa politika.
Educational background:
Kung Educational Background lang naman ang pag-uusapan. Aba syempre, hindi papahuli si Madam First Lady sa mga prestiyosong unibersidad. Nagtapos siya sa Ateneo de Manila University ng Bachelor's degree sa Interdisciplinary Studies noong 1981. Pagkatapos naman, nakuha niya ang kanyang law degree sa parehong unibersidad noong 1985. At Noong 1989 nag-aral si Liza sa post-graduate na klase sa Criminal Procedure sa New York University.
Kung usapang trabaho naman. Si Liza ay naging isang propesor ng law sa ilang mga unibersidad sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Tulad ng Mariano Marcos State University at Northwestern University College of Law sa Ilocos Norte, St. Louis University ng Baguio City at sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Yaman ni Liza Araneta Marcos:
Kung usapang negosyo, hindi rin papahuli ang mga Araneta. Ang mga ekta- ektaryang lupa na pinatayuan nila ng ibat-ibang istrukturang pang negosyo ay mula pa noong 19th century, kaya’t namay hindi na kataka-taka kung bakit isa na rin sa pinaka-mayaman ang ating First lady.
Kung atin ring maalala, kahit gaano pa ka-tahimik ang personalidad ni Liza Marcos ay talagang lubos ang pinakita nitong supporta sa kanyang asawa sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa nitong National election 2022.At sa halalan noong ika siyam ng Mayo taong 2022 ay nanalo ang kanyang asawa na si Bongbong Marcos bilang bagong pangulo ng ating bansa.
Base rin si pagsisiyasat lumalabas na ang Net worth ni Liza Araneta-Marcos ay umabot na sa 10 million pesos as of 2022. Subalit sa kabila naman ng laki ng kanyang yaman ay hindi ito naging questionable sa ibang tao sapagkat ito ay kanyang kita sa pagiging law professor at maaari ring may negosyo ang mag-asawa na siyang naging dahilan ng napakalaking pera na meron siya ngayon.
Maaaring kilala natin siya bilang tahimik at nasa likod lamang ng kamara pero marami na umanong natulungan si liza na mga estudyante at mamamayan, inilalarawan nila si Liza bilang "Intelligent, beautiful, at generous woman". Ayon sa mga nakakikilala sa kanya, ang ating First lady daw ay napaka humble na tao at napaka may mabuting puso at maging ang kanyang mga estudyante sa ibat-ibang paaralan na kanyang pinagsilbihan ay talaga namang hinahangaan siya. Ayon pa kay Liza mas lalo pa umano nitong paiigtingin ang pagtulong at pagtutok sa mga estudyante na nangangailangan ng supporta, lalo na sa pamahalaan.
Nakakamangha talaga ang pagiging matalino niya at pagiging matulongin sa kapwa. Hindi ka man isang Araneta ngunit malay mo ang inyong apelyido na rin ang susunod sa yapak ng mga mayayaman na tao.
No comments:
Post a Comment