Ganito Pala Kayaman Si Senator Raffy Tulfo

Ganito Pala Kayaman Si Senator Raffy Tulfo

Pagdating kaya sa yaman hindi siya magpapa-huli? Pwes, sa artikulong ito malalaman natin kung anong yaman meron si Raffy Tulfo

Kilala mo ba ang taong ayaw na ayaw sa mga mang-aapi? Pagdating kaya sa yaman hindi siya magpapa-huli? Pwes, sa artikulong ito malalaman natin kung anong yaman meron si Raffy Tulfo.

Kilala natin siya bilang isang matapang na tao at talagang matulongin pagdating sa ating mga kababayan. Mapa pinansiyal man ito o  kaya’y legal na abiso.  

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala natin bilang si Raffy Tulfo ay isang Filipino politician, broadcast journalist, at multi-media personality. At ngayon ay kasalukuyang nagseserbisyo bilang isa sa Senador ng Pilipinas mula sa taong 2022.

Career/major accomplishments: Nagsimula ang career niya sa broadcast journalism sa taong 1990s, kung saan nasimulan ang kanyang long-running radio show na Wanted sa Radio. Mula noon ay patuloy parin ang pagsubaybay ng kanyang mga loyal followers at supporters sa ibat-ibang social media platforms, kung saan nanghihingi ng tulong ang iba nating kababayan patungkol sa kanilang mga problema o kaya’y reklamo. 

Kaya bago paman pumasok sa larangan ng politika si Raffy Tulfo ay marami na talaga siyang natulongan, kaya hindi maikakaila kung bakit isa sa kanyang biggest accomplishment ang makaupo sa pwesto bilang isang senador sa taong 2022.

Sa lubos na papuring tinatamasa ni Raffy Tulfo siya ay tinawag na "Champion of the Poor" sapagkat siya ay tumutulong sa mga taong inaapi at nakakaranas ng karahasan at walang kalaban laban, prioridad niya ang mga kababayan natin ng sobrang kapuspalad at walang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa bulok na pamamaraan at batas na hindi nasusunod. 

Kaya isa rin si Raffy Tulfo sa sikat na mga YouTubers sa boung mundo dahil isa lang naman siya sa may malaking bilang pagdating sa mga subscriber. Ang kanyang YouTube channel ay may halos 24.9 Million subscriber at 9,000 videos na naiupload. Sa kabilang ng kanyang pagka-impuwensiyadong tao, umani din siya ng maraming parangal. 

Educational background: Marahil nagtataka kayo kung bakit wala pa tayong nababanggit tungkol sa buhay estudyante ni Raffy Tulfo, ito ay dahil malaya niyang sinabi sa publiko noong siya ay makapanayam ni Vice Ganda sa Tv show na #GGV o gandang gabi vice. 

Ayon sa kanya marami umano siyang pinasokan na eskwelahan kumbaga siya nagpapalipat lipat ng paraalan, dahil noong kapanahonan niya, siya umano ay bulakbul at talagang puro barkada ang iniisip. 

Natapos niya ang kanyang pagka-elementarya at highschool ngunit hindi pa raw nito muling nasimulan ang mag-aral sa kolehiyo. Pero mariinan namang sinabe ni Raffy Tulfo sa media na huwag siyang tutularan, dahil ang kanyang ginagawa noong siya ay nasa kabataan palamang ay matagal na nya umanong pinagsisihan.

Raffy Tulfo in Action Net Worth & Earnings: Pagdating naman sa kanyang Net worth mayroon itong estimated na halos 73.9 Million as of 2022.  Ito ay nang-gagaling umano sa kanyang nakukuhang kita galing sa YouTube channel nya.

Bukod sa mga bali-balita na mayroon umanong mansion si Raffy Tulfo sa sikat na subdivision. Viral naman noong taong 2021 ang balitang mayroon itong pinapatayo na 4 story house sa probinsya na may lawak na 75,000 square meters, sa sobrang lawak ay magkakasya umano sa garahe ang halos 11 na sasakyan. 

Ayon kay Engr. Victor Sanchez ito ay matatapos na sa September taong 2021, ito rin ay balak umanong lagyan ng swimming pool at firing shooting range. Subalit bukod sa mga ito marami pa umanong yaman si Raffy Tulfo na hindi na inilalantad sa publiko.

Eto ang yaman na meron si Raffy Tulfo. At hindi talaga maipagkakaila na ang mga marunong tumulong sa kapwa ay mas higit pa ang blessings na matatamasa.


No comments:

Post a Comment

Sponsor