Ganito Pala Kayaman Si Manny at Jinkee Pacquiao

Ganito Pala Kayaman Si Manny at Jinkee Pacquiao

Naiintriga ka ba kung gaano kayaman ang isang boksingero na si Manny Pacquiao at Ang Misis Nitong Si Jinkee Pacquiao

Naiintriga ka ba kung gaano kayaman ang isang boksingero? Well, ikaw ba naman kasi ang sumabak sa laban para sa bayan. Edi syempre sa limpak na limpak na pera ikaw ay sagana! 

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao ay isang Pilipinong politiko at dating propesyonal na boksingero. Binansagan ito sa makasaysayang ngalan na "PacMan. At ang tanong ng karamihan, gaano nga ba kayaman si Pacman?!

Sobrang dami ng Mansion ni Pacman:  

Lahat tayo ay siguradong kilala si Manny na isang laki sa hirap at ngayo’y isa na sa pinakamayan na tao. Dumako naman tayo sa mga yaman na meron siya at kung ano-ano ang mga ito. Humanda sa dami ng listahan ng kanyang mga Mansion!

Una, ang Packman's mansion. Ito ang kauna-unahang mansion na kanyang naipundar. Ang mansion umano na ito ay may pitong kwarto, gym, bilyard room, recording studio, swimming pool. At ika’y mamangha sa kabuohang sukat nito na 2,300 square meters.

Pangalawa, ang White House na matatagpuan rin sa Gensan. Pinagawa niya ito matapos niyang manalo sa laban kay Timothy Bradley noong 2012. 

Pangatlo, ang Forbes mansion na matatagpuan sa Forbes Park sa Makati city. Nabili nya ito sa halagang 388 million pesos, at ngayon ay may estimate value na ito na halos 1 Billion pesos.

Pang-apat, ang kanyang Dasmarinas Village Mansion na matatagpuan rin sa Makati city, binili niya ito matapos ang laban nila ng Argentina boxer na si Lucas Matthysse.

Pang-lima ang kanyang Saranggani Beach House na mayroon 14 rooms. 

Pang-anim, ang kanyang Boracay Mansion. 

Pang-pito, ang kanyang Laguna Mansion. Ayon kay Manny, binili nya ito para sa kanyang dalawang lalaki na anak na nagaaral sa Brent International School na may 400 thousand pesos ang Tuition fee kada taon.

Pang-walo, mayroon rin bahay si Manny sa Los Angeles California na may halagang 108 million pesos, ito ay nagsisilbing meeting place niya sa tuwing siya ay may laban noon.

Pang-siyam, ang pinaka-mahal na Beverly Hills Mansion. Ito umano ay nabili niya sa sikat na rapper sa halagang 625 million pesos.  Kapit bahay rin umano ng Senador ang mga sikat na artist tulad na lamang ni Katy Perry, Jenifer Lorens, at marami pang iba.

Jinkee Pacquiao bag collection: 

Kapag successful ang iyong asawa, aba syempre ikaw ay isang happy wife. Hindi kataka-taka kung bakit kilala si Jinkee Pacquiao sa publiko bilang stylish woman.  Siya ay bumibida pagdating sa kanyang mga luxury collections na talagang makikita mo lamang sa mga sikat at mamahalin na mga Brand. Ngunit ayon kay Jinkee, sa lahat umano ng collection nya ng bag mayroon siyang favorite, una ang Hermes Himalayan Birkin bag, Hermes Birkin bag, Hermes Kelly Ghillies bag, at ang kanyang Goyard Minaudieri case handbag. Ang halaga ng mga ito ay aabot sa 1.8 million hanggang 10 million kada isa. 

Mga car collection:  

Usapang sasakyan naman. Ang Hammer H2 ay nagkakahalaga ng 3 million pesos. Sumunod ay ang Lincoln Navigator na may halagang 4 million pesos, at ito umano ay paboritong ginagamit ni Manny sa tuwing siya ay may lakad. Pangatlo ay Luxury brand na Mercedes SL550 na nagkakahalaga ng 5.9 million pesos. Pang-apat sa kanyang collection ay ang Porsche Cayenne Turbo S, na kanya umanong pinapa-gamit sa kanyang mga guard upang ihatid sundo ang kanyang mga anak. Ito ay may halagang 8 million pesos. 

At last, but not the least ang pinaka-luxury car niya ay ang Ferrari 458 Italia: grey version, ito ay nagkakahalaga ng halos 12.3 million.

Ilan lamang ito sa mga nabanggit ngunit ayon sa bali-balita mas marami pa umanong yaman si Manny Pacquiao na mansion, car collection, mga business property ngunit ayaw umano nitong ilantad sa publiko. 

Tunay ngang nakakamangha ang pagpapala na tinatamasa ni Manny Pacquiao. Dahil umano ito sa kanyang pagiging matulongin at marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. Maniwala ka lang saiyong makakaya, malay mo ikaw na rin ang susunod sa yapak ni Pacman! ipagpatuloy lang ang laban! 


No comments:

Post a Comment

Sponsor