250 Mummies Nahukay Sa Saqqara Egypt

250 Mummies Nahukay Sa Saqqara Egypt

250 Mummies Nahukay Sa Saqqara Egypt

Natural lang na sa sementeryo patungo ang mga yumaong tao. Isang himlayan na napapanatili ang kanilang kapayapaan. Ngunit ibahin mo sa Egypt, sapagkat ang mga ilang mummies ay nahukay upang sa museo tumungo, kung saan gaganapin ang exhibition para ang mga tao ay dumayo. Ibang klaseng sining ang nais nitong iparating!

Ang pag-aaral ng archaelogy ay isa sa mga mausisang trabaho na nakabatay sa mga tira ng ating mga ninuno noong sinaunang panahon. Kaakibat nito ang mga bagay na natatagpuan, o mas madalas na nahuhukay. 

Mga hindi pangkaraniwang bagay na minsa’y di mo akalain na ito ay makabuluhan, at nagtataglay nang matinding pag-aanalisa upang mausisa ito ng mabuti. Magandang talakayin ito para sa mga curious na tulad ko. Ating usisahin ang nahukay na 250 mummies sa Egypt!

The Mummy: Napanood mo na ba ang isang pelikula na may pamagat na “The Mummy” Ito ay naging patok sa mga manonood at nagkaroon ng mga sumunod na bersyon. Nagkaroon ng “The Mummy Returns” at “The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor”. Kung wala ka pang napapanood sa mga pelikulang aking nabanggit, hayaan mo at ibabahagi ko na lang ang pinaka- pangunahing aral nito. 

Sumpa: Kilala ang mga Pinoy na maraming pamahiin o sabi sabi ng mga matatanda. Samu-t saring gawain ang dapat mong sundan upang ikaw ay makaiwas sa anumang malas. Ngunit kahit na walang siyentipikong explanasyon ito, nakaugaliaan na natin minsan ang sumunod na lamang sa mga pamahiin na ‘to, dahil wala naman daw mawawala, mas malala pa nga, kung hindi ka naniwala at isina bahala na lamang ito na maaring dahilan ito nang pagkamalas. 

Ang sumpa ay isa sa mga pinakamalalang bagay na hindi natin naasahan minsan. Maaring magka sumpa ka dahil hindi mo sinunod ang pamahiin, alinsunod ito sa aspeto sa Egypt, na naging sanhi sa mga pelikula ng The mummy. 

Ang paghuhukay ng mga mummies daw kasi ang nakakapag- bigay buhay sa mga sumpa, o di kaya napakawalan ang sumpa sa pamamagitan ng pag-istorbo sa mga ito. Ang konseptong ay nakabatay sa isang mitolohiya na ayon sa isang daang alamat at kultura na nagmula pa sa stage act sa London bago mahukay ang the king’s tomb. 

Ang mitolohiya raw na ito ay nagreresulta ng pagkamatay kapag iyong bubuksan ang mga bangkay ng mummies. Samantala, alam mo ba na ang totoong mummies ay na prepreserba? …  Yes, from the word itself “mummification”. Ang mummification ay isang proseso na kung saan naprepreserba ang katawan ng tao matapos itong sumakabilang buhay. Ito ay naisasagawa sa pamamagitan nang pag eembalsamo at pagpapatuyo ng laman gamit ang kemikal at iba pang natural na pag-prepreserba, kasunod ang pagbabalot ng linen bandages o bendahe. 

Mga nadiskubre: Dumako naman tayo sa pinakamain na topic natin ngayon. Ang 250 mummies na nahukay sa Egypt, at iba pang artifacts. Matapos ang 2500 na taon na namalagi ang mga bangkay ng mga mummies sa ilalim ng lupa. Kamakailan lamang ay nahukay ito nang  mga archaeologist noong May 30, 2022 malapit sa Cairo, Egypt. 

Nadiskubre nila ang 250 wooden painted na kabaong na naglalaman ng Egyptian mummies. Ang mga ibang kabaong ay naglalaman ng anting-anting. Kasama pa sa kanilang nahukay ang sumatotal na 150 bronze statues, nadiskobre nila ito sa isang sementeryo na malapit sa tanyag na pasyalan na Pyramids of Giza na kabilang sa 7 wonders of the ancient world. 

Ito ay ang mga Egyptian deities na kanilang sinasamba at tinururing gods and goddesses. Isa sa mga bronze statue na ito ay ang arkitektong bumuo sa Saqqara pyramid, at ang pangalan nito ay si Imhotep. Maliban sa bronze statues, nadiskubre rin ng mga archeologist ang mga instrumentong ginagamit pang ritwal. 

Bukod dito, may mga cosmetics rin silang nahukay, kabilang ng mga pulseras at mga hikaw. Samantala, isa namang palaisipan na bagay ang kanilang nadiskobre sa loob ng isang kabaong. Ito ay naglalaman ng maiging naka sealed na papyrus, ang dokomunteng ito ay maagarang ipinadala sa museo para mapag-aralan. Naniniwala rin daw sila na ito ay parehas ito sa isang daang taon na na libro, ang librong inihahalintulad nila rito ay ang The Book of Gates at ang Book of the Dead. 

Turismo: Hindi naman maipagkakaila na ang turismo ay lubos nang bumaba sa ating kasalukyang sitwasyon kaugnay sa pandemya. Kaya’t naman igiran ang Egyptian government na aksyonan ang turismo sa kanilang nasyon gamit ang mga nahukay na mummies at artifacts. Ang mga nadiskobre nila ay maililipat sa museo upang ito ay mai-display. Kaya’t kung ikaw ay nagplapalanong magbakasyon, tumungo ka na sa Egypt, malapit sa Great Pyramids of Giza na kung saan mangyayari ang Grand Egyptian Museum na magbubukas ngayong taon.

Ang mundo ay puno ng hiwaga at ang mga tao ay madalas namamangha sa mga bagay-bagay na kaugnay sa nakaraan. Maraming mausisa sa pag- imbestiga ng mga sinaunang kultura. Mga hindi pangkaraniwang bagay na nadidiskubre, na talaga namang pinag-aaralan ng grabe, na minsa’y umaabot na sa puntong, naghuhukay ng mga taong sumakabilang buhay. Sang-ayon ka ba na maistorbo ang mga taong libo-libong taon nang nakahimlay? Ano ang saloobin mo sa usaping ito? 


No comments:

Post a Comment

Sponsor